kwarto ko.. Malayo pa naman ang Araw ng Patay ah.. June palang ngayon eh..
“Ako? Multo? Ang gwapo ko naman atang multo.” sabi niya. Bakit parang lumakas yung hangin dito sa kwarto ko.. Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa mata ko kanina nung nakita ko yung lalaki.. At hindi nga ako nagkamali, ang napaka-yabang na lalaki ng kilala ko.. Si JOSHUA!
“Ano bang naisipang mong lalaki ka! At pumunta ka dito ng pagka-aga-aga!” sabi ko. Oh diba? Galing kong sumagot.. Haha. Nababaliw na naman ako. Kailangan ko na talagang magpadala sa mental..
“Panget! Pumunta ka sa bahay!” sabi niya. Tingnan mo ‘to, siya na nga ‘tong nag-aakit, tapos may kasama pang pang-aasar.. Eh kung bantukan ko kaya siya.At saka Hello? Ang ganda-ganda ko kaya! Anong Panget? Baka siya Panget..
“Hoy! Panget! Kung maka-panget ka naman! Wagas ‘ha! Eh ke aga-aga pa oh! Magpapasama agad! Ni hindi pa nga ako nakain oh!” sabi ko habang nakapamewang sa harap niya, de bale na kung mukhang mataray ako sa pwesto ko ngayon.. Eh kapag itong asungot na ‘to ang kausap ko.. naku! Nagiging mataray talaga ako.
“Anong Panget? Kung panget ako! Edi wala ng gwapo sa mundo! At sana HEARTTHROB ako diba? May panget bang sikat?! Tsk.” sabi niya. Oo nga noh! Di ka kasi nag-iisip Summer eh.. Oh ay ano ba! Basta PANGET pa rin siya..
“Oh edi wow!” nasabi ko na lamang habang nililigpit ang pinaghigaan ko kanina.
“Nandito lang ako sa baba” sabi niya sabay labas ng pintuan ng kwarto ko.. “I’ll waiting for you..” dagdag pa niya.
“Oh edi maghintay ka! Pake alam ko!” bulong ko, habang nagliligpit pa rin.
“Masamang pinaghihintay ang gwapong katulad ko, kaya bilisan mo na! 10 minutes!” sabi niya ulit habang nakasilip sa pintuan saka tuluyan ng umalis. Hay! Napaka-yabang talaga ng lalaking yan, nakakainis! Bakit ba kailangan kong pumunta sa bahay nila? Ano bang gagawin ko dun.. Eh boring dun eh! Kung sa bagay, boring din naman dito sa bahay eh.
Agad akong pumunta sa CR, at saka ko ginawa ang morning routines ko. Saka lumabas ng kwarto ko at padabog na bumaba ng hagdan.
“Good Morning Ma’am” sabi ng kasambahay namin na si Yaya Zara. Si Yaya Zara ang pinaka-favorite ko sa lahat ng maids namin.. Alam niyo kung bakit?.. Well, hindi ko rin alam.. Haha
BINABASA MO ANG
Summer & Joshua
Teen FictionIto ay istorya nina Summer at Joshua. Na laging nag-aasaran pero humantong sa dinaasahan.. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Magiging sila ba sa huli? o Tuluyan ng mag-aasaran ang dalawa? Halika na at basahin ang istorya nina...