~**** (His name)
Hanggang kailan ba ko mag titiis na mahalin,makita at mahagkan ang isang tulad mo?Sa bawat araw na lumipas ikaw lagi yung na sa isip ko kasi nga Ikaw ay Ikaw.
Siguro nga tama sila na di pa ko handa para sa isang bagay na di ko naman kayang pangalagaan,ayusin,at mas lalong di ko kayang magintay ng sobrang tagal para lang sa wala.
Kung alam mo lang kung gano kahirap isipin na yung oras na dapat sa akin ay napupunta sa iba.Sa mga kaibigan mo na bawat araw kinaseselosan ko.Kasi iniisip ko na sana ako yung nandyan sa tabi mo pag kailangan mo ko kasi responsibilidad ko yun.
Ilang beses tayong laging nagaaway pero naisp ko ako lahat ang may kasalan kasi pinaniwala kita sa isang taong na wala naman talaga.Naghiwalay tayo ng dahil lamang sa isang lalaki na gawa-gawa lang ng imahinasiyon ko.Naghiwalay tayo dahil kasalanan ko.
Alam ko na mahirap magkaroon ng isang katulad ko sa buhay mo pero di mo parin ako iniwan kahit ano man yung mangyari.
Lahat lahat ng pag-aaway natin alam kong lalaki nanaman ang dahilan isang lalaking wala naman talaga pero napaniwala kitang totoo siya at nabubuhay sa mundong ito kahit hindi naman talaga.
Mahal mo ko at alam ko yun pero mas lalong mahal kita pero wala na tayong magagawa kung di tayo para sa isa't isa.Sana ay lagi mong tatandaan na kahit anong mang yari ikaw at ikaw parin yung taong gugustuhin kong mahalin.
Ewan ko ba kung tanga lang talaga ako at hanggang ngayon mahal pa rin kita.Tanggap ko na di tayo para sa isa't isa.Nakakaiyak man pero sinusibaybayan ko yung buhay mo.Kilala ko yung babaeng gusto mo ngayon.Kahit di ko pa rin tanggap na di mo na ko mahal basta masaya ka lang kahit sa ibang babae pa.
Sa mga oras na to isa lang yung nasa isip ko yung sana ako parin at sana nagkaroon ako ng pwesto,parte o puwang dyan sa puso mo.
Sabi nila may mga taong dumadating at umaalis.Ang tanging hiling ko lang naman eh dahil dumating ka at ginulo at sinira ang puso't isip ko ay sana rin mawala at maglaho ka na rin kasabay ng pagisip ko sa kaligayahan ko na matagal ko ng binalewala ng dahil sayo.
Ngayon masaya na ko kung anong meron ako pero sana bumalik ka na.Bumalik ka na sakin kasi ako lng naman yung ex-girlfriend mo na mahal na mahal ka parin hanggang ngayon.
Alam kong masyado akong magulo pero ito yung gusto ko.Hindi ko pala kasi kaya na wala ka sa tabi ko.Mahal kita ****.
~Francine❤️
A/N:Hi! Sa mga bumabasa at babasa nitong one shot or short story.Itong letter at yung mga sinabi ko dito ay totoo .Itong letter na ito ay para sa isang tao na naging parte ng buhay ng isang taong mahalaga sakin.Sana lng ay bumalil na siya sa kanya kasi bawat araw ay umiiyak at nalulungkot parin si ate girl dahil sa lalaki na nakipagbreak sa kanya.Ang taong hindi niya makakalimutan kahit kailan man.