Chapter One

16 1 0
                                    

"Huhuhu!Ang sakiiiiit.Mommy!Daddy!Tulungan niyo po akoooo.Huhuhu"Sunod sunod kong sabi habang umaagos na parang ilog ang aking mga luha.

"Bata?Okay ka lang ba?Halika dito.Tutulungan kita."Bigla akong napalingon sa bata na nagsalita.Akala ko nung una ay babae siya dahil sa kanyang boses.

"Mukha ba akong okay?Huhuhu ang aking mommy at daddy ang kailangan ko ngayon.Huhuhu"Sagot ko agad sa batang lalaki na nasa harapan ko ngayon.

"Pero wala naman sila dito ngayon bata.Sumama ka nalang muna sakin at gagamutin natin yang sugat mo sa tuhod" nakangiting tugon ng batang lalaki

"Sabi sakin ng mommy ko,wag daw ako makikipag-usap sa taong hindi ko kilala.Baka magalit sakin si mommy kapag sumama ako sa'yo *pout*"Sadyang sinabi yun sakin ni mommy kasi gusto niyang lagi akong safe kahit anong mangyari.

"Wag ka mag-alala bata.Hindi naman kita sasaktan eh.Andito lang ako para tumulong sa'yo at makipag kaibigan."Batid kong seryoso ang sinabi ng batang lalaki pero hindi pa rin nawawala ang kanyang mga ngiti sa labi.

"Sige na nga bata,ako nga pala si Jessie.Jes nalang for short.Ikaw?Anong pangalan mo?"Nakangiti kong tanong dito.Agad naman siyang ngumiti pabalik at tiningnan ang inabot kong kamay sa kanya.

"Ako nga pala si Charles Keven.Kev nalang for short"Saka niya tinanggap ang kamay ko at nakipag shake hands sa akin.

Simula ng araw na iyon,palagi kaming naglalaro sa park ni Kev.Mas naging close kami sa isa't isa at nagturingan na kaming magbestfriend.Ni isang beses ay hindi kami nagaaway kasi magkasundo kami sa lahat ng bagay.Isang araw,nakita ko siyang nagiisa sa park.Pumunta agad ako sa likod niya at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang aking dalawang kamay.

"Hulaan mo kung sino to?"Nakangiti kong tanong sa kanya.Medyo inipit ko ang akong boses para. Magiba ito.

"Alam kong ikaw yan Jes.Ikaw lang naman ang nagiisa kong bestfriend na makulit e.Hahaha"Agad naman akong napanguso sa sinabi niyang iyon.

"Makulit ba ako?I just want you to be happy lang naman eh."Sabi ko sa kanya habang naka pout.

"Alam ko naman.Makulit ka pero in a good way.I'm always happy when I'm with you Jes.Alam mo namang ikaw lang ang Pinaka BEST GIRL BESTFRIEND ko diba?"Agad naman akong napangiti sa sinabi ni Kev.

"Ikaw lang din naman ang Pinaka BEST BOY BESTFRIEND ko."Napangiti din naman siya sa sinabi ko.Pero parang medyo malungkot siya kasi kita ko sa mga mata niya.

"Aalis na kami Jes.Pupunta na kami sa ibang  bansa para dun ako makapagtapos ng pagaaral."Bigla naman akong nalungkot sa sinabi ni Kev.

"Wag kang mag-alala Jes.Pansamantala lang naman yun.Babalik din naman ako agad e.Once na matapos ko ang pagaaral ko,babalikan agad kita dito."Gustong gusto kong umiyak dahil sa mga narinig kong sinabi niya.

"Iiwan mo na pala ako Kev.Promise mo sakin yan ha?Babalik ka dito kapag tapos ka ng magaral."Pinipilt ko pa din na hindi ilabas ang mga luha na nagbabadya ng pumatak.

"I promise Jes.wag ka ng malungkot,okay?Katawan lang at presensiya natin ang maglalayo.Pero natitiyak kong hindi magkakalayo ang puso natin sa isa't isa"Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mami-miss kita ng sobra Kev.Hinding hindi ako magsasawang hintayin ka dito at mag-abang sa iyong pagbalik."Tugon ko sa  kanya.

"Sige na Jes.Aalis na kami.Hindi ako magsasabi ng good bye sy sayo kasi natitiyak kong babalikan kita balang araw."Pagkatapos niyang sabihin ang mga linyang iyon,kumalas siya sa yakap ko at dahan dahang  tumalikod.

Bawat paghakbang niya ay kasabay ng pagpatak ng aking luha na tuluyan ng kumawala sa aking mga mata."Titiyakin kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Ang nasabi ko nalang sa aking sarili.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Huy jessie! tulala kana naman dyan e." ang sabi sakin ng bestfriend kong si Aya.Hindi ko napansin na tulala na naman pala ako.

"Naiisip ko na naman kasi siya eh."Hanggang ngayon,sariwa pa din sa akin ang mga pangyayari.Walang araw na hindi ko siya naaalala.

"Si Kev na naman ba gurl?Ang tagal na nun ah?Kelan kaya siya uuwi?"Sunod sunod niyang tanong sakin.Hays kaya mahal ko 'tong babaeng ito eh.

"Hindi ko din alam Aya e.Siguro matagal tagal pa.Grade 9 pa lang tayo.Ang sabi niya kasi sakin ay tatapusin niya ang pagaaral niya don."Sabi ko sa kanya.Bigla ko na naman tuloy naalala yung araw na umalis siya.

"O siya.Tama na ang drama bes!Diba hihintayin mo naman siya?"Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot.

"Oo naman.Kahit gaano pa katagal,hihintayin ko siya Aya."Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Asus!hahahaha baka iba na yan Jes ha?Nako naman!"Sabi niya habang nakangisi.

"Alam mo naman dibang crush ko na siya dati pa?Ewan ko ba!bahala na si superman." alanganin kong tugon sa kanya.

"Hay nako Jes!ewan ko nalang kapag nagkita ulit kayo.Baka himatayin kana sa kilig nyan"Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahahaha grabe ka!Baka gusto mong isumbong kita diyan kay israel?'Nanghahamon kong tugon sa kanya.

"Tse!napaka manhid naman ng lalaking yun.Bahala siya sa buhay niya." Nakanguso niyang sabi.

"Hahahah!ikaw din bes.Baka maunahan ka diyan."Sabi ko sa kanya.Lalo namang humaba ang nguso niya kaya ako lalong natawa.

"Subukan lang nila lumapit kay Israel!Nako.Ibabaon ko sila sa lupa ng buhay."tuloy tuloy niyang sabi.

"Masyadong OA bes?Hindi talaga kayo mag-on.Wahahahha!"Nangaasar kong sabi sa kaniya.

'Sige!ipamukha mo pa sakin na hindi kami!Grabe Jes!TUNAY NA KAIBIGAN ka talaga!"Lalo akong napatawa sa naging reaksyon ni Aya.

"Ito naman!hindi na mabiro.Hahahaha labyu beees!Mwuah"Nag flying kiss pa ako sa kanya at agad niya naman itong iniwasan.

"Nakakadiri ka Jes!Hahaha bukas nalang ulit luka.Ako'y matutulog na at maaga pa tayo bukas."Agad naman akong sumangayon sa kanyang sinabi.

"Oo nga pala,first day of school na bukas.Sige na byeeeeeeeeee!"At saka ko pinatay ang aking cellphone.

First day of school na nga pala.Hays please be good to me Harris university.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz........

One Last FightWhere stories live. Discover now