Simpleng babae lang ako.Sabi ng iba maganda daw ako. Hindi ako sikat. Hindi ako mayaman. Simple lang. Pero nag-aaral ako sa isang exclusive school.
Lumipat ako dun, galing ako dati sa isang public school. Nagkataon namang medyo may utak ako kaya pumasa ako sa scholarship dun. Simula pa lang ng pagtapak ko sa school na yun, alam kong wala akong magiging kaibigan, kasi alam kong mayayaman at mga matapobre ang mga makakasalamuha ko dun.
Alam kong mahirap pero kailangan kong gawin ito para makatapos ako ng pag-aaral. Hindi ako umaasang kakaibiganin nila ako, pero sana naman respetuhin nila ako bilang tao.
Chapter 1 (First day of suffering)
KRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!
Haaaay. This is it. Bumangon na ako dahil kailangan maaga ako sa school dahil may trabaho pa ako dun. After kong gumawa ng mga gawaing bahay. Nag-ayos na ko para sa pagpasok.
Di ba pag first day of school excited ang lahat? Bakit kaya ako hindi excitement ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na natatae na ewan. Ang hirap i-explain ng feeling.
"Nay, alis na po ako." Paalam ko kay nanay.
"Ang aga mo naman 'nak, sige mag-ingat ka ha"
"Opo, sige nay" at tuluyan na akong umalis
Sumakay na ako ng tricycle papuntang school.
"Manong, diyan lang po sa PU" sabi ko sa driver
Eto na. Nasa harap na ako ng gate ng Princeton University. Lord, gabayan niyo po ako throughout the day. Pinagpapawisan ako ng malamig. Sobrang kinakabahan ako sa magiging kapalaran ko dito. Wala pang gaanong pumapasok dahil maaga pa. Pero mapapansin na halos lahat ng pumapasok ay nakakotse. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang papasok ng gate.
Dumiretso agad ako sa bulletin board para tingnan kung ano ang section ko. Di ko agad nakita ang section ko kasi dun ako tumitingin sa mga lower sections. Pagka-tingin ko sa star sections.
Section A
Aguilar, Elaine C.
WTF? Bakit dun pa? Oo, syempre malaking karangalan na dun ang section ko pero sigurado akong puro sosyalera mga classmate ko dun. Anyway, wala na naman akong magagawa.
Dumiretso na agad ako sa library kasi may trabaho pa ako dun. Yun kasi ang kapalit ng pagiging scholar ko dito.
Pwede akong utus-utusan ng mga teachers pero syempre kailangan kong ma-maintain ang grades ko.
Haaay. Bakit kasi nag-transfer pa ako. 3rd year high school na ako kaya mahirap mag-adjust sa bagong school lalo na at transferee ako.
Syempre panibagong pakisamahan na naman sa mga classmates. New set of friends. New sets of teachers. etc.
Gamit ang binigay saking school map, hinanap ko kung nasaan ang room ko. Super lawak pala nitong school na to. Baka maligaw pa ako.
May dalawang malaking building sa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung nasaan dito ang room ko.
Naisipan kong magtanong-tanong.
Lumapit ako sa isang grupo ng babae.
"Uhm., excuse me, pwede pong magtanong?" kinakabahang tanong ko sa kanila.
"Nagtatanong ka na nga diba? So what is it?" Mataray na sagot sakin nung isang babae.
"Uhm, saan pong building yung III-A?" Nakita ko silang nagbulungan bago tumuon sakin.
"Star section ka pala? Di kasi halata" Sabat naman nung isa pang babae.
"Don't mind her. Yun lang ba, girl? Ganito listen to me very carefully. Nakikita mo ba yung eskinitang yun? Go straight over there. Then, turn left. Diretsuhin mo yun tapos kumanan ka. And you will find there what you're looking for." Mahabang paliwanag niya sakin.
Sinunod ko yung sinabi niya pero para atang mas lalo akong naligaw. Di ko na ala kung nasaan ako.
Nakarating ako sa isang abandonandong building. Pumasok ako sa loob. Pinagti-tripan lang yata ako ng mga yun eh.
Dire-diretso lang ako hanggang sa di ko alam na napatapak ako sa isang malaking tipak ng basag na salamin. Nadulas ako at hinihintay ko ang pagbagsak ko sa sahig pero bumagsak ako sa bisig ng isang lalaki.
And after that, everything turned black.