One Shot

5 0 0
                                    

Sa story naten, andaming extra.

Mahal kita kahit bestfriend lang dapat tayo.

Pero dumating siya sa buhay mo.

Kinalimutan kita. Pinilit ko..

Di ko din kinaya.

Bumalik ako sa pagkakagusto sayo.

Naging okay tayo. Pero ang alam mo, wala na  akong gusto sayo.

Nasanay ako na ganon. Hanggang sa dumating sya.

Niligawan nya ako.

Mayroon ka na din girlfriend noon.

Sinagot ko sya. Kasabay ng pakikipaghiwalay mo sa girlfriend mo.

Nakipaghiwalay ka daw dahil saken.

Pero wala eh. Huli ka na. Kame na kasi.

What if di ko siya sinagot? Magiging tayo kaya?

What if narealize mo agad na mahal mo pala ako at hindi sya? Magiging tayo kaya?

What if nakuntento ako na maging bestfriend mo at naghintay? Magiging tayo kaya?

What if ikaw ang pinili ko imbis na siya? Magiging tayo kaya?

-----------------

"Ang ganda nya talaga." Sabi ng bestfriend ko. Si Adrian.

Totoo naman eh. Ang ganda ni Marianna. Mahinhin, maputi, maganda, matalino. San ka pa diba?

Ganyan din naman ako eh. Ganyan din ako. Pero bakit di niya makita yun? Hayy.

"Ligawan mo na kase. Ang torpe mo naman kase eh!" Asar ko sakanya.

Sus. Kunware lang na pinu-push ko pa syang ligawan si Marianna. Kunware gusto ko sya para kay Adrian. Kunware masaya ako. Kunware wala lang 'to.

"Ako kaseng bahala! Chill ka lang." Mayabang na pagkakasagot nya sakin.

Hindi naman ito ang unang beses na chineer ko sya sa nililigawan nya. Daming beses na din.

Sa tuwing may liligawan sya andito ako para tulungan sya. Masokista ako eh.

Di ko nga alam kung bakit madalas eh busted sya. Gwapo naman sya at masaya kasama. Corny nga lang. Pero isa un sa nagustuhan ko sakanya.

Lumipas ang ilang linggo, naging sila na. Hahahaha. Ang saya.

Nakakatuwang isipin na naging malapit pa saken si Marianna kahit ang totoo ay inggit na inggit ako sakanya.

Bakit kase hindi nalang ako.

Pero sa mga nakaraang linggo din na iyon, may nakilala ako.

Nakilala ko siya.

Ang taong nagpasaya saken. Ang taong matagal na palang may gusto saken.

Noon palang sana napansin ko na sya, kundi lang ako lagi nakatingin kay Adrian, noon pa man sana masaya na ako.

Siya si Adam. Kabatch ko pero this year naging kaklase ko.

Niligawan nya ako. Alam yun ni Adrian. Ayos lang naman sakanya kase okay naman sya kay Marianna.

Dumalang ang pagkakausap namen. Ayos lang. Mukha namang masaya sya eh. Mukhang masaya sila ng girlfriend nya.

Pero nagkamali ako. Dumating sa punto na nagkahiwalay sila.

Nakausap ko pa noon si Marianna pero kailanman ay di ko nalaman ang rason ng paghihiwalay nila.

Nalaman ko nalang noong sinabi saken ng isa pa naming kaibigan.

"Alam mo sana si Adrian nalang saka ikaw."

Sabi sa akin ng kaibigan ko. Alam nya na gusto ko si Adrian. Noon.

Si Adam na ang mahal ko. Si Adam lang.

Humaba pa ng humaba ang naging usapan namen hanggang sa madulas sya. Nasabi nya na ako ang dahilan ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit nagbreak si Marianna at adrian. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Marianna.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Masaya ba o malungkot?

Masaya dahil sa wakas mahal na din nya ako.

O malungkot dahil may iba na ako?

Wrong timing naman oh, oh.

Bakit kasi ngayon lang. Bakit kasi di nya naramdaman noon pa na mahal niya ako.

Lagi nalang.

Pang ilan na ba ito? Laging ganito.

Tulad noon, may niligawan sya pero alam nyang gusto ko sya.

Alam nya dahil umamin ako eh. At di lang isang beses na nireject nya ako. Wala eh. Ganun talaga.

Nagkagusto din sya noon sa iba. Kay Dennie. Chineer ko din sya doon kaso busted.

Dumating naman noon si Ranier. Crush ko sya, oo. Pero hanggang dun lang.

Niligawan ako ni Ranier. Pero ayaw ni Adrian. Hindi ko alam kung bakit pero wala din sya nagawa.

Pero noong sinabihan ako ng Prof namen na wag nalang daw si Ranier dahil basag ulo, nagdalawang isip ako. At lalo pa ako naguluhan dahil sinabi nya sa akin na balak daw ako ligawan ni Adrian.

Si Adrian nalang daw. Matalino, gwapo, mabait, magalang.

Balak ako ligawan ni Adrian. Naghihintay lang daw sya ng tamang panahon.

Tsk. Letcheng Tamang Panahon na yan.

What if sinubukan nya agad?

What if sinabi ko sakanya na pinatigil ko na si Ranier?

What if di niya nakilala noon si Marianna?

What if di dumating si Ranier ng mas maaga sakanya?

Magiging kami kaya?

Pero ayun nga. Hindi naging kami dahil nakilala nya si Marianna.

Matapos ko malaman ang dahilan ng hiwalayan nila, nagdalawang isip ako.

Adrian o Adam?

Pero sa huli, sa sigurado ako pumunta

Pinili ko ang lalakeng gusto ako at wala ng iba. Pinili ko ang lalakeng naglakas loob na ligawan ako kahit alam na baka di ko maibigay ang lahat sakanya. Pinili ko ang lalaking sa tingin ko ay tama para sa akin.

Pinili ko si Adam..

Pero mali parin pala eh

Iniwan nya din ako makalipas lang ang isang taon.

Ang nakakatuwa pa doon, di na napag usapan pa ang sa amin ni adrian.

Basta nalang nalaman ko at nabasa ko ang usapan nila ng kaibigan ko.

Di siya nag explain, di niya ipinaglaban ang nararamdaman nya.

What if sinubukan nya?

What if di sya nagparaya?

What if sya ang pinili ko?

Magiging kami kaya?

What if (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon