Para sa Mga Umaasa

12.4K 286 31
                                    


Kailangan kita pero di ko pinapakita


Mahal kita pero di ko pinaparamdam


Pano ko ba naman kasi ipapakita kung iba naman ang kailangan mo?



Pano ko ba ipaparamdam kung hindi naman ako ang gusto mo?



Kailangan kita,Pero di ako ang kailangan mo



Mahal kita pero di ako ang gusto mo



Sino nga ba naman ako?


Isang hamak lang na kaibigan mo



Na naghihintay,Teka.

May hinihintay pa ba ako?



Na umaasang sana mahalin mo rin ako.

Hanggang kelan ba ako aasa?



Na sana magkaroon ng ikaw at ako

Na alam kong imposibleng mangyari



Na sana tayo na lang

Sana nga...


Kailan ba mawawalan ng sana sa bokabularyo ko?

Immune na yata ako



Mahirap pa lang maging tanga?



Kase umaasa ako kahit alam kong inposible



Kase masyado akong naga assume sa bawat akto mo



Kase masyado akong naniniwala..


Na balang araw,Magiging tayo


Sabi nila wala daw akong karapatang magselos.


Sabi nila wala daw akong karapatang magalit.


Eh ano bang alam ko?Nagmahal lang naman ako.

Sa taong di naman ako magawang mahalin


Kailangan ba talaga may karapatan ako?

Kailangan ba may ikaw at ako?

Kailangan ba ng tayo?

Required ba yun?

Pero sana hayaan mo muna ako na mahalin ka

Para pag hindi ko na kaya..

Ihihinto ko na.

©maxinesofia

Hugot 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon