Thank You For Letting Me Go (One-Shot)

83 2 0
                                    

Aya's POV

Calling ...

Hon ko :)

"Hello?" I said as I picked up my phone.

"Nhie, sorry pero ayoko na. Hindi ko na kaya ang LDR. Sorry talaga." He started to sob.

When I heared that, my tears start falling down my face.

"Ba...bakit hon? May nagawa ba akong mali?"

"Wala. Hindi ko lang talaga kaya ng LDR."

"Na kaya naman natin, di ba? Bakit ngayon bumibitaw ka na? Bakit? Meron ka na bang iba?"

"............"

Hindi na siya sumagot kaya inulit ko ulit yung tanong ko.

"Me...meron ka na...bang iba?" Pautal-utal kong tanong. Bahala na kung ano isasagot niya.

"O...oo. Actually kasama ko siya ngayon. Sorry talaga."

With that, I ended up his call. Grabe, ang sakit. Sobrang sakit! Nagawa pa niyang sabihin sakin na kasama niya yung babae?! Ang kapal ng mukha niya! Timer! Manloloko!

Sa kakaiyak ko, nakatulog ako.

----------------

"Aya, anak, gising na. Magha-hapunan na tayo."

I slowly opened my eyes. Ang bigat ng mga mata ko. Gusto ko pang matulog. Baka kasi sakaling mawala 'tong sakit na nararamdaman ko.

"Oh, bakit ganyan itsura mo? Tsaka bakit namamaga yang mata mo?"

"Si...si Lorens po kasi Papa. Tumawag kanina para makipag-break. Hindi na daw po kasi niya kaya ang long distance at inamin din niyang may girlfriend na siya."

"G*go yun ha! Pumayag akong maging kayo tapos ganito ginawa niya sayo?! H*yop siya!"

Si Lorens Cruz, boyfriend...I mean ex-boyfriend ko. Ang pinakaunang legal kong boyfriend. Siya yung tumawag kahapon. Kaya ganyan na lang magalit si Papa.

"Ang sakit po Papa. Ang sakit-sakit po." I hugged him and started to cry again.

"Sssshhh. Tahan na anak. Ibig sabihin lang niyan hindi talaga siya para sayo."

Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ni Papa. Nakakagaan talaga ng loob kapag sa kanya nanggagaling yung mga ganyang salita. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya, inayos ang sarili ko at bumaba na kami para kumain.

----------------

Two months had passed at sa loob ng two months na yun, madalas akong nakikita ni Papa na may luha sa mata habang natutulog. Ang hirap mag-move on pero ngayon okay na ako. I mean, okay na ako dahil hindi na tulad nung dati ang sakit na nararamdaman ko.

Oo nga pala, dahil sa nangyari, hindi na ako nakapagpakilala. My name is Aya De Guzman, third year high school student. Anyway, papasok na pala ako. I grabbed my bag and said goodbye to my dad.

Naglalakad na ako papunta ng room nang makasalubong ko ang daddy-daddy'han ko na si Daddy Paolo na may kasamang isang lalaki, classmate niya ata.

"Uy nak!"

"Ay, hello Daddy Pao!" I smiled to him.

"Hatid ka na namin sa room mo."

"Ah, eh, sige po."

Habang naglalakad, biglang nagsalita si Daddy Pao.

" Ay nak, nakalimutan kong ipakilala kasama ko. Si Louise Bautista pala, classmate ko."

"Hello! Nice meeting you." I waved my hand and smiled to him.

Maya-maya pa, nandito na pala kami sa tapat ng room.

"Pasok na ko Daddy. Salamat sa paghatid niyo."

"You're welcome nak. Balik na din kami sa room kasi tapos na break time namin."

They turned their back at me and started to walk. Infairness, ang gwapo ng classmate ni Daddy. HAHAHA! ^_^v

-----------------

Mabilis lumipas ang mga araw at mas nagiging close kami ni Louise. Maya't-maya kaming magkasama basta wala silang ginagawa. 4th year na kasi siya meaning, pang-unaga siya. Since 3rd year ako, panghapon ako. Maaga lang ako pumapasok kasi nasa special section ako. May special class kami bago yung regular class. Nagtanong siya kung pwede manligaw. Ano pa ba isasagot ko? Syempre oo. HAHA!

Umulit pa ang mga ganung pangyayari. Lagi na rin kaming nagkaka-text. I think...I like him. :">

Sa wakas! Uwian na. Kaya naman niligpit ko na ang mga gamit ko at nagmadali nang bumaba ng hagdan. Nag-text kasi si Louise na susunduin niya ako.

Habang naglalakad ako palapit sa gate, nakikita ko na siya. Nakatayo at hinihintay na ako. Binilisan ko ang paglalakad. Nakakahiya naman kasi baka kanina pa siya naghihintay.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Hindi naman. Kakadating ko lang nung nagtext ako sayo."

"Ah, ganun ba? So, tara na?"

"Sige. Baka hinahanap ka na eh."

Ihahatid niya daw ako hanggang sa bahay kaya lang sabi ko hanggang terminal na lang ng mga jeep kasi hindi pwede. Baka mahuli pa. :D

"Ano nang sagot mo?" Nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong.

'Sasagutin ko na ba siya?' Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Three months na siyang nanliligaw sakin at pinatunayan naman niyang deserving siya maging boyfriend ko.

I compose myself and say, "Oo, sinasagot na kita."

Pagkasabi ko nun, he hugged me very tight and kissed me on my cheeks.

Hindi porket sinagot ko kaagad siya eh nagmamadali ako. Dun din naman ang punta namin dahil masasabi kong mahal ko na siya at ganun din naman siya sakin. Relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw. Baka mamaya sa pagpapahintay ko sa kanya eh mapagod siya kahit mahal niya ako. Tandaan, tao lang tayo. Napapagod at nasasaktan. So why take the risk? Love is not all about being happy. It is also about how strong you are to feel the pains he might bring to you, face the problems and learn how to smile despite of everything.

------------

Learn to forgive and forget. Yan ang natutunan ko sa nakaraan ko.

Hindi porket nasaktan ka eh hindi ka na pwede magmahal ulit.

Hindi porket grabe ang idinulot niyang sakit sayo eh hindi ka na pwedeng magpatawad.

Minsan, masasaktan talaga tayo. True love hurts, di ba? So ano kung nasaktan ka? At least, may natutunan ka. 

Kung hindi dahil ginawa mo, hindi ko siya makikilala. Kaya ang masasabi ko lang..

THANK YOU FOR LETTING ME GO.

A/n: First one shot ko mga pipol! Sana ma-sattisfied kayo kahit konti lang. :D Feel free to leave your comments.  Click niyo na din 'vote'. Tsaka pa-follow na lang din. HAHA! Thank you. :))

Thank You For Letting Me Go (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon