Pagkagising ko tinext ko ulit si Eliza. Hindi kasi sya nagreply kagabi
Ako: "Mahal ko. Anniversarry na natin. Bati na tayo please."
Hinintay ko pa reply nya pero wala talaga. Bumangon na ako at bumaba sa kusina. Nagluluto si Ate Zyrience.
Ate Zyrience: Morning sleepy head. Anong oras ang unang klase mo today?
Ako: Sa hapon pa yon. Tuesday ngayon di ba?
Ate Zyrience: Ikaw kasi e. Nag sign up ka pa sa mga night classes. Pwede naman mag block schedule.
Ako: Ate, alam mo, parang high school pa din yan. Porket nag block schedule ka dati, hindi ibig sabihin gagayahin kita. Plus gusto ko talaga maexperience yung college life.
Ate Zyrience: Sus ko. Pag na experience mo na ang stress, dun mo talaga maeexperience ang college life. Naalala ko nung 3rd year, nag breakdown ako dahil sa stress.
Ako: Ang OA mo, Ate..
Kumuha ako ng mga pinggan habang inaayos ni Ate ang pagkain. Nagluto siya ng pancakes.
Ako: Ate, alam mo Filipino tayo diba?
Ate Zyrience: Masama mag luto ng pancakes?
Ako: Hindi pero ilang araw na tayo na hindi kumain ng kanin?
Ate Zyrience: Sorry naman. Ganyan lang ang mga sosyal.
Kumain kami ng madali. Pagkatpos, ako ang naghugas ng pinggan.
Ate Zyrience: Bunso, paalis na ako ha? Late na kasi ako.
Ako: Sige Ate. See you on TV. Ingat!
Si Ate kasi ay isang famous ng TV Reporter. Nag babalita siya sa CNN Asia which is broadcasted all over the Asian continent. Napapapagod siya lalo na kapag pinagoovertime siya. Since sikat siya, gusto ng boss niya na lagi siya ay nasa harap ng camera. Since sariling network ang CNN, at may sariling channel sila, wala masyadong commercial. Kakawa nga.
Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko, kinuha ko yung surprise ko para kay Eliza at dumiretso ako sa bahay niya. Kumatok ako sa pinto habang tinago ko yung surprise niya sa likoran ko.
Binuksan ni Eliza yung pintuan. Nung nakita nya muka ko, biglang nagsimangot siya
Eliza: Ano gusto mo?
Ako: Happy Anniversarry mahal ko.
Eliza: Sure ka para sa akin yan o para sa kabit mo?
Ako: Babe naman alam mo loyal na loyal ako.
Binigay ko sa kanya ang unang part ng surprise - isang bouquet na roses. Mukang galit pa siya pero tinanggap niya.
Eliza: Pasok ka na nga.
Pumasok ako at umupo sa sofa. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Tinabi niya ang bouquet sa table at tumingin sa akin. Seryosong seryoso ang muka nya.
Eliza: Para kanino yun?
Natakot ako. Pag sinabi ko para kay Grachelle yun baka magselos pa siya. Tiningnan ko si Eliza. Galit pa rin siya.
Eliza: May kabit ka no?!
Ako: Wala naman akong sinasabi!
Eliza: E bakit hindi ka makasagot?
Ako: Kasi magseselos ka lang! Wala naman yun e! Nabigla lang ako.
Eliza: Magseselos? Hoy! Lalake! Hindi ako selosa no!
Muntik na ako napatawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Instead, yinakap ko lang siya ng mahigpit.
Ako: Hindi mo kailangan magselos kasi ikaw lang ang para sa akin.
Eliza: Pero hindi ako nagpapasaya sayo...
Binitawang ko sya at umupo ulit sa sofa. Pinaupo ko siya sa lap ko.
Ako: Pinapasaya mo ako babe.
Eliza: Pero may iba pa nagpapasaya sayo. Hindi ka ba kontento sa akin?
Ako: Babe. Nabigla lang talaga ako. Hindi yun totoo. Magssuicide daw siya so kinocomfort ko lang siya. Baka kung ano pa mangyari.
Ayaw ko magsinongaling sa kanya pero what she doesn't know won't hurt her.
Eliza: Sino nga ba siya??
Ako: Si Mikaela...
Eliza: Mikaela? Mikaela Campos? Yung best friend ng kapatid mo?
Ako: Oo..
Hindi ko alam kung bakit si Mikaela ang pinili ko. Baka kasi alam ko wala siya magagawa sa kanya. Takot si Eliza kay Ate Zyrience kasi.
Eliza: Babe?
Ako: Hm?
Eliza: Sorry po.
Ako: Babe bakit ka nagssory?
Eliza: Kasi na ruin ko ang anniversarry natin.
Ako: Hindi ah. Hindi mo naruin babe.
Eliza: Pwede ba natin kalimutan yung nangyari?
Ako: Oo nman. So start over?
Ngumiti siya at hinalik ako bigla sa pisngi.
Eliza: Babe, happy anniversarry. Thank you pala sa bouquet.
Ako: May iba pa akong surprise para sayo.
Eliza: Oh? Ano?
Pinaupo ko siya sa tabi ko at tumayo ako. Kinakabahan ako pero alam ko kailangan ko ituloy to. Nag kneel ako sa harap niya.
Ako: Eliza mahal mo ba ako?
Eliza: Oo naman. Bakit?
Hinawakan ko yung kaliwang kamay niya. Kinuha ko yung sing sing sa bulsa ako. Ilang linggo ko pinagipunan yung sing sing na yun.
Ako: Elizabeth Mari Dimaano Cruz, marry me.
Eliza: A-ano?
Ako: Hindi ngayon pero gusto kong imake sure na ikaw ang makakasama ko habang buhay.
Napatingin lang sa akin si Eliza bago tumawa siya.
Ako: Ayaw mo?
Eliza: Hindi. Ang cute mo lang.
Sinuot niya ang singsing bago tumayo at dumiretsyo sa kusina. Susunod dapat ako sa kanya pero sabi niya lulutoin pa niya ang surprise ko.
Nanood na lang ako ng TV. Habang nanonood ako, binglang nagtext si Grachelle.
Grachelle: "Best I need you ): Break na kami ni Jason."
Hay ang gulo. Pagpinuntahan ko siya, sure na sure ako na magagalit si Elize since anniversarry namin. Pero mukang kailangan talaga ako ni Grachelle..
Sino pipiliin ko? Girlfriend ko o bestfriend ko?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa susunod na chapter, papakita ko po sa inyo kung paano naging sila ni Eliza.
:3 Based on a true story po to so tell me whatchu think.
<3

YOU ARE READING
Akin Ka Na Lang
Novela Juvenil" Akin ka na lang, akin ka na lang, iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang, akin ka na lang, wala nang hihigit pa sa 'yo. "