Sobra akong masaya noong sinagot ko siya. Noong una takot na takot ako dahil FIRST time ko makaranas nang ganitong damdamin sa kapwa kong lalake.
Naalala ko nga noong unang nagsimba kami sa Quiapo Church. Sobrang dami nang taong nagsisimba pala doon.
"Hawakan mo ang aking kamay para di ka mawala" ang sabi niya
Hinawakan ko nga ang kanyang kamay at nakipagsiksikan kami sa maraming tao para lang makapasok kami sa loob nang simbahan.
Napangiti ako nang sinabi niyang
"Kapag ganitong maraming tao. Hawakan mo lang aking kamay. Di kita bibitawan"
Natapos ang misa nang lumabas kami ng simbahan. Di kami makadaan dahil maraming sumasalubong sa amin para pumasok sa loob nang simbahan para sa susunod na misa.
Parang ganoon din ang nangyayari sa amin habang patagal nang patagal ang relasyon namen. Maraming sumasalubong na problema sa amin.
Isa sa problema namen noon ang pagaaral ko dahil siya ay nagtratrabaho na. Matanda siya sa akin nang limang taon. Lagi siyang busy. Minsan di siya nakakapagtext o tumawag man lang lagi niyang dinadahilan tambak siya nang trabaho. Pero inintindi ko siya. Sa awa nang diyos nalampasan namen yun. Lagi din kami nang sisimba sa Quiapo Church tuwing Linggo.
Ang nakakatuwa pa ay Legal kami sa pamilya namen. Tanggap kami. Naalala ko nung ipinakilala ako sa pamilya niya. Reunion pala nila nun.
Natuwa sila sa amin sabi nila bagay na bagay kami dahil pareho kaming gwapo hahaha.
Sobra kong saya noon. Pero natapos din yung saya ko noong birthday ko. Sabi niya sa akin ay lalabas kami at magdidinner sa paborito namen restaurant. At sabi niya susunduin niya ako sa school pag awas ko.
Naghintay ako nang matagal pero walang dumating. Nagtext at tumawag ako pero walang sagot. Pero naghintay pa din ako. Inabot na ako ng sikat nang araw. Suot ko pa ang uniporme ko. Buti nalang at sabado noon.
Naramdaman ko nalang na may humalik sa labi ko. Di ko napansin na nakatulog na pala ako sa harap nang gate nang school. Iminulat ko ang aking mata nakita ko sa mata niya ang pag-aalala sa akin nawala lahat nang inis ko sakanya.
"Sorry pinaghintay kita" ang alalang sabi nito.
Ngumiti lang ako at hinalikan ko siya sa labi. Umuwi kami sa bahay nila. At doon na ako natulog at magkayakap kaming matulog. Pagkagising namen tsaka ko nalang siya tatanugin.
Nang magising kami ay bumungad sa akin ang maamong mukha niya.
"Bat ka pala di dumating kagabi. Alam mo pa pinapak ako nang lamok doon." ang tampo kong sabi dito.
"Pinag-overtime ako. Di din kita matext o matawagan dahil naiwan ko yung cellphone ko sa locker room. Wag kana magtampo. Babawi ako sayo ngayon" ang nakakalokong sabi nito. Alam ko na ang ibig sabihin nang ngiti na yun.
Umabot kami nang 5 taon. Nakapagtapos na din ako nang pagaaral at magkasama pa kami sa trabaho. Pareho kami naka assign sa Front Office Department. Syempre bawal mag-usap sa oras ng trabaho.
Madalas kami magkausap sa locker room at sabay din kami minsan magbreak kaya sabay kami pumupunta sa Helix. Yun ang tawag sa canteen namen sa loob nang hotel na pintratrabahuhan namen. Marami din nakakapansin sa amin na malapit kami sa isat isa. Walang nakakaalam na magkarelasyin kami. Hinayaan nalang namen sila na magisip kung ano ba talaga kami. Natatawa nalang kami sa mga katrabaho namen.

BINABASA MO ANG
BETWEEN THE TWO OF US
Historia CortaFirst time ko gumawa nang short story. Sana magustuhan niyo........ Salamat po.