Fourth Spell: Jasper's Secret?

3 0 1
                                    

[A/N]
Sorry ang tagal ko nang hindi  nag-UD. XD
Busy sa school.
Anyways, enjoy!
Jasper *pic above*
-YS

[FREYJA]

FREYJA]


Pumunta na kami sa quadrangle para maglinis. Dala ko lahat nga mga gagamitin namin sa paglilinis. Si Jasper naman kampante lang na naglalakad at wala pa talagang balak tulungan ako?! Lord, pigilan niyo po akong makagawa ng masama. Naku pag ako hindi nakapagpigil, hahambalusin ko sya ng walis na hawak ko ngayon.



"Wala ka bang balak tulungan ako?" Padabog akong humarap sakanya.





"Bakit? Ako ba ang nag-insist kay Mam Briones na maglinis nalang?" Ngumisi sya at tumalikod na sa akin.






Naglakad na si Jasper palayo. Aba't talagang tatakasan niya ako?! Ang kupal naman talaga.






Hinabol ko sya at saka I did the least unexpected thing. I kicked him where the sun don't shine. Bumalik na ako at pinulot ang walis habang sya andun namimilipit sa sakit while clutching his groin.








Lahat ng mga dumadaan sa covered pathway ay napatigil. All of them were throwing glares and they were whispering at each other. Sobrang kilala ba itong kumag na to sa school na ito? Nakita ko naman sina Trance, Russell at David na inaalalayan si Jasper papuntang clinic. Sina Trance at David ay panay ang tawa sa nangyari sa kaibigan.







"Tch. Kaasar." I muttered under my breath. Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis sa buong quadrangle... NG MAG-ISA! Well, kasalanan ko naman talaga. I acted rashly and kicked him in his groin. Ehh di ngayon ako nalang mag-isa naglilinis. Kaasar talaga.








Tahimik lang akong nagwawalis sa field nang may sumipa sa mga dahon na tinumpok ko. Sakto ang mga dahon sa mukha ko. Binitawan ko yung walis at dust pan kong hawak.





"Nani ittendayo?!" (What are you doing?!) Sigaw ko sa mga babae na salarin sa pagkalat ulit ng mga dahon. Ayoko patulan 'tong mga 'to. Ayoko na ma-guidance ulit. Though I can handle a 4 vs 1 cat fight but nasa blacklist na ako sa guidance.






"Oops, sorry." Maarteng sabi nung isang babae. Eto ba yung mga stereotypical bitches sa school sa movies? Ugh. I have no time for them. Plus their high-pitched voice makes my ears bleed.







"Ang tapang--"





"Mo naman para saktan ang Prince Jasper namin. And for that you're going to pay." Sabat ko na sa sasabihin nung isa pang babae while mimicking their high-pitched, maarte accent.





"Now, you're mocking us?! How--"





"How dare I? Sorry ayoko na ng away. Plus if I ever get into a fight, I pick those fights, and those fights do not include fighting with a lowbred, pea brains like you four." Simpleng sagot ko bago winalis ulit ang mga dahon.





"Tatandaan kita, Freyja Yoshikawa. Huh!" Tumaas ang kilay niya at suminghal.






"Sure, Tamara. Kayong apat nina Stacy, Patricia at Isabelle." Nginisian ko sila at nagpatuloy sa pagwawalis. Padabog na umalis si Tamara at sinundan naman sya ng tatlo niyang alipores.






---






Pasado alas tres na ng matapos ko linisin-- well kahit papaano, yung buong field. Dumiretso na kaagad ako sa rooftop habang dala-dala yung walis, dust pan at garbage bag. Nagsimula na ulit akong nagwalis kahit na tirik na tirik yung araw ay ininda ko nalang.








After ilang minutes ng pagwawalis ay feeling ko umiikot na ang paningin ko. Tinry ko munang tumayo lang pero mas lalong lumalala. Then I saw something at the floor. Pinahid ko para makumpirma ko iyon. It was blood and it's flowing from my nose. Kinuha ko yung panyo ko at tinakip ko sa ilong ko but I was too dizzy to keep my hands on my nose. I remembered someone caught me before everything went blank.







"Hey, okay ka na?" Alalang tanong ni David habang may hawak na ammonia at tinututok sa ilong ko. Tumango lang ako. Inabutan ako ni David ng tubig at biscuits.




"Thanks. Pano mo pala nalaman na nandito ako?" I asked while eating the biscuits.






"Ahh, syempre tropa ako ni Jasper. Sorry pala dun ahh, may pagka-gago kasi yun minsan..." Paumanhin niya sa akin.




"Minsan?"





"Okay, madalas." Pagtatama nya sabay halakhak.







"Salamat ulit, at saka mukhang nilinisan mo itong rooftop ng mag-isa." Nginitian ko lang sya at saka tumayo.






"Hindi naman, tinulungan ako nung dalawang bugok. MIA si Jasper, as usual. Psh. Nauna na sila kasi may practice pa sa gig. Hindi ka siguro nila namalayan pero buti nalang napansin ko na may pumasok sa rooftop. Hindi pa sila nagpaalam, bigla-bigla nalang akong iiwan." Paliwanag niya habang nakangisi.






"Ohhh, sige. Thank you ulit David." Nag-bow ako sa kanya.






"Ihatid na kita?" Alok niya saakin.






"Wag na, susunduin ako ng kuya ko." I politely turned down his offer. Sabay nalang kaming naglakad pababa hanggang sa parking lot.





"Okay sige. See you tomorrow Freyja." Kinawayan ko nalang sya at pumunta na sa kotse ni kuya Francis.




Wala pa si kuya kaya tinawagan ko na sya. "Kuya asan ka na? Andito na akong parking lot."



"Sorry, Yeja. Matatagalan pa ako--"





"I'm gonna commute. It's okay." Simpleng sagot ko and ended the call.





Naglakad na ako palabas ng parking lot pero may namukhaan akong papasok ng parking lot. It's the Kumag Lord, Jasper.









AND SHE'S WITH A GIRL?!!









Bigla bigla akong nagtago sa likod ng isang kotse and minanmanan sila.





"Sorry late na kitang nasundo, baby. May hassle kasi kanina." Malambing ang boses ni Jasper. Wait, what the heck is going on here?!






"Okay lang naman yun Kei. By the way, kamusta ka na? I heard from your classmates na you got into a fight." Mahinhin yung boses nya. Nagkibit balikat si Jasper at yinakap sya nung babae. Lord, ano po itong nawiwitness ko ngayon?!




"Gomenasai, Akira. It won't happen again." (Sorry) Muntik na akong tumawa ng malakas, buti nalang natakpan ko kaagad yung bibig ko. Hahahaha. Ang pangit niyang mag-Nihonggo.




"Promise?" Ngumiti yung Akira kay Jasper. Tumango lang si Jasper bago hinalikan si Akira. I swear my cheeks are turning red and I'm gagging behind this car.




Tuluyan nang umalis sina Jasper at lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Tinawagan ko nalang ulit si kuya Francis para magpasundo.


After 10 minutes ay nakarating narin si kuya dito sa parking lot.

"Akala ko ba mag-cocommute ka? Bakit ka pa nandito Yeja?" Tanong niya.



"Ahh, may nakalimutan kasi ako sa room." Pagdadahilan ko nalang at mukhang nakumbinsi ko naman sya.



"Okay. Tara na at baka hinahanap na tayo sa bahay." Sumakay na kami sa kotse niya at umuwi na.










First day of school, made an enemy, got punished and learned his secret.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon