Chapter 7

23 63 0
                                    

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan ng pagtakbo mo." May diin kong sabi sa kanya.

Bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Takot, pangamba, at may pag-aalinlangan siyang tumingin sa akin. Kapansin pansin rin ang panginginig nang kanyang nanlalamig na mga kamay.

"Pakiusap. Tulungan mo ako.." Sabi niya habang hinahabol parin ang kanyang paghinga. "Matagal niya na akong sinusundan at naghihintay ng pagkakataon na pa-patayin ako." Pagpapatuloy niya.

Napaatras ako bigla mula sa kinatatayuan ko. Tila ba parang kidlat na tumama sa akin ang mga kataga na aking narinig. Hindi maaari 'to. Kailangan niyang bumalik sa realidad. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili upang hindi siya mag-alala sa naging reaksyon ko tungkol sa sinabi niya. Lumuhod ako sa harapan niya at tiningnan siya ng diretso sa mata.

"Makinig kang mabuti sa akin.." Sabi ko at hinawakan ang magkabila niyang braso. Tumingin din siya sa akin.

"I am willing to help you pero kailangan mo ring tulungan ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang tugon.

"Now, simple lang naman ang gagawin natin. You will just close your eyes for five seconds and when you hear me say done, saka mo lang imumulat ang mata mo. Alright?" Kahit hindi pa masyado malinaw sa kanya ang mga sinasabi ko, tumango nalang siya at pinikit ang kanyang mata. Minulat niya rin ito pagkatapos kong bumilang ng limang segundo.

"Anong nakikita mo?" Agad kong tanong.

"I-ikaw." Mabilis niyang tugon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang kanyang sinabi.

"Sa huling pagkakataon, hinihingi ko ang full trust mo. Naiintindihan mo? Sa akin kalang maniniwala. Remember that." Sabi ko na sinang-ayunan niya naman. Inalalayan ko siyang tumayo at lumakad patungo sa dorm niya.

Medyo nag-alinlangan pa siyang bumalik pero sumama parin siya. Pagkarating d'on, tinanong ko siya kung saan niya nakita ang taong humahabol sa kanya. Tinuro niya ang bintana.

"Tatanungin kita, may bagay ka bang kinatatakutan?" Tanong ko.

"Grade school ako nung sumakay kami ng mga kaibigan ko sa ferriswheel. I thought, that would be an exciting experience.. but it turned out to be the most terrible moment in my life. Muntik na kaming mahulog mula duon. Simula noon, nakaramdam na ako ng sobrang pagkatakot everytime na napupunta ako sa matataas na lugar."

"Halika, samahan mo ako sa may bintana." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"H-hindi. Ayoko.." Sabi niya at matigas na tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya.

"Sinabi mo sa akin na ibibigay mo ang full trust mo, ngayon kung di natin 'to gagawin, wala na akong ibang paraan pa para matulungan ka. Ito lang ang tanging naiisip ko upang ma-overcome mo ang takot mo. Please.. just this one.." Mahinahon na saad ko. Di nagtagal, sumang-ayon na rin siya sa nais kong mangyari.

"Ito na ang huli nating gagawin. Ipipikit mo lang ang iyong mata at susundin ang lahat ng sasabihin ko, okay?" Pagkatapos kong sabihin iyon, pinikit niya ang kanyang mata at sinunod ang sinabi ko.

"Bibilang ako ng lima tapos imumulat mo ang iyong mata." Sabi ko at nagsimula ng bumilang.

"Isa." Sabi ko at dumistansya ng kaunti.

"Dalawa." Sunod kong bilang.

"Okay ka pa ba?" Tanong ko. Nakita ko siyang tumango.

"Tatlo." Sabi ko at binitawan na siya. Medyo umatras siya ng kaunti mula sa kinatatayuan niya.

"Huwag kang matakot nasa likod mo lang ako." Sabi ko. Nang makita kong kalmado na siya, nagsimula na ulit akong bumilang.

"Apat." Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga galaw niya.

"N-nandiyan ka pa ba?" May panginginig sa tono na tanong niya. Hindi ako nagsalita. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. If he open his eyes without my signal, hindi ko na alam kung paano ko pa siya matutulungan.

