Third Person's View:
Sa isang magandang hapon, isang batang babae ang nag lalaro sa park. Tila napakasaya nitong batang ito.
"Wiiiiieeehh!! Sho! Sho! Sho! Lalalala~~" Maingay na pag lalaro ng batang babae. Kung ika'y bata na katulad nya, maiinis ka sa ingay. Kaya itong batang lalaking ito, di na napigilan ang sarili.
"Hoy. Di ka ba tatahimik?!" Galit na tanong ng batang lalaki.
"Lalalalalalala~~~" Pero tila walang naririnig ang batang babae.
"HOYYYYYY! TUMIGIL KA NA!!!!" Malakas na sigaw ng batang lalaki. Natahimik bigla ang batang babae sa pag sigaw ng batang di nya kilala. Ilang sandali pa...
"Waaaaaahhhh!! *sobs* *sobs*" At hindi na tumigil sa kakaiyak ang batang babae.
"This girl is.. Ugh. -.-" Itong batang lalakeng to, makasalita akala mo hindi bata. At ganun naman talaga sya. Bata sya sa pisikal na kaanyuan, pero kung makakausap mo sya, Pormal na pormal.
"Hey. You know what? Stop crying." Pag papatahan ng batang lalake. Mukhang tumalab naman dahil humina ng konti ang pag iyak ng batang babae.
"D-diba *sobs* g-gali-t k-ka sa-kin? *sobs*" Tanong ng batang babae.
"Hmm.. Kanina lang yun okay? Wag kana umiyak. I'm not mad at you." Pormal na sagot ng batang lalaki.
"T-talaga?" Napalitan ng malawak na ngiti ang lungkot ng batang babae ng marinig nyang hindi galit ang batang lalake. Tila napaka babaw naman nya diba? Mga bata talaga.
"Oo naman. Anyway, do you want to play with me? It's my way to say sorry." Sagot ng lalaki.
"Tara!" Nag laro ng nag laro ang mga bata. Sobrang saya nila. Hindi nila akalain na magiging mag kaibigan sila sa gitna na hindi nila kilala ang isa't isa.
"Kuya. Dun tayo sa kabilang park." Panguna ng batang babae.
"Sigurado ka? Tara." Sagot naman ng lalake.
Habang naglalakad ang dalawang bata, tumigil ang batang babae.
"Yung laruan ko nakalimutan ko. Wait lang ah? Babalikan ko lang." Sabi ng batang babae.
"Sige. Basta bilisan mo ah?" Sagot naman ng batang lalake.
"Opo."
Lumingon ang batang lalake upang makita ang batang babae pero tila kakaiba ang pag takbo nito, mabilis ang pag takbo nito kaya natulala ang batang lalake hanggang...
*beeeeeepppp beeeeeeppp*
*crassssshhhhh* *screeeechh*"Ay! Yung bata!" Nag puntahan ang mga tao sa batang lalake, at sa kabutihang palad, may nag malasakit sa bata at dinala agad ito sa ospital.
Nang madala sa ospital ang batang lalake, nag alisan na ang mga tao. At tsaka dumating ang batang babae. Tadhana nga naman. Sobrang mapaglaro. Nag tanong ang batang babae sa mga tao upang malaman ang batang kasama nya kanina.
"Ate ate, asan po yung batang lalake dito kanina?" Inosenteng tanong ng batang babae.
"Hija, nasagasaan sya. Dinala na sya sa ospital na malapit dito." Sagot ng matanda.
"Ah. Salamat nalang po." Malungkot na sagot ng bata. Nag lalakad-lakad ito, tila wala ata syang kasamang magulang? Habang nag lalakad ang bata, tumatakbo sa isip nya na, "Ako ba ang may kasalanan? Bakit wala akong kaalam-alam na nasagasaan na sya? Ganun ba kalayo yung tinakbo ko? Hindi ba't Bampira naman ako at mabilis tumakbo?" Ngunit pag lingon nya sa kaliwa, ito ay isang ospital. Tumakbo sya sa main entrance ngunit di sya pinapasok dahil bata pa ito. Kaya umuwi sya sa bahay nila dahil di naman pala ito kalayuan sa park kung saan nasagasaan ang matalik nyang kaibigan na kakakilala palang nya.
YOU ARE READING
Love me 'til the End
VampireNakakita na ba kayo ng taong sobrang bagay na bagay? Yung tipong almost perfect sila magkasama man o hindi. Nakakakilig diba? Alam ko naramdaman nyo to sa tv diba? Yung loveteams dun? *O* Kaso Tao at Bampira. ;) Sabi nila, masaya daw ang buhay ng ba...