1: To Bid Goodbye

160 15 10
                                    

To Bid Goodbye

"Will you be my girl?" Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

Matagal ko na itong hinihintay pero bakit iba ang nararamdaman ko? Mahal ko siya pero nang nakita ko siya na may kasamang iba, parang naging baliktad ang nararamdaman ko.

"I'm sorry. . ." Tumakbo ako papunta sa malayo. Gusto ko mapag-isa. Iniisip ko na 'yun lang ang nasabi ko sa kanya.

Nasaktan ko siya pero mas nasaktan niya ako. Minsan, kailangan mo mapag-isa para malaman mo ang sarili mong kakayahan at kahinaan. Wala ka namang magagawa kung nasaktan ka dahil iyon ang nararamdaman mo. Mas pinili mo pa maging mag-isa kaysa saktan ang dalawang tao.

Nakarating agad ako sa dagat. Doon ko pinagpatuloy ang pagbuhos ng luha ko, kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan. Tinignan ko ang lumulubog na araw. Niyakap ko ang aking tuhod habang nakatingin sa kawalan.

Pinagtitinginan ako ng mga tao dito pero hindi ko sila pinapansin.

Sa likuran ng babaeng nasa harapan niyo, isa lang akong mahina. Ang babae na masaya na nakikita niyo sa harapan ay siyang kabaliktaran sa likod.

"Keith!" Nagulat ako sa nagsalita mula sa likod. Lumingon ako sa kanya at mas dumami ang luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Bakit niya ako sinusundan?

Pinanghina ako sa nakita ko, umiiyak siya at namumula ang ilong. Hindi niya dapat ako iniiyakan. Lahat naman ng nangyari sa buhay mo ay hindi mo naman ginusto.

Hindi ko siya pinansin. Pinilit kong tumayo para magaimula tumakbo pero hinablot niya ang braso ko. Nakita ko sa mata niya ang lungkot at pagtataka.

"Ano ba ang problema?" Mahinahon niyang tanong pero may halong lambing. Umiling lang ako sa kanya at umiwas ng tingin.

Nahihirapan akong maghanap ng tamang salita. Minsan isang mali mo lang, masisira na ang lahat.

"Kung lolokohin mo lang ako, nagmamakaawa ako sa'yo na itigil mo na 'to." Sabi ko sa kanya. Nanatili lang akong kalamado ngunit may bakas ng lungkot at galit sa mukha ko.

"What are you talking about? Kung may problema tayo, sabihin mo at aayusin natin." Naguguluhan niyang tanong sa akin.

Binigyan niya ako ng panyo pero hindi ko ito tinanggap.

"Nakita kita na may kasamang iba. Alam ko na wala akong karapatan na magalit pero kung ibang tao ako, alam kong mali 'yon." Malamig kong sagot sa kanya.

Kung mahal ka ng isang tao, bakit ka niya lolokohin?

"Hindi kita niloloko. Alam ko sa sarili ko 'yan. Keith. . .we can talk about this. . ." Mahinahon niyang sambit sa akin.

"Bigyan mo muna ako ng katahimikan. Alam ko na hindi ito maaayos ngayon." Sabi ko sa kanya at tumalikod. Nagpasalamat na lang ako at hindi niya ako sinundo. Madali naman siyang kausap.

Nakarating agad ako sa bahay. Mabuti na lang dahil alam kong si mama at si papa ay nasa ibang bansa para sa business nila.

"Ano sinagot mo na ba si Drake-" Napahinto na lang si ate Shaina sa pagsasalita nang nakita niya ako. Agad niya naman akong nilapitan at niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik at bumuhos ulit ang mga luha ko.

"Ano ba ang nangyari sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong. Binigyan niya akong ng tubig at ininom ko naman agad niya iyon.

"Hindi ko siya sinagot kaya tama na 'yang pagtanong mo." Tumayo na ako at iniwan siya doon na parang hindi makapaniwala.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon