Paikot-ikot lang ako sa park.. patingin-tingin ng mga souvenirs kahit wala nman akong balak bumili.. pumunta na lng ako sa fave spot ko sa park dun sa may "bench" sa fountain side .. kaso may naka-upo na guy kaya dun na lng ako sa katabing upuan..
Dun ko lng naramdaman na ang sakit na pla ng paa ko, halos nanginginig na.. a few minutes biglang tumahimik ang paligid almost water na lng sa fountain ung naririnig ko.. ang awkward ng feeling parang nawala lahat ng tao, wala na akong nakikitang naglalakad, mga 1 or 2 na lng ..
Nang biglang umulan! aah! kainis wala akong dalang payong, basang-basa na ko! tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilong sa may puno. nakita ko ung guy na nakaupo sa bench, nandun padin sya, basang-basa na siya pero di padin siya tumatayo.
Gusto ko siyang lapitan para kasing nakakaawa siyang tignan, nakatungo lang siya at parang may sinusulat. kanina un bago pa bumuhos ang ulan. I cant help it . baka makonsenya pa ko pag may nangyari s kanya although di ko nman sya kilala.
" ah.. ayos ka lng? naulan na oh? bka.. gusto mong sumilong..? bigla akong gininaw! >_<
Ndi siya gumagalaw, ano ba toh? tulog o patay na? waah.. ayaw, katakot! i dont want to think it that way.. nasa likod lang niya ko the whole time.. aalis na sana ako nang..
" ayos lang ako.." nagsalita narin sya..
" gusto mong sumilong?" tanong ko..
Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. biglang bumilos pagtibok ng puso ko. nakaramdam ata ako ng takot.. kahit ata sa buhay natatakot ako.. haist ..
pumunta nako sa may playground dun lang kasi ung natatandaan kong may waiting shed. 10 minutes nakong nasa waiting shed, inaasahang hihinto ang ulan pero MAS lumakas!
Giniginaw na'ko, feeling ko lalagnatin pa ata ako.. biglang may humintong sasakyan sa harap ko nung una wala akong pakialam, alam ko namang hindi un sila Kyla dahil kilala ko ang sasakyan nya. nsa harap ko lang ung kotse ng biglang bumukas ung pinto, sumilip-silip ako sa loob at may naaninag akong lalaki, nakatungo lang siya at mukang basa dahil sa pagtulo ng tubig sa buhok niya.. lumapit ako kahit malakas parin ang ulan..
" may problema po-o ba-a ? " giniginaw na talaga ako!
**silence**
" sumakay ka na.. " ano daw?
"sumakay ka na, wala ka nang ibang masasakyan, papunta sa sakayan." mahina lang ang boses niya but i can hear it clearly.
"ah wag na po ayos lang " mamaya kung ano pang mangyari..
" bahala ka" payamot niyang sinabi..
Sinarado ko na ung pinto ng kotse.. nag-stay pa siya for a few seconds ng maalala ko ung guy na nasa bench, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinigilan ko ung kotse at sasakay na lng ako..
"ah .. sorry huh, pero .. pwede pa bang sumabay?"
"sakay na.." nakayuko parin siya.. pero sumakay na'ko grabe 'tong ulan na'to parang bagyo na ata..
Sinarado ko na ung pinto at nagsimula na siyang umandar.. medyo inangat na niya ung mukha niya para makita ung daan pero di ko masyadong maaninag mukha niya dahil narin sa tinted ung car.. halfway na palabas na kami ng park, wala pa ring kibuan. nanginginig nako sa ginaw bukas din kasi ung aircon ng car niya.. ang lamig na pero di ko siya nakikitang linalamig, habang nagdadrive may kinuha siya sa backseat, towel, binigay niya sakin pero nakatingin parin siya sa daan at hindi kumibo.
"ah.. salamat?" sabi ko
"ahm.. I just wanna ask if.. ikaw ung guy na nasa bench kanina?"
gusto ko lang malaman but im kinda sure na siya un, bigla siyang nagbreak na halos dumausdos na kami sa harapan. nagsorry siya but he didnt answer my question..
