Chapter 1 Olympus

1.2K 32 9
                                    

SOWK
Chapter 1 Oplympus

I'm Glaiza Galura. 18 years old. And uhhmm. . . Wala na akong ibang maisip pa na sasabihin. I'm packing all my things now kasi bukas na ako lilipat sa dorm ng university. Unlike other universities, kailangan lahat ng students ay nakadorm sa loob ng campus.  Dahil hindi ito ordinaryong university. It's a training ground para makapasok kami sa League of Zeus. Isa itong grupo na naghahandle ng iba't ibang critical cases. Dito napupunta lahat ng mga graduates ng university. At yun ang pangarap ko. Ang makagraduate sa Olympus University. Ang maging isang ganap na Olympian. Pero sa ngayon kailangan ko na munang matulog dahil maaga pa ako bukas. Parents ko ang namumuno sa university pero walang special treatment dun. Hahahaha

Hey there! Rhian Ramos po at your service! Hahaha joke lang. Hahahaa. Kunwari chill lang pero ang totoo kinakabahan na ako. Kasi hindi ko alam kung ano ba ang meron dito sa university na ito at kung bakit ako nandito. Parang nung nakaraang linggo lang may pumunta sa bahay namin tapos kinausap parents ko and BOOM! magtatransfer na daw ako dito.
"Hi girl! Sa palagay mo. Saang team ka mapupunta?" Tanong sa akin ng isang babae.
"Huh?" Anong team ang pinagsasabi nito? May liga ba dito?
"So i guess you don't have any background about this university. By the way i'm Kylie." Sabay abot nya ng kamay nya.
"Rhian. So bakit tayo nandito and bat parang  may exam agad?" Nakakabobo dito. Swear!
"Every year naghahanap ang school na ito ng 18 years old student na nageexcel. Hindi lamang sa academics kundi sa ibat ibang larangan na pwedeng magamit para sa League of Zeus."
"Anong League of Zeus? Parang Justice League? Mga Syper Heroes?" Mukang masaya to magiging instant super hero na ako. Whooohhhh!
"Parang ganoon na nga pero parang hindi. Hahahahaha. Magulo ba? Maiintindihan mo din yun. Soon."
"Bakit isa isang pumapasok dun sa pintong yun yung mga students? Anong meron dun?"
"Dun tinetest ang abilities ng bawat students para malaman kung saang team sila mapupunta. May tatlong team dito. Athena's Unit. Ares' Camp. At Hephaestus' Cabin."
"So base ito sa Greek Mythology ah. Athena the goddess of wisdom. Ares the god of war and Hephaestus the god of metal working. So may connection din ba yun sa pag-group sa atin?"
"Yep! So sa palagay mo saan ka mapupunta?"
"I don't know. How about you?" Pwede bang umuwi na lang ako? Hahahahaha
"Sa Ares' Camp ko gusto. Sya kaya san sya mapupunta?" Sabi nya na nakatingin sa malayo.
"Sino?" Sinundan ko naman ang tingin niya.
"Si Glaiza Galura. Yung may dalang gitara. Anak sya ng namamahala dito sa university. Halos nag eexcel sya sa tatlong team na yun. Kaya napapaisip ako kung saan sya mapupunta."
Wow ha. Talagang nag eexcel sya sa lahat? Sabagay. Mukang seryoso naman kasi syang tao. Mukang competetive din. Pero infer sa kanya. Malakas ang appeal nya. Mostly kasi pag nag eexcel sa madaming bagay eh medyo sa appeal nadehado. Hahahahaha joke. Pero medyo totoo hahahaha.

I know maikli lang itong simula.. I don't know kung may magbabasa eh. Hahahaha. Pero tuloy ko pa din. Gusto ko lang na makapag publish na agad ngayon. Sa mga may idea na mas makakaganda. Pwedeng magmessagge. Salamat ulit!

-blank_pages026

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere Only We KnowWhere stories live. Discover now