ang regalo ni inay!

312 0 0
                                    

KABANATA I: HABANG NASA SINAPUPUNAN

    Ang pamilya ay isang napakagandang regalo ng  Maykapal. Ito ang nagbibigay ng kahulugan sa bawat tao sa buong mundo. Ang pamilya ang siyang nagbubuklod sa atin para makamtan at malaman natin ang tunay na kahulugan ng tunay na pagmamahal. Lalo na sa isang ina na siyang nakakaintindi sa lahat. Ang ina na siyang walang sawang nagsasakripisyo habang nasa sinapupunan pa lamang tayo at siyang nakakaunawa sa ating nararamdaman at nakakaintindi sa lahat lalo sa mga problema. Ngunit bakit marami na sa mga kabataan ngayon ang sumusuway sa kanilang mga magulang na walang ibang hinangad kundi ang makabubuti sa ating kinabukasan? Dahil ba sa mga maimpluwensyang Gawain o ginagawa ng ibang tao na nakapaligid sa kanila? O ang kagustuhan lang talaga ang gusto nilang masunod? Ni hindi man lang nila iniisip na ang lahat ng mga payo n gating magulang ay siyang makakabuti para sa atin. Wala naman sigurong magulang na gustong ipahamak ang kanilang anak. Ang ating mga magulang ang siyang nakakaalam sa ating ikabubuti. Ika nga nila an gating magulang ay pabalik na sa kanilang pinanggalingan habang tayong mga kabataan ay papunta palang. Ang kwentong ito ay siyang magmumulat sa bawat mambabasa sa katotohanan kung alin nga ba o ano nga ba ang kahalagahan ng magulang at pamilya sa bawat tao o bawat anak maging sa bawat kabataan.

