IMT: Flashback Track

159 3 3
                                    

***BOOGSH!!!***   Naputol yung usapan nila at tumingin sa kung saan nanggaling ang ingay. 

Gulat ang makikita sa mga mukha nila nang malaman nila na ako pala yung lumikha ng ingay. "Ca-Caehla..." nauutal na sambit ni Damien. "Totoo ba ang narinig ko?" tanong ko . Walang sumagot sa kanilang apat. Ilang minuto ang lumipas at wala ni isa sa kanila ang nag-sasalita. 

"Alam niyo naman siguro na nag-tatanong ako kaya baka alam ninyong apat na kail-" hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin nang mag-salita ang lalakeng sinisimulan ko nang kamuhian.

"Oo,  totoo yun. Totoo ang narinig mo, na hindi ikaw ang habol ko kundi ang pera ng pamilya mo at ang kaibigan mong mas maganda at magaling  pa sa kama kesa sa'yo!"sabi niya. Please sabihin niyang hindi totoo ang lahat nang ito. Na panaginip lang 'to. Please, gusto ko nang gumising! Hindi 'to totoo!! Hindi! Hindi ko kakayanin...

Unti-unting lumalabas sa mga mata ko ang mainit na likido na kanina ko pa pinipilit na huwag lumabas. "Bakit? Bakit niyo 'to nagawa sa akin?"naiiyak na sambit ko. Tama na! Ang sakit na.

"Bakit? Eh, sa tingin mo ba may papatol sa'yo!? Ha! Bakit? Maganda ka ba?! Magaling ka ba sa kama? Eh, hindi ka nga marunong humalik !  May pa sabi-sabi ka pa na 'Hangga't hindi pa tayo kasal hindi ko isusuko ang birhen ko' Hahahaha!!! Sa tingin mo ba may magpapakasal sa'yo!? Sa mukha mong 'yan?! Ha! Sa tingin mo maganda ka?! Pwes! Sang banda!? At kung may magpapakasl sa'yo sigurado akong pera lang ang habol nun. Mayaman ka nga at matalino eh ang pangit mo naman. Ang baduy pa ng mga sinusuot mong damit. Para kang manang na nagtitinda sa kalye! Ang haba-haba ng palda akala mo kung sinong madre. Mas may igaganda pa ang madre kesa sa'yo!!! Saan ka ba ipinag-lihi ng nanay mo at ang pangit pangit mo, ha!" sigaw niya sa akin. Oo, masakit pero tatanggapin ko. Gusto ko nang umuwi... Mama!!

Please..tama na!! Please...Iwan mo lang ako.. Itigil mo na!!! Mama!! Daddy!! Please !! Maawa kayo!! Hindi! Hindi na!! Tama na!!  Masakit!! Ang sakit-sakit na!! PLease tama na oh!! 

Maawa kayo sa akin!! Please !! Kuya!!! Tulungan mo ako...    Hindi na talaga!! PLease... ang SAKIT!!!! MAMA!! DADDY!!!!! PLEASSEEEEEE!!!!!!!!!!! AHHHH!!!!!

"AHHH!!!!! MAMA!! DADDY!!" sigaw ko. 

"Ma'am!! Okay lang po ba kayo?! Ma'am??!"sabi ng isa sa mga katulong.
At dahil don nalaman kong bumalik ulit yung napakasamang bangungot. Huli na ng maramdaman ko ang mga luhang tumatagaktak sa aking malaporselang pisngi. Hindi nagtagal at inayos ko amg sarili ko.
"Ano ba?! Umalis ka nga, pagkatapos sabihin mo kay Tita Julie na dito na lang ako sa itaas kakain. Sino ka na naman ba?! Bagong katulong? Umalis ka na nga dito! You're fired!!! ," sigaw ko  sa palakang katulong. I don' t care if  I hurted her feelings. Why?? Well, I just don't care.
Tiningnan niya muna ako ng masamang tingin bago  bumulong "Kung sinong maganda kung maka sigaw. Tsk. Mas maganda kaya ako," honestly kababayan, hindi talaga ako sigurado kung bulong ba yon o sadiyang pinarinig niya talaga eh. Bobo mo teh! OMG. Hayst.. Nevermind stress. Because stress is after b and b is beauty so first priority is beauty talaga not stress!

And by the way, I am not gonna play 'Going back to History' again guys so don't expect non sense flashbacks to happen again. Tsk. Tsk. Tsk.


----------------
Hi!!  Don't mind Caehla's attitude, ha?
Keep reading and voting ,readers!!!

                                              Xoxo,
                                              ArresLove😘





   

It's My Turn: The Revenge BeginsWhere stories live. Discover now