Chapter 1: Our First Anniversary
Farfalla Eireen Fuente’s POV
“Babe, saan ka na? Kanina pa kasi ako dito eh. Ang lamig pa naman din” Mahinahon ang pagkakasabi ko sakanya sa telepono kahit pikon na pikon na ako.
Punyeta naman kasi eh! Ako na ang nag-eeffort ako pa ang nababalewala. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya kung hindi baka ngayon pinagmumura ko na siya.
“A-ah e. Kasi babe, baka hindi na ako makapunta. Kasama ko kasi ang barkada e. Next time nalang. Happy monthsary. I love you” sabi niya sabay end ng call.
How nice BYUN BAEKHYUN. Tarantado kang lalaki ka. Sila nanaman kasama mo. Sila nanaman. Paano na ako? Paano na tayo? Lagi kang walang time sa sakin pero sa kanila pero. Tang ina naman eh! Naiiyak ako. Gago ka Baekhyun. Gago ka!
Gusto ko siyang sigawan, pero paano? E hindi nga ako sinapot. Gusto ko siyang sumbatan, para saan pa kung hindi naman niya nakikita ginagawa ko.
Sira ulo kasi yun e. Nagii-snow ngayon ditto sa Korea tapos nasa park pa ako ngayon. Nagmumukhang tanga kasi may romantic set up. May mga candles, may red carpet pa at kung anu-ano pa pero ito ako ngayon mag-isa. Huta naman!
“Tangna mo talaga, BYUN BAEKHYUN! MAMATAY KA NA!” sabi ko pero sa isip ko lang syempre. Baka sabihin pa ng mga tao rito e baliw na ako.
Kesa mabalewala ang effort ko, tatawagan ko nalang ang mga friends ko. Kami nalang ang mag-cecelebrate total ang walang hiya kung boyfriend wala.
[“what?”] Mahinahong sagot ni Faye sa kabilang linya. Tulog na siya sigurado. Late na rin kasi e. By the way, cousin slash bestfriend ko siya. Nanay ko saka tatay niya magkapatid kaya pareho kaming half-korean at half pinoy.
“mmm~ punta kayo dito, fren. Sama mo sina Farrah. Sige na puhleash?” Sabi ko. Pilit kong pinipigilan lang luha ko kasi pag nalaman niyang umiiyak ako lagot nanaman si Baekhyun nito.
[“Saan, cousin? Sa bahay niyo? O diyan sa park kasi hindi ka nanaman sinipot ng walanghiya mong boyfriend na lagging kasama ang mga kaibigan niya?!” ] Tumaas ang boses ni Faye. Nakakapangilabot. Ito nanaman kasi siya eh. Masyadong over protective.
“oo e. Hindi nanaman siya sumipot gaya rin ng dati” Iyan ang gusto kong sabihin pero alam ko pag-sinabo ko yan masisira nanaman pangalan ni Baekhyun sakanila. Ayoko naman nun.
“Hindi. Sumipot naman siya. Kaso agad lang din umalis kasi may emergency daw sa bahay nila saka kinukulit na daw siya ng mga kaibigan niya kaya ang pagkain namin dito hindi naman nagalaw” Matamlay na sabi ko. Sa t’wing naiisip ko na lagging walang time sakin si Baekhyun parang may tumutusok sa puso ko. Parang sa priorities niya ako ang last. Lagi nalang syang walang time pagdating sa sakin.
[ “Talaga lang, huh? O baka naman pinagtatakpan mo nanaman yang boyfriend mong BAEKLA!” ]
“YAH! HINDI SIYA BAKLA, OKAY? KUNG AYAW NIYONG PUMUNTA EDI WAG!” Ibababa ko n asana kaso nagsalita siya
[ “Ito naman hindi mabiro. Papunta na kami. Expected na kasi na tatawag ka nanaman at pakakainin mo nanaman kami. Anyways, malapit na kami. Babush” ] She said then pinatay na.
I sighed habang nilalayo ang cellphone sa tenga ko. Now, I’m looking at my phone’s wallpaper. Picture namin. Ilang beses na ba niya akong pina-asa, pina-iyak, ginalit at pinagtampo? Hindi ko na din alam kung ilan pero hanggang ngayon siya pa rin ang dahilan kung bakit ako masaya kahit nahihirapan na. Mahal ko kasi siya e. Ayaw ko siyang bitawan kahit nahihirapan na ako. Ayoko siyang bitawan kahit nasasaktan na ako kasi alam ko pagnawala na siya sa kapit ko alam kong mas doble ang mararamdaman ko. Hindi ko pa kaya ng wala siya.
“GAGO KA KASI BYUN BAEKHYUN!” Bulong ko sa sarili ko habang may mga piraso na ng mga luha ang nag-uunahan pababa sa mga pisngi ko.
“EIREEEEEEEEEEEEEEEEEENNNNNNN~” Sigaw ni Farrah mula sa malayo habang kumakaway siya. Agad agad ko namang pinunasan ang luha ko baka magalit nanaman sila kay Baekhyun e.
Kumayaw din ako tapos lumakad na sila palapit sa sakin.
“Ang ganda naman dito. Ikaw ba nag-ayos nito, Ei? (Bigkas diyan is Ey)” Tanong ni Janine. Este ate Janine. Ate ko silang lahat but I don’t feel like calling them unnie or ate. Napaka old school ng dating.
“Hindi! Malamang yung MAY KWENTA NIYONG BOYFRIEND” sarkastikong pagkakasabi ni Ate Faye. Ito nanaman siya. Galit nanaman siya kay Baekhyun.
“Shut up, Faye! Mahiya ka naman sa girlfriend” Sabi ni ate Janine. Si atae Janine ang pinaka maintindihan sa kanila. Si Ate Faye kasi magagalitin at napaka init ng ulo. Si Ate Farrah naman ang pinaka isip bata.
Antrip ko bakit ina ate ko sila?
“Bakit ba, Janine! E totoo naman diba? Lagi nalang ganito. Hindi pa ba kayo nag-sasawa? Lalo na ikaw, Eireen? Hindi ka pa ba nag-sasawa sa ganitong set up ng relasyon niyo? Ikaw nalang ang humahwak sa kamay niya, Eireen. Ikaw nalang. Hindi mo ba nahahalata bumibitaw na siya. Bumibitaw nga ba o binitawan ka na niya noon pa?” Noong matuon ang pansin sa akin ni Faye napayuko nalang ako. May point siya pero ayoko siyang bitawan kahit alam kong nahihirapan na din ako.
“Eireen, tara uwi na tayo? Sa bahay nalang natin kainin yang pagkain na hinanda mo. Pinaligpit ko nay an kay Manong Tulome. Susunod na daw siya sa kotse mamaya” Lumapit siya Janine sakin. Hinawi ang buhok ko at sinilip ang mukha ko. Ngayon ko lang narealize na umiiyak nap ala ako.
Tanghuna naman! Bakit ako umiiyak?!
Sumunod nalang ako kay Janine at umuwi na kami sa bahay namin. Doon daw sila matutulog.
*Sa bahay*
Nakahiga na kaming lahat. Magkakatabi kami sa malaki kong kama. Tulog na sila pero ako gising pa rin. Simula noong dumating kami ditto hindi na nila inopen yung usapan kanina sa park. Siguro naiintindihan na nila ako. Nag mamahal lang ako dito.
Naniniwala ako sa pagmamahal ni Baekhyun at panghahawakan ko yun habang buhay
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a BAEKLA
Fanfiction"May mas sasakit pa ba pag-nalaman mong ang boyfriend mo ay BAEKLA pala?" -Farfalla Eireen Fuente Sundan niyo nalang daw po ang buhay niya, ayaw niyang magkwento.