Nakita kong may pinagkakaguluhan ang isang kumpol ng estudyante sa pathway. Hawak nila ang kani-kanilang cellphone.
"Anong meron dun, Max?" Iniisip ko yung mga nagviviral na videong nakakatawa sa facebook.
"Scandal. Laging nagviviral yan kada taon. Magfa-fade tapos viral uli. Usually, kada papasok lang yung panibagong school year e." Sagot ni Maxine na parang wala namang pakialam sa nangyayari. Parang sanay na sya.
"Anong scandal naman yon?" You know, marami kasing uri ng scandal, 'di ba?
"Sex scandal. Based on what I know, kabatch sya nila kuya mo?" Binanggit nya ang huling sentence na hindi sya sigurado. Hmmm. Nila Kuya? Wala naman syang nababanggit samin nila Mama na may ganoong pangyayari sa school namin. Saka 5 years ago pa nung grumaduate si Kuya ng high school.
"Tara na Yesh! Male-late na naman tayo! Bubugahan na naman tayo ng apoy ni Ma'am Dragon!" At hinila na nya ako. We're now half-running.
"Late na naman kayo!" Ang ganda palagi ng bati sa amin ni Ma'am Gardon. Hays favorite nya talaga kami ni Max.
"Good morning din po, Ma'am." I smiled at her kahit na sobrang lukot na mukha ang bungad nya samin. I looked at my watch and we're just 2 minutes late! Si Ma'am talaga.
"Ba't hindi ka gumaya sa Kuya Alex mo? Napakabait na bata nuon sa klase ko! Hindi pa laging late!" Sinermonan na naman kami habang papaupo kami ni Max. Sana maglecture na si Ma'am dahil saulo na namin ang litanya nya. Ang mga kaklase namin ay tumatawa na naman.
Sino bang gaganahan sa Geometry? Panay hinahanap si x! Wala naman ng kwenta yon dapat hindi na pinagtutuunan ng pansin yun! Naks! Nakuha ko pang humugot.
Hindi naman ako nangungulelat sa klase nya. Actually, kaya nga hindi nya ako mamarkahan ng mababa dahil mataas ang mga quiz at tests ko kay Ma'am Dragon. Lagi lang talaga akong late.
Ako si Alessia. Si Alessia ay magaling sa math kahit laging late. Tularan si Alessia!
Natapos ang dalawa naming klase ay nagbreak na kami. Habang namimili kami ay mapapansin mo ang gulo ng mga kalalakihan. Konti lang ang babaeng nakikisali.
"Nagkakagulo na naman sila." Nakaupo na kami ngayon. Napalingon ako sa tinititigan ni Cai na grupo.
"Hahahaha! Poor girl! Kunyare pang ayaw?! Duh! It's so obvious that she's pleasured! Gangbang ba naman! Sarap!" Dinig na dinig ko ang sabi ng babae sa sobrang lakas. Masasabi mong nagpaparinig talaga sya sa lahat ng gusto nyang paringgan! What the actual fvck? Tigang ba u ate girl?
"Later baby Janelle, i-gangbang ka namin." Nakakadiring sagot ng isang lalaki at kumindat pa. Nagtawanan at nag-apiran silang lahat na lalaking kasama nito.
"Sige ha. Abangan ko yan." Lalong naghiyawan ang mga lalaki. Mind you! Iisa lang syang babae sa grupo! Confirmed! Tigang si ate gurl!
"Ano ba talagang meron sa video na yon?" At last, tinanong ni Nikka ang gusto kong itanong kanina pa.
"Puro chismis lang naman ang alam ng karamihan. Wala talagang nakakaalam ng totoong nangyari." Pag dating talaga sa chismis hindi papahuli 'to si Maxine! Pwede na nga syang bansagan ng, "Maxine 'The Chismosa Queen'"
"Edi alam mo yung mga chismis?" Tanong ni Nesa na ikinatawa naming magkakaibigan.
"Ako pa ba papahuli?" Proud na sabi ni Max na lalong nagpatawa samin. Baliw talaga 'to.
"Ang sabi-sabi, nang may kumalat na chismis na may sex scandal ang paaralang ito, grabe daw yung hiya at galit ng school head. Sinigurado daw nilang walang lalabas na video kahit isa. Pinagharap harap nila lahat ng involve at kinumpiska lahat ng gadget na maaaring ginamit nila pang-video. Ng makumpiska ay binura lahat ng nakuha nilang video." Walang nagsasalita sa amin, nakikinig kaming lahat mabuti kay Cai habang nagkukwento sya. Lahat kami ay curious sa kwento ng video na iyon.
"Sabagay, private school tayo. Kahiya-hiya talaga kung may kakalat na ganon. Kailangang mas maganda ang image natin kumpara sa mga public schools. Matatanggap nila kung taga-public lang yung may scandal e. Pero satin, parang malaking sampal nila sa atin yun." May point si Nesa sa mga sinabi nya.
"Yes. Kumpara sa public dapat mas may religious values tayo or alam natin ang ethics. Sa public schools kasi hindi allowed ng law na magturo na kahit anong religion-related." Kaya pala hindi sinabi samin ni Kuya? O baka hindi nya talaga alam kasi 'di ba, isinekreto nilang mabuti ang scandal.
"Pero papaanong kumalat?"
Hindi na nasagot ang tanong ko dahil nag-bell na. Hudyat na kailangan na naming bumalik sa aming klase.

BINABASA MO ANG
Rape Scandal
Mystery / ThrillerIsang misteryong walang kasagutan... Isang kasong akala'y nalutasan na... At isang sikretong walang sino man ang nakakaalam ng katotohanan... Ang isang KASALANANG akala'y nalusutan na, AY MAG-SISIMULA PA LANG.