" Sinong kasama mo sa bagong taon."
" Sila mama at si papa. Pupunta kami ng park at magpipicnic. Excited na ako! Ikaw ba? " Ito ang mga linyang naririnig ko sa mga tao ngayon. Sobrang saya nilang nagkwekwentuhan para sa paparating na bagong taon.
Bakit ba kasi sinicelebrate ang bagong taon? Bagong taon ng kalungkutan at pighati. Bagong taon ng pagdurusa. Bagong taon ng mga panghuhusga. Nakakapagod na. Napapagod na akong mabuhay ulit para sa bagong taon. Kasalukuyan akong naglalakad lakad sa parke habang pinagmamasdan ang bawat bulaklak. Ang parkeing ito ay nagpapaalala ng magandang bahagi ng aking buhay . Iyong mga sandali na kasama ko si Mama habang nagtatanim kami ng rosas.
Tandang tanda ko pa ang mga sandali habang nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang pagsisisi na nabuhay ako at kasama niya ako. Noong mga panahong buhay pa siya at humihinga. Mga panahong sinasabi niya na huwag kong pababayaan ang sarili ko.
" Anak, alam mo ba ang mga halaman mas nagiging maganda ang tubo kapag kinakausap? " saad ni Mama na tila ang kanyang mapungay na mga mata ay punong puno ng kagandahan at kagalakan ng mga sandaling dinidiligan niya ang mga pulang rosas.
" Hala! Bakit naman po dapat kausapin iyang mga iyan? Di ba po, parang baliw ako kapag ganoon?" tugon ko na punong puno ng pagtatanong sa aking mga mata. Batid ko pa noon ang aking pagiging inosente at pagiging batang walang alam. Natawa si Mama nang sinabi ko iyon. Sa pagtawa niya, namutawi sa kanyang labi at mga mata ang kasiyahan na hindi kayang ipagbili ng anumang halaga.
" Anak, may buhay ang bawat nakikita mo. At kung sakaling mawala ako, may buhay parin. Palagi kitang titignan sa malayo kaya kantahan mo ako kapag nawala na ako. Kantahan mo ako ng mga kantang paborito ko. Kantahan mo ako...." Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin sapagkat tuluyang umagos ang masaganang luha galing sa mga mata niyang unti unting pumipikit. Unti unting nanlalabo ang kanyang paningin na dala ng nakamamatay na karamdaman. Unti unting naglalaho ang kanyang ekstensiyal na kalakasan. Unti unting nababalutan ng kadiliman ang kanyang paningin. " Anak... Lagi lang akong nasa tabi mo. Magkikita rin tayo sa kabilang buhay. Pangako iyan. "
Nagliparan ang mga talulot ng roras na tila ba sumasabay ito sa hangin. Nililipad ang isang kaluluwang tuluyan nang lilisan. Humawak na lamang ako sa kanyang lumalamig na kamay. Batid ng mura kong edad na ang lahat ng bagay ay masaya ngunit nagkamali pala ako. Matatapos rin ang lahat ng kasiyahan kapag napunta ka sa realidad ng buhay. Pitong taong gulang lamang ako noon at walang muwang sa pagkamatay ng aking ina. Hindi ko mabilang kung ilang luha ang naibigay ko habang inalala ang mga sandaling iyon. Hindi ko maramdaman kung gaanong sakit ang idinulot ng kanyang pagkawala. Namatay ako kasabay ng pagkamatay niya.
***
Nabalik ako sa aking ulirat ng may luhang dumadaloy sa aking pisngi. Bumabalik-tanaw na naman ako sa aking nakaraang na hindi na maibabalik pa ng panahon. Alam kong isa akong tanga upang hindi pa makalimot sa mga memoryang kay tagal kong pinanghahawakan. Humiga na lamang ako sa luntiang damuhan at dinama ang paligid. Kay tagal na panahon na hindi naging payapa ang aking loob. Kay tagal na. Pinikit ko ang pagod kong mga mata na tila nasisiyahan sa pagpikit nito. Sinasaad na kay daming masamang nakikita ngunit nakahanap ng panahon upang takpan at mamahinga sa problema. Dinama ko ang lamig ng paligid dahil sa simoy ng hanging dumadampi sa aking pisngi. Hindi ko namalayang na lumalim ang aking pagka- antok. Dala na rin siguro ito ng lagnat na kahapon pang hindi bumababa. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan at tuluyan nang nawalan ng malay.
Nagising na lamang ako sa isang silid kung saan punong puno ng kulay puting kulay at may kurtinang nakaharang sa kama. Hindi ako maaring magkamali ito ang klinika ni Doktor Ramirez. Lagi akong nagkakasakit kaya lagi akong dinadala ng mga kakilala ko o kung sinumang makikita akong nakandusay sa daan. Dumadalas na kasi ang kawalan ko ng malay kay naman lagging nasa speed dial ko si Doktor Ramirez. Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na nag- uusap. Si Doktora at ang kinikilala kong amain. Mali pala, kahit kailan hindi siya naging ama sa akin. Gusto mo bang malaman ang aking sikreto? Ang nakakakilabot na karanasan na dahilan upang masira ang aking buhay? Ang panggagahasa sa akin ng aking amain. Stepfather ko siya at siya ang taong bumaboy sa pagkatao ko. Ilang ulit niyang inalapastangan ang aking katawan at walang habas na pinapalo kapag hindi ako pumapayag. Dinadama ko lang noon ang bawat sakit at pait ng aking buhay. Pait na siyang unti unting pumapatay sa kung sino ako. Wala akong kalaban-laban sa kanyang laki at lakas, ni wala akong kakayahan upang gumanti sa kanya. Ang tangi ko lang nagawa ay walang humpay na umiyak at isipin na hindi na maibabalik ang aking pagkababae. Ilang buwan narin akong hindi umuuwi ng bahay at nakatira sa isang paupahang barong barong sa loob ng isang eskinita. Iyon ang tanging lugar kung saan ako maaring mapag-isa at walang sinumang hayop ang mang-aalipusta.
YOU ARE READING
Bagong Buhay sa Kabilang Buhay
HorrorProud po akong sabihing ito ang aking akdang ginawa na mula sa puso ko na tumitibok-tibok pa hahaha XD * grabs my internal heart balik ulit sa loob * Nakamit po ng kwentong ito ang 2nd place sa patimpalak na nilikha ng CSHS Publishing. Proud po ak...