   Habang nasa sinapupunan palang si Roselle ay napakakulit na nito, parati siyang nagsisipa at gumagalaw sa loob ng tiyan ng kaniyang butihing ina. Masayang-masaya si Rachel at magkakaroon siya ng bunsong kapatid. Wala naman sigurong pamilya ang hindi matutuwa kung bibiyayaan sila ng isang anghel. Hanggang sa dumating ang buwan ng kapanganakan ng kanyang ina. Mahirap lang ang pamilya nila, isang magiting na magsasaka lang ang kanyang ama at nagtitinda ng kakanin ang kanyang ina  kaya sa bahay nalang nanganak ang kanyang ina. Masipag rin ang magulang nila lalo na ang kanyang ina na kahit buntis pa ito ay araw-araw paring nagtitinda ng kakanin para lang makabili ng pang araw-araw nilang pagkain sa pamilya at pinapaaral pa nila sa elementarya si Rachel kaya kailangan rin ng puhunan para sa pang araw-araw na baon nito. Kahit papaano ay nakakain rin naman sila ng tatlong beses kada araw. Kahit pabalik-balik ang ulam nilang bagoong ay masagana naman ang kanilang pamumuhay kahit na naghihirap. Lumaki si Rachel sa pamilyang kahit na walang kayamanan  ay maaaring maipagmalaki sa kahit na sinuman dahil walang kayamanang makahihigit pa sa pamilya. High school na si Rachel ng elementarya naman si Roselle. Sa sobrang hirap narin ng buhay ay huminto sa pag-aaral si Rachel at si Roselle nalang ang pinagpatuloy ng pag-aaral. Sa sobrang pagmamahal nila kay Roselle ay lahat ng gusto nito ay pinagsisikapan ng kanyang ina at ama na mabili kahit na may sakit ay nagtitinda parin ng kakanin maibigay lang ang hinihingi ng anak. Lumaking maginhawa si Roselle, lahat ng gusto nito ay nakukuha. Matalino at napakatuso rin naman niya, mapagmataas at tamad. Hinahayaan lang niya ang kanyang mga magulang na magtinda na mag-isa at kung minsan lang siya ang naglalaba o di kaya ay nagwawalis. Sinikap ng kanyang ama at ina na makapag-ipon para mapag-aral at makatapos ng sekondarya ang anak. Maraming pangarap ang gustong abutin ni Roselle. Nang tumungtong sa unang taon sa sekondarya si Roselle ay mas lalo pa siyang nagsumikap sa kanyang pag-aaral. Nag-aaral siya sa isang mababang paaralan sa sekondarya sa kanilang nayon. Masaya naman ang kaniyang magulang dahil pinagtutuunan ng pansin ni Roselle ang pag-aaral niya ng mabuti. Plano ni Roselle na makapag-aral sa pribadong paaralan sa kolehiyo balang araw. At dahil nagdadalaga na ito ay marami narin siyang mga responsibilidad na kailangang gampanan at mayroon narin siyang mga utos na dapat sundin at isa na rito ay ang kalayawan na maaaring makasira sa kanyang kinabukasan at ang pagkakaroon ng syota lalo na at bata pa siya at wala pa sa tamang panahon para sa mga bagay na ito. Isang araw sa paaralan, inanyayahan siya ng kaklase niya na dumalo sa isang salo-salo dahil kaarawan nito. Agad siyang nagpaalam sa kanyang ina na dumalo sa nasabing salo-salo. Pumayag naman ito at binilinan na huwag magpapagabi ng uwi at iinom ng mga makakalasing na inumin para hindi mapagalitan ng ama nito at lalo na babae siya.  Naging Masaya naman ang salo-salo at kinumbensi siya sa kanyang mga kaibigan na tumikim kahit konti lang ng inuming iyon. Ayaw man niya pero naging katuwaan na ito ng kanyang mga barkada. Malalim na ang gabi pero di parin nakauwi si Roselle, nag-aalala na ang kanyang mga magulang kaya pinuntahan ni Rachel ang kapatid. Medyo may kalayuan rin ang dako pero kahit madilim ang daan ay pinuntahan parin ng kapatid niya para makauwi na ito. Ngunit laking gulat na lang niya ngbmakitang lasing na lasing ang kapatid at di na kaaya-aya ang mga ikinikilos nito. Agad niyang nilapitan at pinagsabihan. “Roselle, ano kaba? Hindi ba bilin ni inay na huwag kang titikim ng tekilya! Naku naman oh, mapapagalitan ka talaga ni itay niyan. Umuwi na tayo at malayo-layo pa ang lalakarin natin. Tama na yan!”ani ni Rachel. Ngunit imbis na sumama ng matiwasay ay sinagot-sagot pa ito ni Roselle. “Ano ba ate? Sabi ng ditto muna ako! Nagkakatuwaan pa kami ng mga kaibigan ko. Sabihin mo nalang kay inay at itay na ditto na ako matutulog.” Sigaw na sagot ni Roselle. “Roselle, magagalit lalo nyan sina itay at inay sayo. Mas mabuti pa’ng umuwi na tayo.” Mahinahon na pakiusap ni Rachel sa kapatid. Wala rin namang nagawa si Roselle kahit ayaw na ayaw pa niyang umuwi, nanlulupaypay na ito sa sobrang kalasingan. Pagdating sa bahay nila ay di lubos matanggap ng kanyang magulang ang ginawang pagsuway ng anak. Napagalitan siya pero wala rin naman siyang ginawang pagpaliwanag sa nangyari. Kinabukasan ay hindi nakapasok si Roselle sapagkat sumakit ang ulo niya at halos din a makatayo sa bigat ng kanyang katawan epekto ng kalasingan noong gabi.  Nagtatampo parin ang kanyang magulang dahil sa nangyari pati narin si Rachel na sinagot-sagot niya. Ilang araw rin ang lumipas, hindi naman kaya ng magulang niya na magkatampuhan sila ng bunso niyang anak dahil walang magulang ang gustong makaaway ang anak kaya sila na mismo ang nagpaliwanag kay Roselle kung bakit sila nagalit nito sa nangyari at humingi ng tawad. Imbis na si Roselle sana ang dapat humingi ng tawad sa mga magulang niya ay siya pa mismo ang nag-iinarte halos di mapatawad ang nanay at tatay niya.  Ganyan nga siguro pag mahal ng magulang ang anak, ayaw na ayaw nilang magtampo ito sa kanila kaya kahit di dapat ay ginagawa nila para maging maayos ang lahat at bumalik na sa normal.

ang regalo ni inay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon