"Bes ano ba!?" Iritado kong wika sa bestfriend kong si Arriane na kanina pa ang kulit sa akin.
"Bes.. Maganda nga itong wattpad. May mga stories.. Alam mo ba bes ang ganda ng mga stories ni jonaxx nabasa ko na nga lahat e." aniya.
"Wala akong oras sa wattpad na 'yan. Tsaka busy ako sa pag-aaral 'no! Kaya ikaw, aral muna bago landi."
Suminghap si Arriane at tiningnan ako ng matalim. Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. Salamat naman at aalis na ang isang 'to.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napatayo na rin ako sa sakit.
"Aray! Ano ba Arriane Kate Cruz? Bakit ka nananabunot?" sigaw ko sakanya kaya napatingin sa amin ang librarian.
"Hey! You two! Get out!" sigaw niya sa amin kaya agad naman kaming umalis sa library. Nag-aaral pa nga ako eh.
Pagkalabas namin sa library, binitiwan naman agad ni Arriane ang buhok ko at tumayo sa harapan ko.
"Alam mo Arriesa hindi mo dapat sinasabi 'yang aral muna bago landi." nakapameywang niyang sinabi sa akin.
Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at ipinatong na rin ang dalawang kamay ko sa aking beywang.
"At ano naman ang sasabihin ko? Aral muna bago wattpad? Eh puro lang naman kapandian 'yang wattpad mo na 'yan eh. Wala nang pagkakaiba 'yon!" sigaw ko sakanya.
Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng aming school. Ang daang tinatahak namin ay papuntang canteen dahil alam kong lalamon na naman ang isang 'to.
"Hindi 'yon puro kalandian 'no! May mga aral din akong nakukuha roon. Palibhasa kasi ang bitter mo."
"Hindi ako bitter. Wala lang talagang forever." sagot ko naman at pumasok na sa canteen.
Buti nalang at may 20 minutes pa bago magsimula ang klase namin.
Bumili lang ako ng piattos at mogu-mogu dahil yun yung favorite ko. At ito naman si Arriane, ay nakakagulat dahil yung maliit na egg sandwich lang ang binili.
"Diet ka bes?" tanong ko sakanya sabay inom ng mogu-mogu ko.
"Oo, mukhang ang taba-taba ko na kasi eh." sagot naman niya.
"Anong mukhang? Ang taba-taba mo na talaga." sagot ko naman.
Bigla niyang hinablot ang mogu-mogu na nasa kamay ko at ininom niya ito ng walang tigil hanggang sa maubos ito. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ayan ubos na. Thank you bes." niyakap niya ako.
"Bwisit ka. Tara na nga at baka magsimula na ang klase."
Tumakbo kami papunta sa classroom namin.
Pagdating namin sa classroom namin, ginawa ni Claren ang ginagawa niya palagi pagkapasok namin sa classroom.
Lumapit siya doon sa 4 na kaklase kong mga babae na mukhang mga nerd na dahil may mga salamin ang mga ito at palaging may hawak na librong babasahin.
"Hi mga bra!" sigaw niya sa mga ito sabay beso-beso nila.
"Oh bra? Nabasa mo na ba yung update ni Jonaxx sa Island of Fire?" tanong ng nakangising si Gwen.
"Oo. Omg! Kagabi lang yung update na 'yon di ba? My god! Sobrang nakakakilig talaga yung part na iyon!" tumatalon sa kilig na pahayag naman ni Arriane.
Hays. Itong mga 'to.. Walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ang wattpad na 'yan.
Tsaka sino kaya 'yang Jonaxx na sinasabi nila? Pogi kaya 'yon?
"Nakakakilig talaga. Ang sarap siguro sa feeling kapag nakaupo sa lap ni Radleigh 'no?" nakangiting sabi naman ni Julia.
Nakaupo na ako ngayon sa upuan ko habang nagsusulat ng tula. Oo, hobby ko ang magsulat ng tula. Ang tagal-tagal naman kasi ng teacher namin. Hays.
Nang humupa na ang usapan ng mga 'wattpader' kong classmates at bestfriend, lumapit na si Arriane sa pwesto namin at umupo na sa tabi ko.
"Puro ka wattpad." utas ko.
"Maganda nga kasi 'yon bes. Try mo kasi minsan." aniya.
Inirapan ko siya. "Walang kwenta 'yang wattpad na 'yan. Kahit kailan hinding-hindi ako magbabasa diyan."
"Sus, balang araw, kakainin mo din 'yang mga pinagsasasabi mo tungkol sa wattpad." sagot niya naman kasabay ng pagpasok ng teacher naming mukhang unggoy dahil sa laki ng butas ng ilong nito.
"Sus, walang talab sakin 'yang wattpad mo." pabulong ko namang sagot habang nagdadasal kami.
Ito kasing teacher namin masyadong relihiyoso.
Pagkatapos ng "good morning class" ni sir, pinaupo niya na kaming lahat at nagsimula na siyang magsalita.
"Ms. Cruz and Ms. Brillo. I caught you murmuring while your other classmates were praying!" pagalit niyang sinabi. "Now, stand up and you two will pray!" sigaw niya sa amin.
Bumuntong hininga ako at tumayo na. Nakita ko pang nakatingin ang mga kaklase ko sa aming dalawa ni Claren na para bang sanay na sanay na silang palaging ganito ang nangyayari.
Halos araw-araw sa klase ni Mr. Sakay ay ganito ang nangyayari.
"Napakababaw talaga ng malaking butas ilong na ito." bulong ni Arriane.
Halos mapahagikhik ako sa sinabi niya ngunit pinigilan ko. Baka mas lalo pang madagdagan ang galit ni Mr. Sakay sa amin at masipa pa kami palabas ng classroom.
Nagdasal na agad kami ni Arriane para matapos na.
Nang matapos na ang pagdadasal namin, may biglang kumatok sa pintuan ng classroom namin at may nakita kaming poging lalaking nakatayo roon.
Inayos niya ang buhok niya habang nakatingin kay Mr. Sakay.
"Good Morning po, Sir." aniya sabay bigay ng puting papel.
Lumapit naman agad si Mr. Sakay sakanya at kinuha 'yung ibinigay nung lalake.
Umalis na ang lalake at lumapit naman si Sir sa table niya at umupo.
"Hay. Meeting na naman." aniya na nagpakislap sa mga mata ng mga kaklase ko maging ng bestfriend ko.
Narinig ko pa ang bulung-bulungan nila.
"Yes. Maaga uwian."
"Buti naman. Wala tayong pasok sa last period class natin."
"Yey. Mapapaaga ang pagbabasa ko nito."
"Wattpad, here I go again." dinig kong wika ng bestfriend ko.
Napaisip ako, kahit na galit ako sa wattpad na 'yan, at kahit na ayaw kong maadik sa ganyan, parang gusto ko siyang bisitahin at subukan o tingnan man lang. Nakakacurious.
Anong meron sa wattpad na 'yan?
BINABASA MO ANG
What Ifs
Non-FictionWhat if...... What if...... What if...... What if...... What if......