PROLOGUE

6 0 0
                                    


Hindi parin tumitila ang ulan mula nang dumating ako dito 5 oras na ang nakalipas. Ganun din ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Yakap-yakap ang aking backpack ay nanginginig akong nakasiksik sa sulok ng waiting shed. Napakalalim na ng gabi at wala ng masyadong sasakyan ang dumadaan. Matapos ang mga nangyari kanina ay hindi ko na alam kung saan pupunta. O mas mabuting yung " tumira"? Pinalayas kasi ako sa amin ng mga magulang ko matapos ko sabihin ang mga nakatagong galit,sakit at lungkot na halos 18 years of my existence ko nang kinikimkim. Sa pagalala niyon ay mas lalong hindi tumigil ang pagdaloy ng mga luhang kanina ko pa sinusubukang pawiin. Paano nila nakayang gawin ito sa akin na mismo kadugo at anak nila???
Sa tagal ng aking pananatili sa shed ay unti-unti na ring humina ang pagbagsak ng ulan. Napagdesisyunan kong maglakadlakad na lng muna baka sakaling may maisip na akong solusyon sa delubyong ito. Hinde pa ako nakakasampung hakbang nang maramdaman ko na ang pagod at gutom na samahan pa antok at ginaw. Ngpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na gustong gusto ko nang humiga na lang sa lupa at tuluyang matulog...Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang 24/7 store at napakapkap ako sa aking bulsa. Isang bente at dalawang daan lang ang nabitbit ko mula samin. Determinadong makakain kahit konte ay nagpatuloy ako sa mabagal at pasuroysuroy na paglakad.Malapit na sana ako ngunit nang nasa isang poste na ako ay bigla na lng akong napasandal dito at napahawak sa tiyan ko.Sunod sunod at malalalim na hininga ang ginawa ko pero unti unti pa ring lumalabo ang aking paningin.Nung babagsak na sana ako senyales ng pagsuko ng katawan ko ay may biglang pares ng malalakas na braso ang tila'y bumalot sakin bago ako nagblock out.

_

_

_

_

_


Nakakasilaw na liwanag ng araw ang gumising sa akin nang sumunod na umaga.Nanatili akong nakahiga habang naghihintay akong luminaw ang malabo kong paligid.Unang napansin ko ang puting kisame sunod ang eleganteng mga pader ng kwarto. Bumangon ako at hinangaan ang malambot at halatang mamahaling kumot at ang kabuoan ng kama. Sa paglibot ko ng aking mga nagtatakang mata sa paligid ng sopistokadong kwarto ay halos nalimutan kong pansinin na iba ang suot ko ngayon sa suot ko kagabi-

"Goodness,Gracious!!! are you Daniel's girlfriend??? That kid!",bulalas ng isang babae sa may pinto na kinalaki ng mga mata ko. Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Nah, mom.You know how i hate commitments so you should know better than me having girlfriends..."

Humarap ang babae sa nagsalitang lalaki at nasulyapan ko ang mukhang nakakabighani sa kakisigan ngunit may pagkamisteryoso.

"She's not my girlfriend but i want her to be my bloodmate.",saad niya na nakatingin na sa akin ng diretso na nagpasikip sa dibdib ko.😱😱😱

WHAT ON EARTH HAVE I GOTTEN MYSELF INTO???

LOVE FROM THE UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon