Sobrang lakas ng buhos ng ulan sa labas kaya hindi kami makaalis dito sa coffee shop. Kasama ko ang bestfriend kong si Zara. Z ang nakasanayan kong itawag sa kanya. Di tulad ko, simple lang ang buhay ng pamilya niya. Isa akong Acosta, nananalaytay sa sistema ko ang dugo ng isa sa mga tanyag at successful na business families sa bansa. Nakilala ko si Z noong college, isa siyang skolar kaya siya nakapag-aral sa eskwelahan na pinapasukan namin dati. Pero ngayon, isa na siyang CPA kaya umayos na rin ang buhay nila. Kahit na magkabaliktaran ang pag-uugali namin, sa hindi malamang dahilan ay magkasundo na magkasundo kaming dalawa. She's the sister I never had! Naisipan kong isama siya sa lahat ng appointments ko na may kinalaman sa preparasyon ng aking kasal kaya magkasama kami ngayon. Mahina kasi ang loob ko. I need her, lalong lalo na in making decision; making tough decisions.
"Grabe, sobrang lakas ng ulan! Diba wala namang bagyo? Hay. So, ano na? Tuloy pa ba ang appointment mo sa pinsan ni Yuan? Naku, I'm sure baha na sa labas." Sabi ni Z na hindi lumilingon sa akin dahil busy sa kung anuman ang tinitignan niya sa kanyang iPad.
Hindi ako nakasagot agad. Tama si Z, siguradong baha sa labas at hindi uusad ang dala naming sasakyan. Malungkot akong bumaling sa aking relo sa kaliwang kamay. I still have 30 minutes. Kailangan ko kasi talagang makausap ang may-ari ng restaurant kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin ni Yuan para sa gusto kong motif at sa mga expenses. Nakakahiya naman sa tao kung hindi ko sisiputin atsaka lagi daw yung pumupunta sa ibang bansa kaya mahirap hagilapin.
"Next month na ang kasal namin, Z. I need to see his cousin. Alam mo naman yun, diba? This is the last preparation for the wedding. Parang di ka naman supportive ah! Hindi ka ba masaya para sa akin?"
"Paano ako magiging masaya para sayo kung ikaw mismo ay hindi masaya sa ginagawa mo? Pearl, I know you so well! Kahit petsa ng menstruation mo, kabisado ko. Kulang na lang alamin ko kung ilan ang hibla ng buhok mo. Pearl, you're not happy. YOU ARE NOT."
Umiwas ako ng tingin kay Z at biglang kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Bakit? Dahil ba tama ang lahat ng sinabi niya? Noon pa man si Z na ang lagi kong kasama kaya sanay ako sa pagiging outspoken niya, pero ngayon ay mukha akong nabigla at napaisip sa mga salitang binitawan niya. Yes, I love Yuan but, I'm not in love with him. I love him as a friend. Pinagkasundo lang kami ng parents namin kaya ganito ang nangyari. And this is all for the sake of each business.
"Z, alam mo-"
"Stop with all your lies, Pearl. Humupa na ang ulan. So, tuloy pa ba tayo?" Tanong ni Z."And oh, by the way, kung iniisip mong galit ako, I'm not." Sabay ngiti niya sa akin.
Umalis kami ng coffee shop at dumiretso sa restaurant ng pinsan ni Yuan.
"My goodness, bakit traffic ngayon? Oh, shiz!" Bulong ko sa sarili.
Sobrang na badtrip kami ni Z sa traffic kaya nagsuggest siya na sumakay kami ng MRT. Pumayag naman ako dahil sa sinabi niyang mas madali kaming makakarating sa pupuntahan namin, first time ko ito ngayon kaya wala akong alam.Sunod lang ako ng sunod kay Z hanggang sa makita ko ang MRT . Oh my gosh, hindi ko inakalang naakyat ko ang hagdan papunta dito sa taas. Pagkatapos naming makapasok sa mismong hintayan ng train ay pumwesto na kami at pumila. Grabe, sobrang dami ng tao at siksikan pa sa loob ng train! Nakakahinga pa ba sila doon sa loob?
"Pearl, pagbukas ng susunod na train, pumasok ka agad ha? Kapag nasarhan ako, doon ka lang maghintay kung saan ka bumaba. Wag kang aalis doon, okay?" Aniya.
"Okay. Saan ako bababa?" Tanong ko.
"Second stop, Pearl. Oh ayan na oh! Wag kang tatanga-tanga ha!"
Sa totoo lang, kinakabahan ako nang papasok na ako sa loob. Nag-aalinlangan tuloy ako, oh my gosh, di ko to kaya! I swear, sa dami ng tao sa loob feeling ko masu-suffocate ako!
BINABASA MO ANG
No Regrets
RomancePara sa mga babae, bakit mahal mo ang boyfriend mo? Dahil ba gwapo siya, matangkad at may abs? Husky ba ang boses niya kapag kumakanta? Romantic? Sweet? Heartthrob ng campus? May sariling sasakyan? At para naman sa mga lalaki, bakit mahal mo ang gir...