"Though lovers be lost, love shall not; And death shall have no dominion."
- D. Thomas
Neisha Ralene
"Neisha! Parating na yung crush mo oh." sabi ni Felicity - best friend kong malapit nang mapunta sa mental sa sobrang baliw sa crush niyang best friend din ng crush ko.
Oo, sinadya niya 'yon. Para "best friend goals" daw kami. Sinong hindi mapapairap doon, 'di ba?
"Ayun siya Neisha oh! Kasama niya si Tristan!" sabay turo niya doon sa paparating na dalawang lalaki sa hallway ng school namin.
Malapit na ata 'tong mabaliw eh. Naloloka na nga ako kasi minsan hindi ko napapatahimik ang bunganga nito. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante rito, hindi pa rin siya tumitigil sa kakapuri sa crush niyang si Tristan.
"Hoy! Ano ka ba? Napaghahalataan na tayo oh!" sabi ko sabay takip sa bibig niya na hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil sa kakatalak.
Hinawi niya ang kamay ko sabay hampas sa braso ko.
"Aray!" Hinimas ko ang braso kasi humapdi bigla sa sobrang lakas ng pagkahampas niya.
"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon iniiwasan mo pa rin na malaman ng ibang estudyante ang pagkagusto mo dyan kay Nathan. Kahit na sobrang halata na." Inirapan pa ako ni Felicity. Lintik na babaeng 'to. Hell, I would rather die than show everyone my true feelings. I couldn't afford someone pitying me because of how bad I was hurting for a fact that he doesn't like me back.
"Kalat na kalat kaya rito na gusto mo siya." dagdag pa niya.
Totoo iyon, kalat na kalat talaga sa eskwelahang ito na gusto ko si Nathan. Malamang, nakikita nila akong lagi siyang tinutulungan sa lahat ng bagay. He was the only person that could lower my pride. I didn't even care about myself anymore, as long as I get to spend a little time with him. Even if it means I'll struggle.
"Okay na 'yon! Para alam niyang gusto ko siya." Tumawa pa ako kahit sa kaloob-looban ko, para akong binibiyak. Syempre, sino hindi masasaktan kung binabalewala ka ng taong matagal mo nang gusto.
But I'll never regret him, even if he doesn't feel the same because I'm never going to meet anyone who makes me feel the way he does. People don't get this lucky more than once in the same lifetime.
"Sa tingin ko, kailangan mo nang itigil yang pagkagusto mo sa kanya." Pagkatapos sabihin ni Felicity iyon, napabaling ako sa kanya.
"Minsan naaawa na ako sayo. Sunud-sunuran ka sa lahat ng gusto niya." Hindi makatingin sa 'kin si Felicity nang sabihin niya iyon. I feel like she doesn't want me to see how sorry she is with this whole situation I'm in. Dahil ang totoo, minsan ako ang gumagawa ng mga requirements niya sa school.
Siguro nga tanga ako pagdating sa mga ganito pero hindi naman ako tanga pagdating sa eskwelahan. It feels like all my sense and wisdom are thrown out the window when it comes to him.
"Alam mo, nagmumukha ka ng tanga sa kakahanga mo sa kanya. Dapat pala hindi na kita pinilit na magkagusto sa kanya." sabi ni Felicity.
Hindi ko naman talaga siya nagustuhan sa simula. Kaso lang, itong si Felicity, pinlit akong magkagusto sa kanya. Para nga "best friend goals" kami. Hindi nagtagal at nadala naman ako sa kakaasar niya at ayun, natuluyan.
BINABASA MO ANG
before i die
Short Story𝗼𝗻𝗲 𝘀𝗵𝗼𝘁 | 𝗯𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝗱𝘂𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 #𝟭 A girl longing to be loved. © April 2016