Hi guys!!!short story naman!(kung meron mang nagbabasa Lol😂😂😂😂😂)
Dedicated to all brokenhearted✋✋✋
Enjoy
Naaalala mo pa kaya noong una tayong nagkita? Yun yung araw na nagkabangga tayo sa first day of class? Nakakatawa nga eh grabe! Para yung isang teleserye! Tinulungan mo akong pulutin yung mga libro kong nahulog at noong may isa pang natira sa sahig sabay nating pinulot yun kaya naman nahawakan mo ang kamay ko. Tinignan kita at alam mo ba na halos mapahiyaw ako sa kilig ng nginitian mo ako at para mapakalma ang puso ko agad akong tumakbo.
Naaalala mo pa kaya noong nagpakilala tayo sa buong klase? Ang pangalan mo pala ay 'Leo' ...alam mo bang ang manly ng pangalan mo?
Sobrang sikat ka Campus noon kasi gwapo ka, talentado at sobrang nakakabilib.
Naaalala mo pa kaya noong kumanta ka noong foundation ng campus natin? Ang daming simisigaw sa pangalan mo at madami kang napakilig noon at isa na ako doon. Alam mo yung feeling na pagkumakanta ka ay parang nakakapunta ako sa ibang dimension na boses mo at ikaw lang ang naririnig at nakikita ko? Doon ko na-realized na may tama na pala ako sa iyo.
Naaalala mo pa kaya noong una tayong nagkashakehands? Yun yung time na ipinakilala ka ng kapatid mo sakin. Grabe! Sobrang saya ko noon noong nalaman kong kapatid ka ng best friend ko!
Lumipas ang mga araw naging magkaibigan na tayo at lagi mo pa ngang ikwinokwento sakin si Yanna ehhh, yung crush mo. Tiniis kong makinig sayo noon kahit sa kaloob-looban ko na sana ako nalang si Yana, na sana ako nalang ang mahal mo. Ano ba ang mayroon kay Yana na wala ako? Ah alam ko na, yung puso mo nasa kanya. Ang sakit, unti unti mong dinudurog ang puso ko.
Naaalala mo pa kaya noong humingi ka ng pabor sakin? Grabe! Gusto ko nang umiyak noon. Humingi ka ng pabor sakin na tulungan kang ligawan si Yanna....pero dahil tanga ako pumayag akong tulungan ka....
Naaalala mo pa kaya noong nireject ka ni Yanna? Alam mo sobrang saya ko noon pero naguilty ako kasi iyak ka ng iyak...tinatanong mo saakin kung ano bang kulang sayo na bakit hindi ka magawang mahalin ni Yanna pero sa totoo lang perpekto ka na ehhh....pero bakit kasi si Yanna pa? Nandito lang naman ako diba? Yan ang tanong ko sa sarili ko noon...
Naaalala mo pa kaya noong prom natin? Alam mo ba sobrang gwapo mo noon! Nakakalaway! Pero alam mo sobrang thankful ako noon kasi ako ang date mo at doon narin ako nakahanap ng chance na sabihin ang nararamdaman ko sayo. Nagulat pa nga ako noong sinabi mong ganun din ang nararamdaman mo sakin ehhh, alam mo ba na sobrang saya ko noong nalaman kong mahal mo din ako?
Naaalala mo pa kaya nung 1st monthsary natin? Nasa Ibaba tayo noon ng maraming mga bituwin nangako ka saakin na habangbuhay kang nasa tabi ko, na ako na ang huling babaeng mamahalin mo. Alam mo ba sobrang saya ko noon? Alam mo bang sobra akong nagtiwala sa pangako mong yun?
Naaalala mo pa kaya noong bumalik si Yanna? Sinabi ni Yanna na mahal na mahal ka niya at sabi niya nagsisisi siya noon na nireject ka niya. Alam mo sobrang saya ko noon na ako ang pinili mo kesa kay Yanna?
Naaalala mo pa kaya noong nag-away tayo tungkol kay Yanna? Kinampihan mo siya noon...ako na nga yung sinaktan niya siya pa kinampihan mo? Bakit dahil wala kang tiwala sakin noon? Bakit kasi alam mong magagawa kong manakit ng tao? Kung ganun nagkamali ka sa akala mo....hindi ko kayang manakit ng isang tao.
Naaalala mo pa kaya noong nagkakalabuan na tayo? Bawat text at tawag ko hindi mo sinasagot, pag nag-uusap tayo puro iling at tango ka lang, nasaan na yung pangako mo noon?
Naaalala mo pa kaya noong naghahalikan kayo ni Yanna sa likod ng campus? Nandoon ako noon nanonood...alam mo bang gusto ko kayong sugurin noon pero natakot ako na baka mas pipiliin mo si Yanna kaysa sakin...Nagbulagbulagan ako Leo dahil mahal na mahal kita.
Naaalala mo pa kaya paghinahawakan ko cellphone mo ay nagagalit ka? Bakit? kasi baka makita ko yung mga text mo kay Yanna?
Naaalala mo pa kaya noong nasa park tayo? Doon mo ako hiniwalayan....Grabe ka! Pinatagal mo pa yung panloloko mo saakin ng 2 months at yung tiwala ko sayo....yung pangako mo nawala nang dahil lang pinagpalit mo ko kay Yanna? Diba rineject ka na niya noon pa? Bakit siya parin? Wala ba talaga ako sayo ha at siya parin ang pipiliin mo sa huli?
Ang sarap pagmasdan ang litrato natin noon....alam mo grabe kong pinanghawakan ang pangako mo saakin na habangbuhay kang nasa tabi ko..na ako na ang huling babaeng mamahalin mo pero wala ehh. Hindi ka marunong tumupad ng pangako, pero sabi nga nila 'Kung mahal mo pakawalan mo, kung mahal mo bitawan mo basta nakita mo siyang masaya kahit masakit.'
Naaalala mo pa kaya ako?
Siguro masaya ka na ngayon sa piling ni Yanna noh? Kitang-kita ko yun!Pero alam mo pinatawad na kita, nagparaya na ako at yanggap ko na hanggang sulyap na lang ako sayo, na hanggang titig na lang ako, na pinagmamasdan kang masaya sa piling niya. Tanggap ko na hindi na tayo babalik sa dati, nagbago ka na kasi ehhh...hindi na ikaw yung dating taong mahal na mahal ako, hindi na ikaw yung dating nagpapasaya sakin araw-araw at hindi na kasi ikaw yung dati na napapasaya ko dahil iba ka na...iba yung minahal ako noon..ibang-iba siya sa kung ano ka ngayon, pero alam mo ang mas masakit?
Na heto ako ngayon nagdurusa parin at masakit paring tanggapin na hanggang Alaala nalang ang TAYO.
BINABASA MO ANG
Hanggang Alaala Nalang Ang TAYO(One-Shot)
Short Story'Kung mahal mo pakawalan mo, kung mahal mo bitawan mo basta nakita mo siyang masaya kahit masakit.'