Muntik!

569 25 2
                                    

"It's Showtime!"

Vice's P.O.V

"Good afternoon, my super duper fabulous na sexing-sexy and machong-machong madlang people!" Sigaw ni Anne sa madla, kahit kelan talaga ngangabu.

"Namiss ko an madlang pipol! Ang amoy ng studio, ang ingay niyo. Grabeh I love the madlang pipol." Hirit ni Karylle, napatitig ako sakanya, ang ganda niya talaga.

"Ako, hindi na ako magsisinungaling, isa lang talaga ang namiss ko.." Simula naman ni Vhong.

"Anne." Ayun, Vhonganne. Makaisip nga rin.

"Yes Vhong?" Pabebeng sagot ni Anne.

"I missed you." Oh kinilig naman silang dalawa.

"Wow panimula ng VhongAnne, paano naman ang ViceRylle?" Sabi ni Billy sabay siko saakin.

"Sus, yun lang ba?" Ani ko, "halika dito K." Sabay hila kay Karylle.

Nagpahila namam siya saakin, ngiting ngiti, kinikilig oh.

"Oh Vice?"

"Lahat sila puro salita." Panimula ko, lahat sila nakabantay lang, "Pero ako ipaparamdam ko sayo kung gaano kita namiss."

Saka ko siya niyakap ng napakahigpit at inikut-ikot.

"Sobrang namiss kita, Karylle." Sabi ko at tumitig sakanya pagbaba ko sakanya.

"Aww, namiss rin kita Vicey." Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.

Natahimik ako, ano toh? Kinikilig ba ako? Nagblublush yata ako.

"Asus sobrang kilig naman ang Baysrel!" Sigaw ni Anne.

"Pero puputulin muna natin diyan, simulan na natin 'to it's showtime!" Dagdag ni Vhong.

Eto na, theme song na, work work work muna.

Third Person P.O.V.

Matapos ng pagkanta nila agad nang nagcommercial, pumuntq muna sila sa dressing room para naman makapagrefresh muna bago magstart na start na talaga ang show.

"Oh bestie? Ano yung kanina?" Tanong ni Billy kay Vice nang tumabi ito rito.

"Anong kanina?" Maang-maangan ni Vice.

"Yung, "Lahat sila puro salita lang" ganun, parang totoong totoo ah." Pang-aasar ni Billy.

"Oo nga! Dinaig mo pa ako." Sabat ni Vhong.

"Ano ba kayo, para lang yun sa mga ViceRylle Babies namin." Sagot ni Vice habang nag-aayos ng buhok niya.

"Sus, dati nga wala kang pakielam sa mga fans niyo eh. Ano?" Pilit ni Billy.

"Di ba pwedeng bumabawi lang ako sakanila?" Sagot ni Vice.

"Di ako maniwala." Pagpipilit rin ni Vhong.

"Di ba pwedeng namiss ko lang talaga si Karylle?" Pagsusungit ni Vice.

"Pwede pero--"

"Pwede naman pala eh." Putol ni Vice kay Billy, napabuntong hininga si Billy at natawa si Vhong.

"Pero parang kasi alam mo yung may ibang feelings dun sa pagkakasabi mo." Sabi ni Billy.

"Parang pagmamahal." Ani ni Vhong.

"Eh mahal ko naman talaga siya." Mahinang sambit ni Vice.

"Ano?" Tanong ni Vhong.

"Ang ganda ko." Patawang sabi ni Vice.

"Yung totoo bestie." Seryosong sabi ni Billy.

"Mahal ko naman talaga siya." Sagot ni Vice.

"Sabi na eh."

Nagulat sila sa isang boses ng babae at napatingin sa pintuan.

"Hi, Anne." Gulat at naiilang na bati ni Billy.

"Narinig mo lahat?" Kinakabahang tanong ni Vice.

"Oo, ang ingay niyo rin kasi eh." Sagot ni Anne.

"Ikaw lang ba ang nakarinig?" Tanong uli ni Vice.

"Siguro, so.. Mahal mo si K?" Tanong ni Anne.

Tumango lang si Vice, at napangit naman si Anne at ang dalawan lalaki.

"So ikaw rin yung nagbibigay ng mga bulaklak at mga regalo sakanya?" Tanong uli ni Anne na may halong pang-aasar.

"Hind ah." Naiilang na sagot ni Vice.

"Sinungaling!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

"Ikaw yun!" Sabi ni Vhong.

"Ilang beses na kitang nahuli." Dagdag ni Billy.

"Oh eh, alam niyo na pala bakit tinanong niyo pa." Pabirong sagot ni Vice.

"May gash, Yokaba! Tomboy ka na." Natatawang sabi ni Anne sabay yakap kay Vice.

"Wag mo nga akong yakapin, kadiri ka." Pabirong sagot ni Vice pero hindi parin kumalas si Anne.

"Kelan pa?" Tanong ulit ni Anne kay Vice.

"Ano toh? Talk show? Daming tanong?" Pambabara ni Vice dahil ayaw niya pang maglabas ng detalye.

"Wag mo kasi iwasan yung tanong." Sabat ni Vhong.

"Nung nagprod kami, yung kumanta kami ng BuKo." Suko ni Vice.

"Ay yun? Feel na feel ko yung pagkanta niyo nun." Comment ni Billy.

"Eh kelan ka aamin?" Pagtatanong ulit ni Anne.

"Hindi ako aamin." Sagot ni Vice.

"Ganun nalang yun?" Tanong ni Billy, tumango si Vice.

"Eh hindi naman---"

"Ano ang ganun nalang?"

At agad namang napatingin ang apat sa pintuan gaya ng kanina, nanlaki ang kanilang mga mata.

"Kanina ka pa diyan?" Kinakabahang tanong ni Vice.

"Hindi, kararating ko lang. Pinapatawag na kasi kayo." Pag-iksplika ni Karylle.

"Ay ganun ba? Oh, tara na.." Sabi ni Vhong at hinila si Billy patayo.

"Ano yung pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Karylle.

Nagkatinginan ang apat, at tumawa, halatang nag-iisip ng palusot.

"Ay si Vhong kasi, sinuntok ni Anne sa tiyan." Pagdadahilan ni Billy.

"Ah-haha.. Oo, ang sakit nga eh." Dagdag ni Vhong at kunwaring hinaplos yung tiyan niya.

"Haha, sorry na Vhongskie." Sabi ni Anne sabay yakap kay Vhong para mas makumbinsi si Karylle.

"Oo, kaya tama na ang pang-chachancing. OT nanaman tayo." Sabat ni Vice para maalis na sa utak ni Karylle ang pinag-uusapan nila kanina at di na magtanong pa.

Mukha namang nakumbinsi na si Karylle kaya nagkibit balikat nalang siya at ngumiti.

"Osige, sige." Dagdag ni Billy at hinila na si Vhong at Anne palabas.

"Tara K." Sabi ni Vice at hinawakan ang kamay ni Karylle palabas ng lounge.

Pasalamat nalang sa Diyos ni Vice dahil nakalusot sila.

-----

To be continued..

Fall HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon