Jan 11, 2014
Pasado alas nuebe na ata ako nagising kaninang umaga at tulad ng dati ay papungas-pungas pa ako ng kunin ko ang cellphone ko na nakalagay sa may bintana. Ngunit bago ko gamitin yun ay inuna ko munang isinuot ang salamin ko na may grado na 100 kabilaan. Pag nagpasaway daw kasi ako ay baka maduling ako. Yun ang sabi ng Optometrist na nagcheck up sa akin. Kung saan-saan na naman napunta ang kwentuhan natin na to. Ayun na nga. Nagwattpad at FB pa ako kaya di agad ako nakaligo. Okay okay after ko kumain ay naligo na ako. Di naman agad-agad syempre uminom muna ako ng tubig at naghugas ng plato bago ako nagpasyang maligo. Loreal na shampoo. Dove na conditioner. Safeguard na sabon. Aba! Guava un. Hahaha.
Nagpunta kami ng SM North. Walang katapusang lakad bago naming mapagpasyahang kumain muna. Nagtalo pa kami kung saan kami kakain hanggang sa napagkaisahan na BonChon ang kainin. Umorder si Itay ng noodle soup. Nagkakahalaga ito ng Php115. May matabang sotanghon, beef, tofu at kung anu-ano pa. Masarap naman kaya lang nalinlang kami ng larawan. Mukha kasing madami e. Natapos tuloy kami kumain na luhaan.
Sa ngayon ay nakahiga ako sa kama. Tihaya, tagilid o minsan naman ay nakadapa. Napagod kasi ang mga paa ko kakalakad e. Gamit ang mobile ay nagwattpad ako. Nagulat ako na may nag-add ng kabalbalan kong ito sa RL niya. Salamat. Nagulat talaga ako kay pretty_pink_03
Dito nalang muna. Inaantok na kasi ako. Hahaha. Sa susunod nalang. Hahaha.
Ingat kayo. :)