"N-natatakot na ako. I can feel his presence now." Bakas ang takot sa kanyang pagsasalita. Tumingin ako sa wall clock. Magsasalita na sana ako nang makita ko ang nakaitim na lalaki sa harap ng building. He's looking at us.

Ngunit sa isang kisap mata, nawala siya.

"Done!" Sigaw ko. Minulat niya ang kanyang mata at lumingon sa akin.

"A-akala ko, iniwan mo na ako bro." Sabi niya at bahagyang ngumiti.

"Sinabi ko naman sayo na hindi kita iiwan, diba?"

"Salamat." Sabi niya at lumapit sa akin.

"Kung hindi ko pa minulat ang aking mata kanina hindi ko sana magagawang humarap sa bintana." Sabi niya na pinagtaka ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Sinabi mong imulat ko na ang aking mata bago mo sabihin ang signal diba?" Nagtataka niyang tanong.

"S-saan mo narinig?" Nagulat siya nang marinig niya ang sinabi ko. Kahit ako man ay naguguluhan din sa mga sinasabi niya. As far as I know, hindi ako nagsalita during the time na tinetest ko siya.

"M-may bumulong sa akin kanina lang. A-ang sabi niya, pwede ko namang buksan ang mata ko." Ani niya. "Ang sabi niya pa, wala namang masamang mangyayari sa akin kung gagawin ko 'yun." Pagpapatuloy niya pa. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang umatras.

"Huwag mong sabihing hindi ikaw yun? Ikaw lang naman ang kasama ko dito." Sabi niya habang patuloy paring umaatras. Napansin kong malapit na siya sa may bintana. Kaunting galaw nalang niya, mahuhulog na siya. May tamang sukat lang ang bintana ngunit hindi malabo na mahulog ka mula dito.

"Calm. Walang mangyayaring masama sayo if you will stay calm. Please, huwag ka ng gumalaw." Pakiusap ko sa kanya. Sa halip na kumalma, biglang nagbago ang pinta nang kanyang mukha. Napalitan ito ng takot at pag-aalala.

"Darating na siya paano pa ako kakalma?!" Sigaw niya.

"Sinabi ko sayong sa akin ka lang magtitiwala. Pero anong ginawa mo? Minulat mo agad ang mata mo nang hindi ko pa sinasabi. Pero huwag kang mag-alala. As a promise, tutulungan parin kita. Okay?" Huminahon naman siya nang marinig niya ang sinabi ko. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Don't worry, We'll make this together." Sabi ko at ngumiti. Hahawakan niya na sana ang kamay ko nang biglang may humila sa kanya palayo sa akin.

"T-tulungan mo ako.." Nanginginig niyang sabi. Nakita ko ang tumutulong luha mula sa kanyang mata. Sinubukan ko siyang abutin sa abot na aking makakaya. Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit huli na nang makarating ako.

Nahulog siya mula sa bintana..

Unti-unti akong lumapit duon at tiningnan siya mula dito. I saw him. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ulit siya. He was standing beside his dead body while looking at me. Napahawak ako bigla sa ulo ko at napaupo mula sa kinatatayuan ko.

"Ugh!" Sambit ko. Kakaibang pakiramdam ang aking nararanasan sa mga oras na ito. Dumoble pa ang sakit na aking nararamdaman kumpara noon na pagkahilo lang..

Para akong unti-unting pinapatay dahil sa mga bumabalik na alaala na gusto ko nang kalimutan..

Mga kaibigan ko..

Sa Resort..

Ang lalaking nakaitim..

Hindi nagtagal, nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa baba. Kahit na nawawala na ako sa wisyo, gising pa rin ang aking diwa upang marinig ang pagbukas ng pinto. Kahit na nanlalabo na ang aking paningin at kaunti na lang, mawawalan na ako ng ulirat, nakita ko ang mga tao sa harapan ko.

They were looking at me as if I was some kind of criminal. Hindi ko namalayan na inaalalayan na pala ako ng mga kaibigan ko papunta sa dorm namin. They tried to ask me pero hindi ko magawang sumagot. Nahihilo ako at hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Then everything went black.

Do you believe?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon