About Everything

27 1 0
                                    

"Princess Luciiiiiiil/Mamaaaaa" irit nami ni Erine.

"Chanelle! I miss you. " sabi ni mama kay Erine.

"Ako rin titaaaaa" sabi ni Erine. Paiba-iba ang tawag neto eh.

"Chanelle. Can I excuse first my daughter? " sabi ni mama.

"Ah opo. Pagtapos nyo po itotour ko syaaa. " sagot ni Erine. So close nga sila.

Lumapit ako kay mama then nag gesture ako kay Erine na mauuna muna ako. Nagthumbs up at tumango naman sya sakin.

Sinundan ko lang si mama then bumalik pala kami sa head master's office.

"Ma... Bak-"

"Kaya nga kita dinala dito para I explain lahat. Di ko lang sinabi kanina dahil may kelangan pa akong iconsult saknya... Well, about yourself first. Your enchant is still unidentified so do your best para mapalabas to. Your surname would not be Rivera anymore. Ceres is your new surname. About me.. I'm Princess slash postponed Queen Lucil Rose Ceres. They think your a royalty maybe... but not because I and your father ay nagpaconvert into mortal one. " pinutol ko pa ang iba nyang sasabhin because kanina ko pa gustong magtanong.

"You and papa is a pure immortal and nagpaconvert into mortal? So it means. I'm not a freakin weird person with that oh-so-called-enchant." Sabi ko. Hala. Napapa English nako.

"Okay... Continue. " I want to know more because ngayon nya lang sinasabi ang nga bagay nato.

"I hope so.. But no. Nananalaytay parin sayo ang dugong immortal. At the same time,  kami lang ang nagpaconvert. Parang tinanggalan lang kami ng enchant. Pero hindi ikaw." akala ko pa naman.

Awts. So it means I'm a frekin weird person with that oh-so-called-enchant din!?

"I don't know what is your enchant so please do your best para mapalabas to. As soon as possible. Kahit malakas ang seguridad dito. We cannot sure about your safety " tumingin naman sya pagtapos kay Ms. Cerise then tumango lang ito. kelangan lagi akong safe? ganyon?

"Kahit I'm a royalty here I'm not going to stay here but I will surely visit you. And I'm still part of this school because I'm one of the founder of starlight academy. " andaming revelations huh. Founder? Grabe. Ibang klase talaga si mama.

"Be careful my daughter. And please.... Know yourself more.. " sabi nya sakin..

Know yourself more? Bakit? Di ko ba kilala sarili ko.?

"Huh? Mama bakit? Kilala ko naman ang sarili ko ah hahaha" joker talaga to si mama... Pero nakita ko kung gano sya kasincere kaya tumigil ako sa pagtawa.

Minsan di ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan ni mama at sasabihin sakin then...

Leave me hanging.

Parang sya.... Iniwan ako. Chozxc.

okay back to reality tayo.

"It for me to know and for you to find out. Kelangan ikaw ang makaalam and this is not the right time. " sabi nya habang pilit na ngumiti.

Right time? Ano bang sinasabi ni mama. One day palang pero ewan ko na ang gagawin ko. Nakakafrustrate! Myghad.

"You should go aalis narin ako. " sabi nya then she hugged me and ofcourse I hugged her back.

Then she gesture her hands and suddenly nasa dorm nako. Ano nga tawag dun?

Trans-.. Tele.. Port..? Ah. Teleportation. Mahilig kasi ako magabasa ng fantasy but I don't expect these kind of things are really existing.

Grabe. Di man lang ako nakapag nobela sa kanya! Ayaw na ba talaga nya sakin? Joke.

Nakita ko naman si Erine na nakaupo sa sofa sa sala. Tumingin sya sakin.

"Tara na? " tanong nya sakin.

"Excited nakoo" sagot ko saknya then sabay kaming lumabas.

***
"Eto yung hall. Dito cinecelebrate or ginagather ang malalaking occasions. Then sa bandang field ay yung arena. Dyan nagaganap ang enchant leveling, battle or etc. Sa field dun yung training or most likely sa training room na tinuro ko kanina. " oo lang ako ng oo saknya. Natatandaan ko naman kahit papano. Sabi nga sakin dati ng classmates ko may photographic memory ako pero ako I don't know. Basta natatandaan ko lang. Period.

Ang ganda nga kasi may mga crystals sa nga pader kaya nagiging shinining, shimmering, glimmering ito. Di kami makapunta sa mga classrooms kase di pa start ng klase. Kaya sa mga hall, training room, arena lang kami nagttour.

Sa bandang gitna sa labas ay merong malaking fountain na napapalibutan ng crystals . Ang gandaaaaa.

"So upo muna tayo. Bibigyan kita ng short info about sa mundo natin ngayon" parang naexcite naman ako kase napakarami pang bagay ang hindi ko nalalaman dito pati narin sa academy.

"Ang academy kung nasan tayo ay known as Starlight Academy. Pinapasok dito ang mga people like us that have enchants para matrain at mapalakas not only for self defense or personal matters but also to protect our world. May mga kalaban kasi tayo na tinatawag na Black Shadow Users. Mga dark magic users sila. May academy din silang tinatawag na Black Magic Academy. " mahabang sabi nya. Tumango tango naman ako. Grabe totoo pala ang nga dark magic users.

"The academy is located at the middle. Nandito rin ang pinakamakapangyarihan kingdom. Ang Galaxiandria Kingdom. " galaxandria kingdom?

"Parang galaxy! " sabi ko.

"Hahaha. Ang cute mo. Well, tama ka. Sa galaxy nga nanggaling ang name na galaxiandria. Ito yung nagmmaintain sa lahat. May apat na castle tayo. Sa north, east, west and south. Sa north ay ang Flamerian Kingdom. Kingdom of fire yun. Sa east ay ang Ziemia Kingdom o mas kilalang Earth kingdom. Actually, dun ako galing. I'm the princess there. Sa west ay ang Gaisa Kingdom, the Air kingdom. And sa west ay ang Aigua Kingdom. Water." Mahabang paliwanag nya sakin.

Gusto ko ring mapuntahan ang Galaxiandria Kingdom. Yung castle mismo! Yieeee.

"Wow. Ang galing! Prinsesa ka nga pala. Di ba nakaka-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"Don't worry. WALA naman silang pakialam. And ako ang may gusto makipag friends sayo. Besides, magka dorm pa tayo. WALA silang magagawa. " sabi nya sakin na nakapagpagaan ng loob ko. Nakaemphasize pa ang word na 'wala'.

"Okay.. Salamat! "

"Oops. Wait. Meron pa pala. Yung kung nasan ang Black Magic Users. Well, dati parte pa sila ng lugar natin. Para syang second kingdom ang Galaxiandria. Kase diba nga... Galaxy. Kaya may itim KASI merong Black magic users. LAHAT ng kingdom na nabanggit ko kasama kanina ay nagbibigay kulay sa Galaxiandria, sa galaxy. But they are much greedy kaya they use their powers sa masasamang hangarin. Nagalit pa sila ng paalisin sila ng Galaxiandria. Kesa naman kasi patayin sila dba? Tsaka walang galaxy kung walang dilim noh!. Hindi lilitaw ang ganda. Pero.... Kinakalaban nila kami. At sila ang dahilan kung bakit nawala ang 'Galaxy Princess' natin. " sabi nya habang nanggigil hung sinabi nya na ang black magic users ang dahilan kung bakit nawala ang 'Galaxy Princess' nila.

Galaxy princess. Sounds interesting. I want to know more about her. But nubg sinabi nya yun.. My heart skips a beat and I don't know why.

Hayst. Andaming info ngayong araw palang. Pano pa kaya bukas? Sa susunod na araw?

I'm dead! -_-

***
Hello po! Feel free to ask me kung may tanong kayo. Yung names po pala ng earth, water at air kingdom ay kinuha ko sa ibang language.

Yun lang. Para di kayo magtaka kung bakit ganun yun name ng kingdom. Hhahaha.

Mwaphs. Wait for my next UD!

~M_S



The Galaxy PrincessWhere stories live. Discover now