Enchanted

36 2 0
                                    

"Hoy! Ibalik mo nga sa akin yan!" sigaw ko habang hinahabol ang lalaking epal sa buhay ko. >___<

Kuhain ba naman ang bag ko?! Eeessh! Bakla ata 'to eh! Type yung bag ko!

Simula pagkabata namin lagi  na lang niya akong kinukulit o inaasar.

"Habulin mo ako, Bri! Hahahahaha! Hindi mo ako maabutan! Lampa ka kasi! Hahahahaha!" aba't?!

Kapag ganitong ginagalit ako tumataas ang energy ko eh. Tumakbo ako ng mabilis at malapit ko na siyang maabutan.

"Yari ka sa akin ngayon! Napakawalangya mong lalaki ka! Para sabihin ko sa'yo Mr. Brian James Saavedra Lopez, hindi ako lampa!" sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya.

Sinampal sampal ko ang mukha niya at pinaghahampas ang braso niya.

"Aw! Aw! Aray! Tama na Bri! Sorry na! Aw! Aw!" sabi niya habang hinahampas ko siya.

"Aw aw ka dyan?! Ano ka aso?! Hahahahaha! Aso ka pala eh!" sabi ko at pagkatapos non ay sinipa ko siya sa may binti niya. Napabaluktot naman siya sa sakit. Hah!

"Napakasadista mo talagang babae ka! Pasalamat ka--"

"Ano?! Ano?! Ha?! Magpasalamat ako dahil ano?! ha?!" sabi ko habang naka-akmang hahampasin ulit siya.

"Wala! Wala! Eto naman 'di mabiro eh!" sabi niya habang nakacover ang mga kamay niya sa ulo.

"Psh! Wala ka pala eh! Jan ka na nga! Hmp!" sabi ko at naglakad na paalis dala ang bag ko.

"Hoy! Bribri sabay na tayo umuwi." sabi ni Brian.

"'Yaw! Hmp!" sabi ko sabay cross arms.

"Sayang manlilibre pa naman ako ng paboritong kwek-kwek ng isa dyan. Hmm. Makauwi na nga."

Blah blah blah! Kala mo maloloko mo ako? Behlat! Kahit gusto ko ng kwek-kwek ngayon hindi mo ako mauuto!

Naglakad na lang ako papunta sa sasakyan.

"Ahhh! Bitawan mo nga ako Brian! Tss!" sabi ko habang hila-hila niya ako. Nakakahiya talaga 'to, eksena! >____< Nakatingin tuloy mga students sa parking lot. Uwian na kasi.

"Sa ayaw at sa gusto mo ililibre kita ng kwek-kwek." sabi niya habang kinakaladkad ako. Arrggghhh!! >____<

"Ano ba! BRIAN JAMES LOPEZ! Nasasaktan kaya AKO!" hindi pa rin niya ako binitawan. Epal talaga to! Arrrrgggghhh!

Nagpunta kami sa isang tindahan. May grocery na malapit sa likod ng school kaya dun kami nagpunta. Nagpunta kami sa may kitchenware. Kumuha siya ng malaking lalagyanan. Grabe, bibilhin ba niya lahat ng kwek-kwek? 2 lalagyanan na malaki kasi yung kinuha niya eh! >___<

Binayaran niya na yun at lumabas ulit kami.

Pumunta kami sa binibilhan namin parati ng kwek-kwek.

"Manong Carding! Pabili naman po ng kwek-kwek. Namiss na.po ni Brielle itong kwek-kwek niyo eh." sabi ni Brian sa nagtitinda ng kwek-kwek.

"Ganun ba? O siya sige, akin na iyang lalagyanan niyo at nang malagyan ko na." sabi naman ni Manong Carding.

Inabot naman ni Brian yung lalagyanan sabay sabing, "Yung isang lalagyanan po, sa malaking kwek-kwek." Hala! Hindi pa kami nakakakain nun masarap kaya yun? Yung pugo lang kasi na kwek-kwek ang kinakain namin pero hindi pa namin na-try yung malaki na ganon. Ano nga bang tawag dun? Ewan!

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon