Bangungot (One Shot)

319 4 6
                                    

Tulong!

Isang malamig na boses ang aking narinig, pero, hindi ko alam kung saan ito nanggaling. Nandito ako sa isang madilim na lugar, parang isang kwarto, isang silid. Meron itong mga bungo, kalansay, at mga hayop na naipreserve. Parang nasa isang Science laboratory ako.

Tulong! Tulungan mo ako.

Muli kong narinig ang boses, parang boses ng isang babae. Habang naglalakad ako sa silid, may naamoy akong nakasusulasok na amoy, parang patay na daga, amoy bangkay. Sinundan ko ang amoy, napakabaho nito.

Nang may nakita akong isang maliit na pinto sa gilid ng silid, may nakalagay na "Do Not Enter, Authorized Personel Only". Parang dito nanggagaling ang amoy.

Binuksan ko ang pinto at mas lumakas ang amoy.

Ang baho talaga nito, nang pumasok ako sa pinto, nakarating na naman ako sa isang silid. Para itong operating room ng isang ospital.

Tulong! Tulungan mo ako, maawa ka.

Muli kong narinig ang boses ng babae. Ang lamig ng boses niya. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad sa loob ng silid ng may nakita ako.

Isang babaeng hubo't hubad ang nakahilata sa sahig. Duguan ito at inuuod na ang kanyang katawan. Parang matagal na siyang nandito. Ang dami niyang sugat.

"Miss? Anong nangyare sayo?"

"Tulong, tulungan mo ako, ilabas mo ako rito."

"Sandali lang, hahanap ako ng tulong."

"Huwag mo akong iwan, BELLE!"

"Teka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Belle, ilabas mo ako rito parang awa mo na."

Tumingin ang babae sa akin, nanlilisik ang mga mata nito. Hinawi niya ang kanyang buhok, at nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nanalaki ang aking mga mata sa aking nakita.

Nagsitayuan ang mga buhok sa aking balat.

AKO ANG BABAENG NASA LOOB NG SILID!

"Aaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!"

Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

At Nagising ako sa masamang panaginip, Bangungot.

Tumutulo ang pawis galing sa aking noo.

Agad akong nagdasal at bumaba para maghilamos at mag almusal.

Nakita ko ang mama na umiiyak, nakayuko ito sa mesa, kinausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin.

'Ma? Anong nangyare?"

Hindi siya kumikibo.

"Ma? Ano ba ang nangyare? Bat ka umiiyak?"

Tumayo ang mama at lumabas ng bahay.

"Bakit ang daming tao? At nakaitim pa silang lahat"

Sinundan ko si mama, at pumunta siya sa gilid ng bahay kung saan may kabaong.

"Bakit may lamay? Sino ang namatay?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad para puntahan ang kabaong.

"HINDI!!!!!!!!!"

"NANAGINIP LANG AKO. "

Dumadaloy ang luha sa mga mata ko.

hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

.

AKO ANG BABAENG NASA KABAONG.

[alarm: riiiiiiiiinnnnnnnggggggggg]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bangungot (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon