Ryan's POV
Alam mo yung feeling na gusto mo na sumuko sa isang tao pero hindi mo kaya kasi sa tingin mo, hindi mo kaya mabuhay pag wala sya? Yan lagi ang nararamdaman ko pag kasama ko si eliza. Elizabeth ang tunay na pangalan nya pero nagagalit sya sa akin kapag di ko ginagamit ang palayaw nya. I sound like her father she says/
Anniversarry na namin bukas pero as always, magkaaway kami. Nagpapasalamat ako na sa text ang away namin. Nakaktakot kasi sya pag personal.
Ako: "Babe sorry na."
Eliza: "Aba. Bahala ka na."
Ako: "Mahal ko. Wala naman ako ginawa ah."
Eliza: "Ano wala? Tarantado ka ah!"
Ako: "Babe naman.."
Eliza: "Goodbye na Ry. Ayoko na. Pagod na ako."
Aba siya pa ang napapapagod. Ginagawa ko na ang lahat para sa babae na yon. Ilang beses ko na bunaba ang pride ko para sa kanya. Ilang beses na pinahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Ilang beses niya ako pinag mkhan tanga sa harap ng mga kaibigan niya. Lagi nalang ako ang bad guy. Lagi ako ang may mali. Nakakasawa na ha. Pero of course, hindi ko kaya sabihan siya ng ganun. Konting ibo kko lang, galit na agad. Tampohin kasi siya.
Ako: "Babe, I love you."
Eliza: "K."
Ouch, sakit no? Pero hindi ako susuko. Hindi pwede.
Ako: "I love you so much Elizabeth Mari Dimaano Cruz. Walang tigil. Walang hanggan."
Eliza: "E bakit mo naman ako sinaktan?"
Ako: "Hindi ko po sinadya. Sorry na po talaga."
Hindi ko naman alam kung ano ginawa ko pero sorry ng sorry na lang ako. Parang tanga lang. I'm so whipped. Inaasar na nga ako ng mga tropa ko kasi parang slave ako. Kung ano gusto nya, binibigay ko. Bawal sumuko. Dapat daw gumawa ako ng paraan sa lahat. Kung hindi, e di hindi ko daw siya mahal.
Eliza: "E kasi ikaw. Hindi ka na nakikinig sa sinasabi ko. Para sayo naman di ba? Pinapakain lang naman kita ah."
Yan lang? Yan lang talaga ang dahilan? Kasi hindi ako kumain? Grabe lang. Well, hindi naman yun surprising. She gets mad about the smalles things.
Ako: "Baka kasi po tumaba ako ng sobra at hindi mo na ako mamahalin.'
Eliza: "Sus. Luko. As if. Hoy hindi ka makakatakas sa akin no. Sentenced ka for life."
Tama naman ang wording niya. Parang prison ang relasyon na to.
Ako: "Opo. Tama po kayo. Forever na po kasi tayo."
Eliza: "=w= Kilig naman ako ah. I love you so much Ryan James Larana Castillo :D Kahit Accounting lang ang course mo."
YOU ARE READING
Akin Ka Na Lang
Teen Fiction" Akin ka na lang, akin ka na lang, iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang, akin ka na lang, wala nang hihigit pa sa 'yo. "