"Oy! Ayos ka lang? "
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Bryan. Isa sa mga ka-close ko sa Klase. Bale dalawa sila, si Lance at Siya.
Sa lahat ng mga kaklase ko, sila lang yung nakakasalamuha ko nang matino. Hahaha.
Nasa canteen nga pala kaming dalawa ngayon at kumakain. Bakit kami lang dalawa?
Kasi ililibre niya daw ako dahil birthday niya...
Teka..
Nasan ang konek dun?
"Psh. Bakit ba kasi tayong dalawa lang? Duh? Dapat sinama mo din si Lance! ." Sabi ko sa kanya tsaka kumain nung binili niyang redvelvet icecream cake dito sa canteen.
"Tsk. Ano ka ba naman, minsan lang kitang masolo tapos ganyan ka pa sa akin. Ouch ah." Sabi niya na ikinatigil ko naman sa pagnguya.
"Gago! Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan ganyan mo Bry. Dahil kung hindi.. nakuuu ~ " sabi ko sa kanya at pinagtuloy yung pagkain ko sa nilibre niya.
Narinig ko namang natawa siya sa sinabi ko. Psh. Baliw talaga -_- .
"Alam mo Lia, bawas bawasan mo nga minsan yang pagkamanhid mo. Kaya wala ka pang boypren dshil diyan sa ugali mo." Sabi niya saka kumain nung inorder niyang chocolate cake (slice) kasama nung nilibre niyang icecream cake .
"Tsk. I don't need guys who doesn't care. Waste lang sa time ang mga lalaking tulad mo -_-." Sabi ko sa kanya at doon na siya tumawa.
Wag kayong mag-alala, ganito talaga kami magbarahan sa isa't isa. Ayos kasi kausap yang taong yan.. yun nga lang, napapansin ko na sa akin lang yan masyadong nagkukuwento at hindi sa mga boys na mga kaklase ko.
Naiisip ko nga minsan kung bakla ba 'tong gagong 'to pero napakaimposible kung mangyari man yun..
"Hahahaha. Wag mo namang lahatin Oy! Grabe ka ah. May past ka ata noh?" Sabi niya na ikinakunot naman ng noo ko.
Past?
Tsk. Masamang ala-ala -_- .
"Loko -_- . Ubusin na nga lang natin 'to. Pasalamat ka wala si maam kaya hindi cutting itong pinaggagawa mo -_- . " sabi ko sa kanya. Loko eh. Hinila ako paalis nung malamang absent si maam tapos dinala niya ako sa Canteen at pinaupo niya ako sa bakanteng table at nagorder naman siya..
Lokoloko diba?
"Oo na. " sabi niya at nagpatuloy lang kami sa pagkain tapos nagbarahan ng nagbarahan at nagtawanan na din .. joker din kasi ang lokong 'to.
Nang matapos na kaming kumain ay umalis na kami at nauna akong lumabas sa Canteen.
Napansin ko namang nasa likod lang yung loko at di sumasabay sa akin maglakad kaya tinignan ko siya at sinamaan ng tingin..
Loko 'to ah. Pinagnanasaan ata ako sa utak ng gunggong na 'to -__- .
"Oh?" Painosente niyang sabi sa akin.
At dahil may kutob ako kaya lumapit ako sa kanya saka ko pinikot yung tenga niya -___- .
"A-ARAY LIA! O-OY! Wag mo nga akong pingutin—ARAAAY!" sabi niya.
-_____- ..
"GAGO KA! " Sabi ko saka binitawan yung pagkakapingot ko sa kanya.
Pinagtitinginan naman kami nung mga ibang students dito. Psh.
BINABASA MO ANG
The Story [COMPLETED]
Short StoryThis is only a One shot story ~ hehe Enjoy the story and PLEASE ! NO TO PLAGIARISM !! THANK YOU ~