I dedicate this to ate Hannah.. Kung hindi ko nabasa ang The Guy In The Picture niya, hindi ako maiinspire na isulat ito.. Hihihi =D
-------------------------------------------------------------------------
HER POV
“No way!”
“Come on Lex. Ano nang nangyari sa motto naten before coming here ha? ‘Face Your Fears’ right?”
I shook my head at saka pumikit na lang. Kanina pa kasi ako kinukulit ng pinsan kong si Hazel.
Dumagdag pa ang mapang-asar kong pinsan at fraternal twin niyang si Jerome.
“Look insan. Nagmukhang tanga si Hazel na sumayaw kasama ang isang mime sa gitna ng maraming tao kahit na may phobia siya dun. It’ll be unfair if you won’t do your share.”
Humalukipkip silang dalawa sa harapan ko, stared at me intently. Aiissh! Bakit ba kasi ako pumayag sa dare namin?
I’m Alexandra, but they call me Lex. Masyado raw kasing mouthful ang Alexandra eh. Nandito ako ngayon sa Enchanted Kingdom with my closest cousins Jerome and Hazel. Last day na kasi ng summer. Hay. Pasukan na naman bukas. My fourth and final year in college! (>.<)
“What’s it gonna be Cuz?”
Tinaasan ako ni Hazel ng kilay at ngumuso sa likuran ko. I turned at natanaw ko ang Drop Tower ng EK. Napamura ako ng mahina.
I hate heights!
I took a deep breath.
“Okay fine!”
I faced my cousins who are now grinning like mad.
“Awesome!” –Jerome
“Yey!” –Hazel
“But don’t take pictures!”
Matalim ko silang tinitigan. Trip kasi naming magpipinsan ang kumuha ng stolen shots – especially yung mga epic faces namin. Alam na alam kong gaganti si Hazel. Nakuhanan ko kasi siya ng shot na halos maiyak kaninang nilapitan siya ng mime. Poor girl.
“Yeah whatever.” nakangising sagot ni Hazel bago niya i-off ang DSLR niya.
Lord, kayo na po ang bahala sakin.
Lord, kayo na po ang bahala sakin.
Lord, kayo na po ang bahala sakin.
Kanina pa ako dasal nang dasal sa kinauupuan ako. Naka-set na rin ang restraint ko at halos mamuti ang mga kamao ko sa higpit ng hawak ko sa kapitan. Pwede pa naman akong magback-out diba? Hindi pa naman nag-i-start kasi hindi pa na-occupy lahat ng seats, including sa right side ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT: The Portrait
Teen FictionSa isang ordinaryong araw.. Sa isang masayang amusement park.. Sa isang nakakatakot na ride.. At sa isang *click* ng camera.. Hindi maikakaila ni Lex na dahil sa pagharap niya sa takot niya ay makikilala niya ang kanyang…. SOULMATE? Uso pa ba yun?