CLARK JOHN SARMIENTO
Kilala niyo naman siguro ang gwapo ako diba? Syempre kailangan niyo ko makilala, dahil sa gwapo ako. Marunong ako magmahal, tulad nalang nito. " Hi Denise. " kinawayan ko siya saka sinundan. Tinigan naman niya ko ng masama. " Get lost, i don't talk to stranger. Shoo. " sinabunutan muna niya ako bago ako siya umalis sa harapan ko.
Siya ang good example dito. Tignan niyo kahit na sadista yan. Mahal na mahal ko yan. Kaso sa sobrang sadista, naging matigas na yata pati puso. Puntangina naman kasi, dalawang taon ko na siyang pinepesta, hindi manlang niya sabihin na kung bakit ko siya ginaganto. Hays. Siguro para sakanya peste lang ako. " Maxx. Uy, diba nagtitinda yung mama mo ng bulaklak? " tanong ko kay Maxx. Palinga-linga ako sa bintana ng class room. Sheyt gusto ko mabwisit si Denise babes ko para naman maging buo ang araw ko. " Oo bakit? " tanong nito saka uminom ng sprite sa tabi niya.
" Bibili a---"
" No, thanks. Kung kay Denise mo ibibigay na galing sayo. Hwag na lang, sayang ang bulaklak namin. Tinanim pa yun ng nanay ko ng ilang buwan tapos ibibigay mo sa bruhitang si Denise. No dude sa iba na lang. " sabi nito saka umunot at tumingin sakin na para bang winawarningan ako. " Chill brad, alam mo naman na gusto ko magpapansin sakanya diba? Eh putangina. Bulag eh, kung saan-saan nakatingin. Kaya gusto ko bigyan ng bulaklak! Oh hep hep! Alam ko! Tubuan mo! Kahit magkano! " sabi ko saka tinaas yung dalawa kong kamay.
" The cheap one, or expensive one? " tanong niya habang hinawakan ang kanyang baba. " Expensiv---"
" 7,450 dahil sabi mo. Tubuan ko. Sooo. Ano 8,500? Ay kung kay Denise ay 9,270 perp sadista si Denise so baka mga 10,200 " agad naman ako napapoker face sakin. Punyeta tong Rebound na to. Putek. Grabe magtubo amputa, broken hearted kay Gwen. " KAHAPON KA PA! Tangina naman nito. Wala ka bang puso dito?! Alam natin na parehas tayong torpe dito! Kaya pagbigyan mo na ko! Diba dapat nagtutulungan tayo dito! " nakakainis kasi tong kupal na to. Hindi manlang ako tulungan.
Actually gusto kong ligawan si Denise. For pete's sake. Pero andami niyang manliligaw! Sabihin na nating sadista siya. Kaso...iba siya magsadista sa iba. Putangina pabebe siya magsadista, ang totoo kasi niyan. Si Denise ay player achuchu. Kung baga innocent player. Hays. Ewan ko ba, ginagawa niyang trophy ang mga lalaki, kumbaga palihim niya ito ginagawa. Haaays. Tignan mo nga naman diba? Hays. Kakaritiro lang naman dyan ni Pareng Julius eh.
***
" Hi Denise! " sabi ko saka kalabit sa likod niya. Agad naman nanlaki yung mata niya. Sobra yata siyang nagulat kaya nasampal niya ko. " I'll take that as Hello. " sabi ko saka umupo sa tabi niya. Recess na. Buti nalang at first period din ang break nila. Mahal talaga ako ni Lord. " No. Ginawa ko talaga yun. Kaya shupe. " sabi nito saka tinapakan yung paa ko. Haaaay. Mahal ko talaga to.
Napatingin lang ako sa harapan namin at nakakita nanaman kong lalaking nakangiti sakanya. Para bang nakapuso yung mata niya. " Another trophy. " sabi ko saka umalis nalang sa table nila. Pumunta na lang ako sa table nila Maxx na badtrip ang mukha ko. " Bakit ba kasi ang torpe natin? " bungad ko sa kanila saka kinuha yung kinakain ni Dennis na hamburger. Napatango nalang silang lahat. Take note sabay-sabay pa sila. Nakatulala lang sila. Pati si Julius. " Bakit ba hindi natin masabi sa taong mahal natin na gusto natin sila? Ha? Mahirap ba yun? " kinagat ko ng pagalit yung hamburger. At isa nanamang dahan-dahang tango ang ginawa niya.
" Si Gwen asan? "
" Clinic, masakit ulo. "
" Lyziel "
" Walang pagbabago. Manhid"
" Ma'am Grace "
" Still teaching. 4-D "
BINABASA MO ANG
Torpe Problems 101
Short StorySila Maxx, Julius, Clark at Dennis Ay ang tropang trope at sawi. Sabihin na nating gwapo sila, pero may mga babae silang pilit na hinahabol na hindi sila kayang mapansin. Matapos kaya ang walang sawang katorpehang nilang apat? o patuloy lang silan...