Chapter 1

6 1 0
                                    

Chapter 1: Subject 10

"Ten, on your west! Dyan tumakbo, alam mo na ang gagawin mo wag mo hahayaan tumakas yan" sabi nang master ko sa gadget sa tenga ko

"On it" reply ko sakanya

Agad kong tinignan ang marka kung saan tumakbo ang ungas na yon' naglakad lakad ako habang tahimik na nagmamatyag, nakita ko ang isang punit nang tela sa puno

"Tanga, sumabit pa ang kupal, huli ka ngayon" sabi ko at ngumiti nang nakakapatay

Agad na bumagal ang ikot nang mundo at may sariling utak na ang aking kamay,paa at mata

Mabilis kong nahawakan ang pana at mahigpit na hinawakan ito, kamuntikan na itong tumama sa mata ko, isang pulgada nalang talaga at bulag nako'

Mabilis ko itong binali sa hita ko at naginit ang dugo ko, again at nag andrenaline rush ako, 100 times mas tumalas ang panrinig ko kesa sa panrinig nang ordinaryong tao

Mabibigat at kabadong paghinga ang narinig ko sa kaliwa, mga 2 kilometro lang ang layo

Dali dali akong umakyat sa puno at sinimulan mag tatatakbo at isa isang hinahakbangan ang branch nang mga puno, mahirap tumingin dahil sa kapal nang nyebe na bumabalot sa gubat

Palapit nang palapit ang naririnig kong paghinga at yabag nang paa nya

"Patay ka ngayon" nakita ko syang nag re-reload nang bow nya matapos tumigil sa pagtakbo

Alam ko na! Humanda ka talaga

Dahan dahan akong bumaba nang puno at inalis ang armor ko, pero hawak ko ang blade ko na may lason sa likod nang dress ko

Sinimulan ko nang umiyak at nagsisigaw nang mama at papa

"Nako yan nanaman ang istilo mo ten, sana gumana" rinig kong sabi nang master ko at nagtatatawa

"Shut up!" Pabulong na sabi ko

Narinig kong lumapit sya sa tinig nang iyak ko at nag acting ulit akong nawawala

"Papa? HUWAAAAAAA PAPA!!!" Agad tumakbo sakin ang isang sundalo na natitira kong patayin

"Oh bata?! Bat nandito ka wag kang maingay at may delikadong gustong pumatay sakin!"

HAHAHAA! Di nya alam na nasa harapan nya na ito

"Tu-tulong may pumatay sa mama at papa ko huwaaa" iyak ko

"Tara na tumakas na tayo!" Kinarga ako nang sundalo at dali kong kinuha ang blade ko sa likod nang laso nang dress ko at tinago sa pagitan nang braso nya

Mabilis kong itinaga ito sa batok nya at nabitawan nya ko

"A-anong?! IKAW?!" Biglang sumuka nang dugo ang lalaking ito sa dress ko,kadiri!

"Patay na sya Master, ang pang 50 na inutos mo sa akin ay tapos na, maaari na ba akong kumain at maglaro?" Sabi ko sa master ko

"As you wish" sagot ni master

Dali-dali kong tinapon ang dress na may dugo at initsya ito sa harap nang sundalo

"Kabayaran sa dress ko" at agad sinuot ang t-shirt at camouflage na jeans ko at armor

Narinig ko din ang tunog nang chopper sa taas, eto' na ata ang sundo ko

Mabilis binaba ang lubid nito at hinawakan ko at umakyat

Sa kasamaang palad pag pasok ko ay mukhang kalaban pa ata

Hay nako' di na nadala! Gutom nako

"Ba-bata si Subj. 10?!" Sigaw nang lalaki sakin habang nakatutok ang AK-47 nyang baril sa mukha ko

Agad ko itong inagaw at ipinalo sakanya at ibinaril sa kanyang 4 na kasama, mabilis kong kinuha ulit ang blade ko at pumunta sa piloto

Isinaksak ko ito sa kanyang leeg at kumuha nang parachute at mabilis na tumalon bago pa mag crash to

Narinig ko ang master ko

"Baby girl?! Anong nangyari! Nawalan ka nang radar sakin' babalaan na sana kita"

Tinawag nyakong' baby girl btw 14 pa lang sya samantalang ako ay 9 palang, tinuturuan din sya nang papa ko na pumatay kagaya ko

"I'm Okay, paki sundo nalang ako dito, naka open na rin ang radar ko" sabi ko habang hinihintay kong i-release tong parachute

Mahigit 30 min ang hinintay ko at dumating din ang helicopter ko, agad tumambad sakin si Kyle! Mabilis nyakong niyakap at hinalikan sa cheecks

"Akala ko mawawala kana" mahigpit na yakap nya sakin

"Wala kang bilib sakin hahahaha" tawa ko at umakyat na nang chopper

Mabilis kaming nakarating na headquarters at cinongratulate ako ni papa, i mean papa pala ni Kyle, ampon lang daw kasi ako

"You never failed me princess! Imagine you killed 50 soldiers na nagmamasid satin without anyhelp! Plus 6 dahil dun sa chopper! Wow!!" Tuwang tuwa na sabi ni papa

"Hehehe" yun nalang ang nasabi ko

Subj.10's Dormitory
Location: Unknown

Nakakapagod na araw! Hays! Hindi katulad nang ibang 9 years old, ang utak ko ay advance pa, parang isang teknolohiya kung makapag-isip

Ako rin ang pinaka-outstanding assasin dito, bata palang ako natuto nakong pumatay. Sabi kasi ni papa, yung mga taong pinapatay ko daw ay ang mga pumatay sa mga magulang ko, malaki ang galit ko sa kanila, pasalamat din ako kay papa dahil tinulungan nya ko

Ganito lang ang buhay dito, umiikot sa violence. Reality is fucked up. Wala akong kinakatakutan.

I grew up like this. Like a a robot. And never ko din na experience magkaroon nang tunay na pangalan.

And life is not about rainbows and unicorns. It's about cruelty and darkness.

Again, I am subject 10 and I kill people.

TrainedWhere stories live. Discover now