2: It's Called Tadhana

116 23 24
                                    



Ang tagal namang buksan ni Casey 'yung gate! Kanina pa ako nagdodoorbell dito, sakit na sa daliri ha.

"Casey!"

Ba't ang tagal dumating nun, may ikukwento pa naman ako sa kanya.

"Wait lang! Pababa na!"

Nakita ko siyang binuksan na 'yung pinto. Kumaway pa siya pagkakita sa akin. 

"May dala kang pagkain?" Bungad niya pagkabukas ng gate.

Ipinakita ko sa kanya ang dalawang supot na bitbit ko na may lamang snacks.

"Ito oh. Puro pagkain." Sagot ko.

"Wow! Tara sa loob! Doon tayo sa kwarto ko dali!" Kinuha niya 'yung dalawang supot mula sa akin at naunang pumasok sa loob.

Sumunod na lang ako sa kanya papasok at umakyat  kami sa kwarto niya.

Umupo kaagad si Casey sa kama niya at ibinuhos lahat dito ang mga laman ng supot.

"Ang daming pagkain! Salamat dito ha!" Sabi niya.

"May bayad 'yan!"

"Wala na 'no! Libre na 'to! Haha"

Sira talaga 'to. Naalala ko nanaman 'yung nagtext sa akin kanina. Medyo kinilig ako doon. Hahaha.

"Ano 'yang nginingiti-ngiti mo d'yan? " naguguluhang tanong sa akin ni Casey.

"Wala lang." Nahalata niya pala ako haha

"Wala lang? E ba't nagpipigil ka ng ngiti d'yan? "

"Eh, paano kasi kanina may katext ako." Medyo kinikilig na sabi ko.

"Katext? Text mate gano'n?"

"Yup!"

"Sus, 'yon lang pala e. Tapos kinikilig ka na d'yan."

"Paano ako hindi kikiligin, eh ang gwapo niya! Jusko pooo!"

"Huh? Paano mo nalaman? Nagkita kayo?"

"Hindi!
Syempre inistalk ko 'yong account niya! Ako pa ba? Hahaha"

"Ano'ng pangalan? Patingin nga ng picture niya dali!"

"Teka lang! Excited much?"

"Hahaha! Hindi naman. Curious lang!"

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap ang picture ni Allen na naka-screen shot pa.

"Okay! Oh, ito tingnan mo."

Inabot ko kay Casey ang phone ko. Tinitigan niya nang mabuti ang picture ni Allen.

"Ay, oo nga! Pwede na bes! Hahaha ikaw ha! Para-paraan ka.
Ano'ng pangalan nito?"

"Si Allen. Taga-Manila. 18 years old na nga siya e. "

Pagkatapos niyang tingnan ang picture, ibinalik na ulit ni Casey ang phone ko sa akin.

"Ang layo naman.
Pero infairness, hindi halata na 18 na siya. Baby face ang kuya mo."

"Oo nga eh. Para ngang ka-edad lang natin siya 'di ba?"

"By the way, paano nga pala kayo naging magkatext mate?" Tanong ni Casey

"Kasi kanina, may tumawag sa 'kin. Hinahanap 'yong Macoy. Akala yata number ni Macoy ang natawagan niya, eh na-wrong number siya. Akala ko nga isa sa mga nangtitrip na kaklase natin ang tumawag sa akin kanina e. Tingnan mo, basahin mo 'yong text namin kanina."

Binigay ko ulit kay Casey ang phone ko. Tapos binasa niya lahat ang convo namin.
Nakita ko siyang napapatawa nang mahina habang ini-scroll ang phone ko.

"Aba! Hahaha! Lumabas nanaman ang kalokohan mo ha!
Grabe ka, hindi ka ba nahihiya? Kung ano-anong pinagsasabi mo sa kanya!"

"At saka alam mo ba, sa kanilang magkakaibigan, siya lang ang gwapo! Hahaha!"

"Ay grabe ka, so ibig sabihin pangit 'yong iba? Haha."

"Hindi naman. Pero parang siya lang kasi ang—"

"Ang may itsura?"

"Correct ka d'yan!"

"May picture ka ba ng mga kaibigan niya? Patingin nga!"

"Ay, meron! Ini-screen shot ko kanina! Hahaha!
Hanapin mo d'yan sa gallery. Makikita mo."

Pumunta si Casey sa gallery at saka hinanap ang picture.

"Ito ba 'yon?" Tanong niya.

"Yup! Pagmasdan mo."

Natatawa ako sa reaction ng muhka ni Casey hahaha!

"Hala, oo nga! Hahaha. Parang siya lang ang muhkang matino sa lahat e!
Tingnan mo bes itong isa, ang chararat ng face! Tapos itong isa naman parang jeje!
Imagine bes, sa kanilang lahat na magkakaibigan, 'yung Allen pa ang napatawag sayo. Pwede naman 'yung chararat or di kaya 'yung jeje, pero bakit siya pa 'di ba?
Swerte mo!" Sabay hampas niya ng palad sa braso ko. Parang kinikilig pa siya ah. Haha

"That thing is called tadhana!"

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo~"

"Casey, 'wag ka nang kumanta. Babagyo. Maawa ka."

"Tse! Wala kang support!"

"Joke lang!"

"Gigil mo si ako ha!"

"Sorry na! Hahaha"

Wrong Number Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon