1: The Unknown Caller

211 23 35
                                    


Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang walang tigil na nililipat ang channel. Wala akong mapanuod na maganda. Hay, ang boring.
Nakakainip naman. Ano kayang magandang gawin? Hmm... Magshopping na lang kaya ako? Kaso weekend nga pala, matraffic sa kalsada. Hindi naman nagrereply si Casey sa text ko. Busy yata ang babaeng 'yon.

Nagugutom na rin ako. Sana naman may pagkain pa sa ref.

Patayo na sana ako sa pagkakaupo ko sa sofa nang biglang mag-ring ang phone ko.

*Kring~Kring*

...Calling 092569*****

Sino kaya 'tong tumatawag?

Inunlock ko muna ang phone at sinagot ang tawag.

(Hello?)- Sabi ko

(Uy Pare! Macoy, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay! Ang tagal mo dumating!)- Sagot ng nasa kabilang linya. Teka, sinong Macoy?

(Ha? Ano pong sinasabi niyo?)- Tanong ko sa kabila.

( *ba't boses babae pare?* *ay baka siya 'yung syota ni Macoy*
Macoy? Pare, ikaw ba 'yan?)

Sino bang Macoy ang hinahanap nila? Naririnig ko pa ang mga boses ng mga kabarkada niya.

(Ah eh, hindi po ako si Macoy. Mali yata kayo ng natawagan.)

(*lagot ka pare! Mali yata 'yang natawagan mo!*
Ah, sorry miss.) - Sabi niya at saka ibinaba ang tawag.

*tooot-tooot-toooot*

Baka naman isa lang 'yon sa mga kaklase kong nangtitrip. Hays.

*bzzzzttt-bzzzzttt*

Ano nanaman kaya 'to?

[From: 092569*****

Ate, sorry wrong number lang po. Pasensya na po sa abala. ]

Ay, nagtext sa akin 'yong Unknown caller kanina.

[To: 092569*****

Okay lang po. Sino po ba 'yong Macoy? ]

~Sent~

*bzzztt-bzzztt*

[From: 092569*****

Kaibigan ko po 'yon.
Sorry talaga ate. Akala ko number niya 'yong natawagan ko. ]

Feeling ko, mabait ang isang 'to. Haha

[To: 092569*****

Okay lang po talaga 'yon.
Ano pong pangalan niyo? ]

~Sent~

*bzzzttt-bzzzzttt*

[From: 092569*****

Ako po si Allen. Eh kayo po? ]

Allen? Ang ganda ng name ah.

[To: 092569*****

Ilang taon na po kayo? ]

[From: 092569*****

18 na po.
Bawal po ba sabihin ang pangalan niyo? ]

[To: 092569*****

Hindi naman. Secret muna. Haha :) ]

[From: 092569*****

Ah. Okay po. Ilang taon na po ba kayo? ]

[To: 092569*****

30 years old na ako :) ]

[From: 092569*****

Eh talaga po? Akala ko bata pa kayo. Ang liit kasi ng boses niyo. Haha ]

[To: 092569*****

May dalawang anak na nga ako eh. Ka-edad mo 'yong panganay kong anak. ]

~Sent~

*bzzzttt-bzzzzttt*

[ From: 092569*****

Nasaan na po ang asawa niyo? ]

[To: 092569*****

Patay na. Kinain ko na. Haha :) ]

[From: 092569*****

Eh? Hala! ]

[To: 092569*****

Kaya nga nakulong ako eh. Nangangain kasi ako ng tao. ]

[From: 092569*****

Talaga? Baka ipa-hunting niyo ako ha. ]

[To: 092569*****

Don't worry, marami pa akong stock dito. ]

[From: 092569*****

Hala. Grabe naman 'yon. Haha ]

[To: 092569*****

Joke lang. Lahat ng sinabi ko mga kalokohan lang 'yon. Ako nga pala si Ivy. 16 years old pa lang ako. Haha ]

[From: 092569*****

Sabi ko na nga ba eh. Pinagtitripan mo ako. Haha. ]

[To: 092569*****

Sorry na :) ]

[From: 092569*****

Haha. Okay lang.
Masaya ka naman kausap kahit medyo maloko lang. ]

[To: 092569*****

Taga saan po pala kayo? ]

[From: 092569*****

Taga Manila ako eh. Ikaw? ]

[To: 092569*****

Taga Laguna :) haha ]

[From: 092569*****

Ay, ang layo mo pala! ]

[To: 092569*****

Oo nga eh. Haha ]

[From: 092569*****

Sige, alis muna ako. May lakad pa kami ng tropa ko. Bye haha ]

[To: 092569*****

Sige, kuya. Bye ]

Ang saya namang kausap ni Kuya. Biglang nawala ang pagka-bored ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Gusto kong puntahan si Casey. Gosh, i-chichika ko 'to sa kanya. I'm so excited!

[To: Casey

Casey! Omg! May ikukwento ako sa 'yo! Papunta na ako dyan! Wait for me! ]

~Sent~

*bzzzt-bzzt*

[From: Casey

Ano nanaman 'yan? Sige, punta ka dito sa house. ]

Tumayo na ako sa sofa at umakyat na sa kwarto ko. Magpapalit muna ako ng damit, naka pangbahay lang kasi ako. Nakakahiya namang pumunta nang ganito ang outfit ko.

Nakaka-isang hakbang pa lamang ako pababa ng hagdan nang biglang magtext ulit si Casey.

[From: Casey

PS: Dala ka ng foods!
PPS: Hindi ko talaga alam kung ano'ng meaning ng PS. Hahaha

See yah! ]

Napa-face palm na lang ako habang binabasa ang text ni Casey. Jusko'ng babaeng 'to. Puro pagkain. Kawawa naman wallet ko, mamamayat nanaman. Huhu.

Dadaan muna ako sa 7/11 para bumili ng makakain bago pumunta kina Casey.

Wrong Number Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon