Call Center Love

13 0 0
                                    

Ako nga pala si Hannah. 20 years old, isa sa mga pinaka-bata sa office. 

2 buwan pa lang ako sa office nagtatrabaho, ang trabaho ko? Call center agent.

Nahirapan ako mag-adjust sa simula pero ngayon, okay na ko sa trabaho ko. Akala ko madali lang pala maging call center agent. Di ko alam na sobrang hirap pala.

Pangatlong araw ko pa lang ng pagsagot ng mga tawag nung sinabi ng boss ko na may nagkaka-crush daw sakin. Hindi ko lang pinansin dahil iniisip ko na baka niloloko lang niya ko at wala din naman talaga akong balak pang mag-boyfriend ng mga panahong yun. Lumipas ang ilang araw nang malaman ko kung sino. Yung trainer pala sa kabilang department yung tinutukoy niya. Hindi ako kinilig nang malaman ko, normal lang. Balita ko kasi may anak na daw 'yun, pero hindi naman kasal at hiwalay na sila nung babae. Pero kahit na. Ayokong magboyfriend lalo na sa may anak na.

Lumipas ang mga linggo na lagi kaming inaasar, pinilit pa kami ng ibang magpicture ng magkasama. Lagi ko pa siyang nasasabihan ng "po" dahil syempre boss pa din namin siya, at yun naman yung ayaw niya. Dumating na lang bigla sa point na hindi niya na ko pinapansin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung naturn-off ba siya o kung may nagawa o nasabi akong hindi maganda. Dun ako nagsimulang maging interesado sa kanya.

Pagkatapos ng isang buwan, bigla siyang nagmessage sakin. Kung pwede daw ba niya kong makasabay magyosi. Dahil nga naging interesado na ko sa kanya, pumayag ako. Yosi lang naman. Wala namang masama dun diba? Yung unang yosi namin, nasundan ng lunch at marami pang yosi breaks ng magkasama. Sa bawat araw na nakakasama ko siya, mas nakikilala ko siya, at mas naiinlove ako sa kanya. 

Oo, naging kami. Pero hindi lahat ng love story, may happy ending. Bumalik ang ex niya. Oo, yung ex niyang may anak sila. At ako? Iniwan ng parang wala lang. Ano nga bang laban ko? May anak sila, may pinagsamahan. Eh ako? Hanggang lunch break at yosi break lang naman ako. Tatlong buwan na kaming hiwalay. Nakikita ko pa din siya araw-araw pero hindi na kami nagpapansinan. Masama ang loob ko sa kanya pero masasabi kong siya ang pinaka-minahal ko sa lahat ng naging boyfriend ko.

Hindi man naging happy ending ang love story namin, masaya pa din akong naging parte siya ng buhay ko. Marami akong natutunan sa kanya na magagamit ko sa future relationships ko. Salamat, "Light".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Center LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon