Prologue | The Beginning
May 1992
Isang batang babaeng ang naka-upo sa halamanan ang tulala at malalim ang tingin sa mga bulaklak na nasa harap niya. Sa mata niya ay makikita ang pagka-ulila at pagka-lungkot, napalingon siya sa kanyang kanang bahagi na may napansin siyang nakatayong lalaki dito.
Tinignan niya maigi ito, nakasuot ng puting polo at pulang pantalon, ang mga mata nito ay nakatingin lamang sa batang babae. "Kuya, Ikaw ba ang bagong maghahalaman?"
Napataas naman ng dalawang kilay ang lalaki at parang nagulat sa sinabi ng babae, hindi siya naka-imik habang nakatitig parin sa kanya ang batang babae. "Magagawan mo ba ng paraan ang mga bulaklak na ito....."
Huminto ang batang babae sa pagsasalita, tinugon ang tingin niya sa mga bulaklak na nasa harap niya at hinawakan ito. Tumingin ulit siya sa lalaking nasa kanan niya "Can you save these flowers?"
***
1997
Isang binatang lalaki na may bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha ang may suot na itim na polo at itim na pantalon ang sumakay sa sasakyan na binuksan ng isa sa mga tagabantay niya. Sa pagsakay neto ay agad yumuko ang tagabantay nito. "Please take care and have a safe trip young master."
Tumingin ang batang lalaki na ito sa kanyang driver at agad siyang sinenyasan sa pag-alis sa lugar na iyon. "Young master, hindi na po ba kayo dadaan sa mansion?"
"Hindi na, gusto ko ng maka-alis sa lugar na ito." Mahinang sinabi ng binatilyo at inangat ang ulo upang tumingin sa bintana ng sasakyan niya. Pinagmasdan niya ang mga bahay na nasasakupan ng bayan na sa mahigit labing dalawang taon niyang tinirhan.
"Aba! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ang buhok." Bigla naman nabaling ang atensyon ng binatilyo sa driver niya na may pinagmamasadang isang dalaga na naglalakad malapit sa dagat.
Kulay ginto.
Yun lang ang pumasok sa isip ng binatilyo habang nakatingin siya sa dalagang naglalakad. Pumikit siya at tumingin sa driver niya. "Halika na po at baka mahuli pa tayo sa flight natin"
"Oo nga pala, pasensya ka na young master. Namangha lang ako sa nakita ko, nakakagulat na may nadayong foreigner dito. Sabagay, hindi ka na rin naman na magugulat dahil makakasalamuha mo rin ang mga dayuhan sa America, diba young master?" Hindi umimik ang binatilyo, nakapikit lamang siya at para bang nakangiti.
***
She was the sunlight to the flowers,
She was the contrast of the moon,
She was the Sunrise that calms the Sea,
She was the Glimpse of the Sun.
To be Continued....
YOU ARE READING
Glimpse of the Sun
RomantikTeenagers who deals with there own problems and how they were connected because of the Glimpse of the Sun. December 2016 | Story by CallmeVampy