Andrea's POV
*i need you girl wae honja saranghago honjasoman ibyeolhae i need you girl wae dachil geol almyeonseo jakku nigga piryeohae*
(A/N: I Need You by BTS)
Shemay na alarm clock naman to oo -,-
After 5 minutes
*i need you girl wae honja saranghago honjasoman ibyeolhae i need you girl wae dachil geol almyeonseo jakku nigga piryeohae*
After 5 minutes
*crash*
putspa bibili na naman ako ng bagong
alarm clock.. pero anong oras na ba?
.....
.....
.....
.....
.....6:30?????!!!
Waaahhhh!!! 30 minutes nalang at malalate na kami ni ate sigurado pumuputok na yun sa galit /(x.x)\
After 5 minutes
naligo agad ako at di na nag abalang tingnan ang sarili ko sa salamin. Ganun pa din naman, panget pa din T^T
"Mommy di na po ko kakain baka po galit na si ate eh saka malelate na din po kami bye!!!!" sabi ko habang pababa ng hagdan
"Okay baby take care"
paglabas ko ng bahay paalis na si ate huhu iiwan na niya ko lung di pa ko nakarating
"Waaahhhh ate wait parang awa mo na intayin mo ko ayokong maglakad papuntang school" pagmamakaawa ko kay ate Ashly
"Hayy nako louisse dalian mo na at malelate na tayo" aniya
"Opo na ate" hayy nako yung buhok ko gulo gulo na naman at antok pa ko huhu buti nalang friday ngayon, pero bakit di sumabay si kuya? maaga siguro nagising. Okay magpapakilala muna ako.
My name is Andrea Louisse Mendez, pero Louisse ang tawag sakin ng family ko. 15 years of age, and im studying at Crystal Academy. Meron akong dalawang kapatid,si Kuya Sebastian Timothy Mendez at, si ate Ashly Lovelle Mendez. Pare pareho lang kami ng school since may college din sa CEA, si Kuya 2nd Year College, si ate 4th year highschool at ako 3rd year hs
Crystal East Academy
Pagkababa namin ng sasakyan kung ano anong panlalait sakin ang mga naririnig ko sa mga schoolmates namin, oh well di ko naman sila masisi. Isa akong nerd, magulo at buhaghag na buhok, maluwag wag na uniform, mahabang palda, braces, and a big eyeglasses. Btw, one week na ang nakalipas ng magstart ang class at one week na rin na nilalait ako nila Anne, siya yung promotor ng girl fights sa school. Pwro nagtitiis nalang ako, umiiwas nalang siguro ako sa gulo.
"Guys!! Tingnan niyo, she looks so eew and mabantot and look girls! her hair looks like a birds nest, di siya nababagay sa C.A" sabi ni Anne na siyang nagpatigil samin ni ate. Aba ako na naman ang nakita niya -,-
"True she smells like a trash" pag sang ayon naman nung bruhildang si Lorraine
"Ano ba kayo girls baka naman umiyak na yan stop it na" sabi naman nung impaktang si Rachelle at saka sila nagtawanan
Silang tatlo ang kontrabida sa school na to, di sila makukuntento hanggat hindi ka nila malalait.
"You know ang bibig malapit sa ilong so uso ang toothpaste and toothbrush." sabi ko sa kanila, aba nerd ako pero may attitude ako, itsura lang naman ang pinagkaiba namin eh. At di ako mag papaapi sa mga mukhang pogita na yan ah.
"Anong karapatan mo para pagsalitaan ng ganyan ang isang dyosa na may magandang mukha na tulad ko?" maarteng sabi ni rachelle with matching turo sa mukha pa.Actually magaganda naman sila kaso nga lang mga retokada, idagdag mo pa yung mga makakapal na make up sa mukha nila kaya ang resulta mukha silang coloring book
"Excuse me lang ah, edi ikaw na ang maganda kami na ang dyosa" sabi naman ni ate Ash sabay flip ng hair niya
"FYI, matatanggap ko pa kung ikaw dyosa pero yang kapatid mo? mas bagay siyang katulong lalo na pag dumidikit siya sayo" sabay smirk naman ni Lorraine
"Ehem, eh ikaw nga halos lamunin na ng plastic surgery yang mukha mo eh, saka tingnan mo yang dibdib mo mas malaki pa sa utak mo and excuse me lang ah, sa lahat ata ng dyosa ikaw lang ang may masamang ugali at isa pa asan ang mukha eh coloring book ang nakikita ko?" Finally tumahimik ka ring mangkukulam ka. Tumalikod na ako ng biglang may sumigaw sa likod ko.
"Hey you freak!" pagkaharap ko sa sumigaw biglang may humablot sa buhok ko
Ashly's POV
Biglang sumigaw si Anne at sinabunutan si Louisse kaya dumami ang nakikiusyosong di man lang tumutulong kaloka! Ano to movie?
"Hoy mga chismosang itlog! Kung inaawat niyo kaya kami dito at hindi yung nanonood lang kayo diyan!" sigaw ko sa kanila at nag unahan silang inaawat si Louisse at yung tatlong impakta
*piiiiiiiiiiiiiiiiitt* malakas na pito ng kung sino man na nagpalingon sa amin
Si kuyang guard at si Ms. dela Costa hala shett >_<¦¦¦
Andrea' s POV
"Sino ba yung pumito mahahatak ko na yung buhok ni Rachelle eh -,-" sabi ko sa sarili ko
Pagkaharap ko di ako makapaniwala sa nasa harap ko.............
O.O Si manong guard kasama si Principal dela Costa
"What happened here?! The five of you! Go to my office!! RIGHT NOW!" Galit na sabi sabay turo ni Principal samin
Paktay ╯﹏╰
YOU ARE READING
The Love Deal
Teen FictionLove is not just a game. Hindi pwede na kalimutan mo nalang na mahal mo siya kapag narealize mo na nahulog ka na.