Chapter One
"Hoy bading, gising na! Male-late ka na! " gising sakin ni Reny habang niyuyuogyog ako.
"Hoy! Marinig ka ng tao e," suway ko. "Ano bang oras na?" , pupungas pungas kong tanong.
"7:45 na, may 15 mins ka pa para mag handa. Goodluck!", sabay tawa.
"Ha? Bakit ngayon mo lang ako ginising?" pagpapanic ko.
"Anong ngayon lang? Kanina pa kaya kita ginigising, tulog mantika ka kase. Nananaginip ka pa ata kase, ilang bese mo binaggit ang pangalan ng pinsan ko.", sabi niya. Baka nagtataka kayo kung bakit magkasama kami sa iisang bahay, pinsan po kami and since iisa ang kompanyang pinagtatrabahuhan namin, we decided na tumira na lang sa iisang apartment.
"Sinong pinsan?", tanong ko habang dali-daling kumakain.
"Sino pa ba? E di si Kion!" Si KION?? Si Kion na tangi kong minahal? Si Kion na na nanakit sakin? Si Kion na basta na lang ako iniwan? Si Kion na pilit kong kinakalimutan pero di ko magawa? I thought he loves me too pero mali pala ako. Assumera talaga ako. :(
"Natulala ka na diyan?", tanong ni Reny. Nabanggit ko lang ang pangalan ni Kion nagkaganyan ka na."
Hinayaan ko na lang siya at dumiretso na ako sa CR para maligo.
Oh yeah, anyway, I'm Ezekiel John S. Tan. 26 years old. Taga malayong probinsya pero naninirahan dito sa Manila para maghanap buhay kasama ang pinsan kong si Serenity Rose Salvador aka Reny. Obviously, I am gay pero syempre ako at si Reny lang ang may alam. Siguro ramdam na din ng iba pero hindi ako aamin kahit kelan. Bawal e. Baka itakwil ako ng pamilya ko bilang ako nga ang inaasahan nilang lahat na mag aahon sa kanila sa hirap. Ayoko namang masira ang paninilwala nilang iyon dahil lang sa tunay kong pagkatao. Kaya eto, lalaki pa'rin naman ako manamit at kahit papaano, kumilos. Hindi naman ako yung trying hard na kumikilos na lalaki. Kung ano yung kilos ko, yun na yun. Kahit sabihin pa nilang malamya ako kumilos basta Lalaki ang tingin nila sakin, yung ang mahalaga.
---
"You're late again Mr. Tan!" bungad sakin ni Marco. Boss ko.
"E sorry na Sir, napuyat ako kakagawa nung mga designs na pinagawa mo sakin," depensa ko.
"Sus, reasons. Dahil late ka, ililibre mo kami ng lunch ni Maya, di ba Maya?", sabi niya.
"Oo nga.", pagsang ayon ni Maya.
"Ha? Pero hindi pa ako nasweldo? Wala pa akong pera." depensa ko ulet.
"Pumayag ka na, Kiel . Ngayon na kase ang huling araw na makakasama natin si Sir,"sabi ni Maya.
"Ha? Anong ibig sabihin ni Maya, Sir?", tanong ko kay Marco.
"Ha? Ah e... hindi ko ba nasabi sayo?"
"Hindi!"
"Napromote kase ako as the new Vice President of this copany.", paliwanag niya.
"So?" tanong ko. Medyo nakaramdam ako ng lungkot.
"So meaning, lilipat na ako ng ibang office. Dun na ako sa taas.", nakangiti niyang sabi. "Wag ka ng malungkot, maliit lang naman tong kompanya natin, hindi imposibleng magkita pa din tayo."
Maliit? Ang laki kaya nito. Sa sobrang laki nga, halos hindi ko nakikita si Reny dito.
"Nakakatampo ka naman e, bakit si Maya alam to, ako hindi. Saka sino ng magiging Boss namin?" tanong ko. Pout!
"Oy pa-cute!" Sabay kurot nya sa pisngi ko. "Wag ka na ngang magtampo, hindi ko sinabi sa kanya no, narinig lang niya di ba Maya?"
"Oo, andun kaya ako sa meeting nila kahapon.", sagot ni Maya.
"Hmm, so sino nga yung bago naming Boss?" tanong ko ulet.
"Ewan ko. Hindi ko pa alam e. Pero wag ka mag alala, ayon sa pagkakarinig ko, kasing bait at pogi ko daw yung papalit sakin." sagot naman ni Marco.
"Naku Sir, wala na pong mas babait at gagwapo sayo!" sabi naman ni Maya.
Gusto ko sanang sumang ayon kaso, naiinis ako sa kanya. Natawa naman si Marco.
"So Kiel, ililibre mo kami ni Maya, mamaya ha.", habol pa ni Marco.
"Oo na. Tss!"
"So akin na yung pinagawa ko sayo,".
Inabot ko yung folder ko. Tiningnan niya, tapos ngumiti. "Ang galing mo talaga Kiel. Bakit kase ayaw mo pang magtake ng board exam e. Alam mo kung nagtake ka siguro noon pa lang ng borad exam, ikaw na ngayon ang bagong Boss ni Maya.", tumango naman si Maya. Ayan na naman yang board exam na yan, ayoko nga e. I once tried it and I just failed. Ayoko ng umasa ulet.
---
So ang nangyari sa lunch, si Marco na ang nanlibre saming dalwa ni Maya. Farewell treat daw niya. Tss, mamimiss ko talaga tong boss ko na to. He's the very nicest Boss I ever encountered. Hindi man lang kami nasigawan ng lalaking to. Halos kapatid na ang turingan naming tatlo. Ang dami ngang naiinggit samin ni Maya na katrabaho namin e, ang swerte daw kase namin sa boss namin. Bata pa kase, kaya siguro ganyan siya. 28 lang siya samantalang ako, 26. Saka single siya guys. Pogi and available. Hahaha! Tapos lagi niya pa akong sinasama sa mga lakad niya, pinakilala pa nga niya ako sa mga magulang niya e. Ewan ko ba, iba siya! Iba siya sa lahat! Hindi ko mapaliwanag yung way niya ng pagtrato sakin. Iba talaga! Feeling ko pag kami lang ang magkasama, syota niya ako. Hahaha! Assumera talaga ako pasensiya nya po.
---
Buti na lang uwian na.
“Una na ako sa inyo ha.” Paalam ko sa kanilang dalwa.
“Hatid na kita” alok ni Marco.
“E may meeting pa kayo ah.” sabi ko. Nagkamot siya ng ulo.
“Oo nga no.” sabi niya. “Sige, kita na lang tayo dito sa kumpanya. Bisita ka sa office ko ha,” dagdag niya.
“Oo naman , pag may time,” gusto ko sanang yakapin siya kaya lang nahihiya ako. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.
“Promise ha!” bulong niya. Napatango na lang ako at gumanti ng yakap sa kanya.
"I'm home!" sigaw ko pag bukas ko ng pinto ng apartment na tinutuluyan namin. May naliligo sa CR. Naunahan na naman ako ni Reny. Dumeretso ako sa kusina para kumain ng hapunan. Nagulat ako kase andun si Reny, nagluluto.
"Serenity Rose Salvador, nagsama ka na naman ng lalaki mo dito no?, sigaw ko.
"Ay puta. Ano ba Ezekiel John S. Tan, wag ka nga basta sumisigaw, papatayin mo ba ako? Hindi ko siya syota, si Ki---"
"Reny tapos na ako maligo." sigaw ng taong nasa CR. Boses lalaki. Familiar sakin. Lumingon ako, sabay namang lumabas yung lalaki sa CR.
Nagulat ako. Natulala. Nanigas. KION?!!?