Chapter Two

22 0 0
                                    

Chapter Two

Nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko. Nanigas. KION!??!! Anong ginagawa niya dito?? Akala ko ba nasa US siya kasama ng asawa niya? N nabuntis kuno niya?? I look at his face. Si Kion nga, hinding hindi ko pwedeng ipagkamali ang mukha niya. I look at his face. Lalo siyang gumawapo dahil sa beard na tumutubo sa panga niya hanggang baba niya. Ang angas niya tingnan. Napadako ako sa hubad niyang katawan na ang tanging saplot lang sa baba ay ang nakatapis na tuwalya. Ang maswerteng tuwalya! Lalong nadefine ang six pack abs nya, ganun din ang muscles niya sa biceps niya. Ang chest lalong lumapad, although medyo napansin k din na pumayat siya ng konti kumpara dati. Napatakip ako sa bibig ko, baka any moment kase, tumulo ang laway ko. 

"Eze, anong ginagawa mo dito?" napatigil ako sa pagpapantasya sa katawan niya dahil sa ina bi niya. Wow ha, at sya pa talaga ang nagtanong niyan sakin.

"Dito ako nakatira!" malamig kong sagot. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan" tama Kiel, act as if hindi ka masaya na nandito siya. Ipakita mo na nagmove on ka na!

Mukha namang naglat siya at sabay kaming napatingin kay Reny.

"Ah eh, hindi ko ba nasabi sa iyo, Kion?" sagot ni Reny na parang kinakabahan. Masasapak ko tong babaeng to mamaya.

"Hindi. Pasensya na Kion, kadadating ko lang kase galing U.S e. Wala ako matutulugan ngayong gabi." sabi ni Kion. So that explains everything. Pero bakit pa siya nagbalik dito?

"Ok lang. Pero dalwa lang ang kama dito, san ka matutulog?" tanong ko.

"Sa sahig na lang. May banig naman siguro si Reny, di ba?" tanong niya kay Reny.

"Bakit hindi na lang kayo magtabi ni Reny? Parang wala naman kayong pinagsamahan niyan" sabi ni Reny. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sabi ko nga, sa sahig ka na lang Kion" bawi niya.

"Ok. Sige, magbibihis lang ako" Kion na tumalikod na.

"Mabuti pa nga. Baka kase hindi na mapigilan ni Kiel ang sarili niya, bigla kang sunggabin at ikaw ang kainin" biro ni Reny.

"Ha?" naibuga ko naman ang kinakain ko. Nagulat ako Hindi pa pala nakakalayo si Kion. "Eze are you ok?"

"Yes, I'm ok. Sige na magbihis ka na" sabi ko habang kinakalma ang sarili. Agad akong lumapit kay Reny ng wla na si Kion. Binatukan ko siya.

"Aray para san iyon!"

"Wala lang. Trip lang" sabay takbo sa loob ng CR. "REny, paabot ng towel ko"

"Tse! Hindi halatang masaya ka ha"

Ako, masaya? Bakit naman ako magiging masaya? Dahail sa pagbabalik niya? Dapat nga ba akong maging masaya? At dahl sa pag iisip ko sa kanya, naalala ko na naman ang lahat. Kung paano kami nagsimula.

FLASHBACK

"Hoy pwesto ko yan! LUmipat ka!" nagaulat ako dahil may bigla na lang sumipa sa inuupuan ko. Napatingin ako sa lalaki, medyo napipi pa ako kase gwapo pala ang mokong.

"Ay, sorry ha. Akala ko kase walang nakaupo" nasa dulo kase iong inuupuan ko e. Solo pa. As in walang kalinya o katabing upuan tong inuupuan ko and since wla pa akong close sa school na to (maliban kay Reny na hindi ko naman kaklase dahil iba ang seksyon) dahil ransferee lang ako dito, dito na ako naupo.

"Ah basta lumipat ka, ako ang nakapwesto diyan! Akin yan" pilit nung lalaki. 

"Pero wala ng ibang upuan" sabi ko habang naghahanap ng bakanting upuan. 

"Problema mo na yun!" medyo nainis na ako.

"Pero nauna na ako dito kaya ikaw ang humanap ng mauupuan mo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hold Your Hands Forever (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon