red gangster

11 0 0
                                    

Bakasyon at mag aalas-otso palang ng umaga. Pero nakatambay na agad ako sa kanto ng subdivision namin na tulad ng dati at parating kong ginagawa kasama ng aking prat.

Ang dragong pasaway na mas kilala sa DRAGPASS. Binubuo ng mga batang kung tawagin sa lugar namin ay mga sakit ng ulo na pinamumunoan ko. Kaya pwede mo ding sabihing ako ang mas pasaway.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga binalak na bumuo ng prat basta nangyare lang. Sa katunayan apat lang talaga kami dati.
Si Mark Joseph alyas mak-mak pero ang tawag namin sa kanya ay Sep.isang only child na sapilitang ipanapasok sa sa mga martial arts classes para daw matuto ng disiplina sa sarili hindi nya yun gusto pakiramdam nya sinasakal sya pakiramdam nya isa syang robot na laruan ng mga magulang nya kaya ngayon nagrerebelde sya.

Si Francis alyas Kiko na laging napagtitripan dahil sa pagiging mahirap. madalas syang nasa lansangan para mangalakal kaya naman madalas napapa-away dahil tinatawag syang basurero man.

At ang pinaka loko sa aming apat si Rommel alyas Omeng na pinaka matapang sa amin madalas kami nitong magsuntukan pero syempre ako ang lagi ang panalo kaya ako ang naging lider.

Dumami lang naman kami dahil sumanib sa amin ang mga miyembro ng mga prat na pinabagsak namin.

"NICO! NICO!" Tawag sakin ni Kiko."may binubogbog na maliit na bata si Bonak kasama ang buong prat ng AMBU sa parke. Dali kawawa yung bata."

"Kayong lahat tawagin nyo lahat ng tropa sabihin nyo palibutan ang buong parke walang patatakasing AMBU. Sep, Omeng sumunod kayo sakin lulusubin natin sila!" utos ko sabay takbo sinundan namin si francis papuntang parke.

Mabilis namin narating ang parke malayo palang kitang kita namin ang mga batang nakukumpulan at sa gitna nito ay si bonak. Nahagip ng mata ko ang isang mas maliit na bata na nakabulagta sa lupa.

"BONAK!!!!" Sigaw ko kaya't napatingin ang lahat sa amin. Napangiti ako ng makita kong namutla si Bonak at parang nag tago sa likod ng makita kami. May mga nagpulasan at tumakbo pero mas marami parin ang nanatili habang ang ilang ay tumakbo din sa diriksyun namin.

"Game time!" dinig kong bulong ni Omeng na katabing kong tumatakbo.

Ilang sigundo lang umuulan na ng bato pero ni isa walang tumama sa amin. Mas binilisan ko ang pagtakbo pero naunahan pa rin ako ni Sep at pinabagsak ang mga kalaban sa judo na ginagawa nya. Umiral nanaman ang pagiging mabait nya.

Pina bagsak ko din ang lahat ng nasa dinaanan ko pero hindi tulad ni Sep. Hindi ako lang sila pinapabagsak sinisigurado ko din na wala silang malay at may soviner na pasa pag gising nila. Hindi rin nagpatalo si Kiko at mas lalo na si Omeng na karamihan sa pinatumba nya ay dugoan. Lintik na ito pasikat.

Nang masigurado kong ayos lang ang mga tropa ko hinanap ko agad si Bonak hindi sya mahirap makita dahil bukod sa mataba at malaki syang bata mahilig syang magtago sa likod.

"BOOOOONNNAAAAAAAAAK!!!!!!!" Sigaw ko rito ng makita ko sya. Agad naman lumapit sa akin si Kiko at Sep para maging back up ko at mas madaling kong mapuntahan ang malaking duwag na si Bonak. Sila ang sumasagupa sa mga sumusugod sakin.
Kitang kita ko ang pamumutla ni Bonak sya yung mga tipong mayabang dahil maraming kasama. matapang lang sa mga tao alam nyang hindi lalaban o takot sa kanya ngunit ang totoo duwag at baluktot ang buntot na parang biik pero sa kaso nya literal syang biik sa taba nya.

Binigyan ko sya ng flying na agad na nagpahiga sa kanya pakiradam ko nga lumindol ng bumagsag sya. Agad ko syang inupuan at pinagsusuntok ang muka nya. Nagtatangka syang gumanti pero dahil sa bilis at lakas ng kamao ko at dahil na rin siguro sa pagkakahiga nya kaya mangilanngilan lang sya bumato ng suntok at karamihan doon mahihina lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RED LADYWhere stories live. Discover now