3: The Engagement

20 1 0
                                    

"Saan po tayo Miss Ayla?" Tanong ni manong Berto. Napasinghap na lang ako.

"Sa hotel na lang ni daddy," sagot ko kay manong at bored na tinignan ang mga naglalakihang billboard sa EDSA.

Kauuwi ko lang galing America dito sa Pilipinas. Hindi naman talaga ako uuwi pero nakakaiinis na talaga si daddy. Siya kasi ang nagdedesisyon sa buhay ko.

Sinunod ko ang utos niya noon na manahin ang business niya. Pinalampas ko rin ang pag-ignore niya sa akin noong nag-graduate ako ng highschool at hinayaan ko rin na ipatapon niya ako sa America para mag-college kahit na may mga tao akong naiwan dito sa Pilipinas.

"Okay po. . ." Tahimik na ang biyahe. Tanging radyo na lang ng kotse ang naririnig ko.

Ang rason talaga kung bakit ako umuwi ay dahil nakita ko sa office niya sa America na engage na ako. So wala talaga siyang balak sabihin sa akin 'yon? Hindi man lang siya nagtanong. Pinagbenta niya ang sarili niyang anak para mas maging makapangyarihan.

Ilang minuto ay dumating na rin kami sa hotel ni daddy. Kunot noo akong lumabas sa kotse at dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang mga employee na bumabati sa akin.

Habang nakasakay ako sa elevator ay may pumasok din na taong nakaitim na damit, shades, mask at cap.

Ano ba naman 'yan? Hinayaan nilang magpapasok ng mga kahina-hinalang tao dito. Ang weird niya. Sigurado akong lalaki siya base sa katawan niya.

Lumabas na agad ako sa elevator pagkarating sa floor ng office ni daddy. Kailangan ko siyang harapin. Kailangang mahinto ang arrange marriage na 'yan. Hindi naman sa bata pa ako pero may isang tao pa akong hinihintay kahit masaklap ang mga nakaraan.

Sa labas pa lang ng kanyang office, naririnig ko na ang sigaw niya.

"You moron employee!" Lumabas ang isang umiiyak na empliyado bago ako pumasok. Lalo tuloy akong naiinis. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

"Dad." Bungad ko sa kanya habang seryosong nakatitig sa sandamakmak na papeles sa lamesa niya.

Parang nabuhusan naman siya ng malamig na tubig nang makita ako. I just rolled my eyes.

"A-ayla. W-what are you doing here dear?" Kinakabahan niyang tanong. Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang pagbalik ko dito.

"Nandito ako para ipahinto ang arrange marriage. Nakita ko 'yon daddy sa office mo sa U.S., iyon ba ang way para pasalamatan mo ako sa lahat ng mga commandments mo?" Kinabahan na naman siya bigla. I gave him a sarcastic smile.

"You saw it? Someday you'll thank me for that," sabi niya at binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Pasalamatan? Eh binebenta mo ako na parang aso!" Hindi ko na napigilan sumigaw. Nararamdaman ko na rin na umiinit na ang gilid ng mga mata ko.

"Para naman sa'yo ang ginawa ko anak. Hindi kita ipinagbenta. Anak kita kaya labag sa kalooban ko iyon. Malalaman mo rin ang dahilan ko kapag dumating na ang tamang panahon," mahabang explanation niya at tsaka nagwalk out.

Napaupo na lang ako sa upuan na makita ko. Ugh, I hate this life! Hindi naman ako ganito dati. Nagbago lang naman ako since may mga hindi magandang nangyari noon.

Medyo nagtagal pa ako sa office ni daddy at umalis na. Pagod na rin ako dahil wala akong tulog after ng flight. Gutom na rin ako kaya pupunta na lang ako sa isang fine restaurant. Pagtapos mag park ni manong Berto ay bumaba na ako sa sasakyan at dumiretso sa loob ng isang high class na restaurant.
Mabilis akong umorder para makakain na.

Tinitignan ko ang mga tao sa paligid ko habang naghihintay ng order. Ang tagal naman. 30 minutes na akong naghihintay. Ilang saglit ay dumating ang isang waiter na walang dalang order.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon