Fren lang Pala!

1.6K 42 51
                                    

Timmyme's Note:

                                Dahil sa matagal akong nawala sa mundong ito nais kong ipabasa sa inyo ang ginawa kong tula na pinamagatang Fren lang Pala! Maaaring mangyari ito sa inyo pwedeng hindi at pwedeng oo. Ang totoo ay nangyari na ito sa isang taong kilala ko ngunit 'di ko siyang pwedeng pangalanan secret nalang po yon!

Magkababata pa tayo

Sabay tayong

Lumaking Isip-Bata

Minsan Minsa'y

Naglalaro

Ng Bahay- Bahayan

Ikaw ang Nanay

Ako ang Tatay

Ngunit nasaan ang Baby?


Nang Elementarya'y

Eraser ang pinagkatuwaan

Hiram dito Hiram doon

Malalim na

Ang Pinagsamahan

Iba na ang nararamdaman

Higschool Na tayo

Torpe pa rin

Manhid ka rin

Mag kasamang gawin

Ang Proyekto natin

'Di mo pa rin sinasabi

Nang ika'y meron na 


Nalungkot ako

Umiyak ako

Nag-isip ako ng malalim

Kung pwede pa?

Pwede pa bang manligaw?

Araw ng mga Puso ay sumapit

Nagtapat ako sa 'yo

Ngunit anong natanggap

Isang masakit na "Hindi"

Alam kong 'yan ang sasabihin mo

Alam kong ayaw mong masira

Ang Pag-kakaibigang binuo natin

Fren lang Pala! (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon