First day of being third year highschool. Sabi nila masyado daw mahirap ang third year, dahil halos nandiyan daw lahat ng gawain mula nung first and second year tapos madadagdagan pa ngayon. Gosh, nakakapressure talaga. Pero well, aral lang ng aral yun naman yung goal ko diba? And by the way I'm Alliyah, but you can call me Liyah if you want.
"Liyaaaaaaah?"
"Ay halimaw, ano ba yan Eliandra may namatay ba at kung makasigaw ka diyan akala mo sobrang importante." Haish, ito talagang babaeng to eh, kung di ko lang mahal to iniwan ko na to eh.
"Ikaw naman, naexcite lang ako sa first day of class natin, alam mo na third year diba sabi nila mahirap ang Junior year?"
O well sabi na sainyo eh, yan talaga ang sabi sabi, na mahirap ang Junior year, pero for the record ha ito daw ang pinakamasaya sa highschool life.
"Oo nga nakakaexcite na nakakapressure. Alam mo na besh kasi diba kailangan natin imaintain ang high grades natin? For our parents diba?"
"Yeahyeah. Halika na Alliyah ayokong malate sa first day no."
"Oo nga, tara na."
Pumasok na kami sa room namin, magkasama kami sa isang section, ang section 2A. Oo nga pala, that was my friend Eliandra, actually bestfriend ko siya na maingay, madaldal, malikot, makulit, maganda, maputi, matalino. Oh besh masyado na kitang napuri ha.
Lagi ko siyang kasama, pati na ata sa pag dumi ko kasama ko yan hahaha. Wala kaming iwanan, mahal na mahal ko din yan kasi para ko na siyang kapatid sa ibang nanay.
Pagpasok namin ng room tahimik ang girls na nagbabasa ng pocket books, educational books, yung iba nag cellphone, then yung boys naman they're talking about basketball, what's new diba?
"Besh, parang hangin lang tayo dito may kanya kanya silang mundo." Sabi ni Yana.
"Yun nga eh, parang di nila napansin yung pagpasok natin, or should I say na di nila naramdaman na dumating tayo." Sabi ko naman sakanya with matching taas kilay pa.
Yana ang tawag ko at ng close friends namin sakanya kasi you know masyadong mahaba yung Eliandra, katamad kaya. Maya maya pumasok na yung teacher namin, 3rd year highschool palang kami at nagaaral sa Amadeo University.
"Goodmorning class, I am Ms. Jian Santos and I will be your adviser and also your English teacher. So class please introduce yourselves one by one infront."
Hays kaya hate ko ang first day eh, susme. Ayoko mag introduce ng sarili kasi nahihiya talaga akong humarap sa mga di ko pa kakilala or kaclose.
Di ko na namamalayan na ako na pala ang susunod na magpapakilala sa harapan, grabe bat ba di ako naka pay attention sa mga nangyayari?
"Ms. Reyes please introduce yourself here infront."
"Ahh-ah ye-yees ma'am." Bat ba ako nauutal? Haish.
"Uhm ah hi, I'm Alliyah Claire Reyes 15 years old, my hobbies are playing volleyball, singing and writing stories. I wish we can be friends." Pagtatapos ko sa pagpapakilala.
"Now would you please stand here infront Ms. Constancia?"
"Yes ma'am."
"Hi I'm Katheryn Eliandra Constancia, 15 years old, my hobbies are singing, dancing, playing volleyball, reading, and basketball. I wish we can be friends."
Natapos na lahat na magpakilala nang biglang pumasok ang isang makisig, gwapo, maputi, chinito at mataas na lalaki.
"Sorry I'm late ma'am Santos. Pinatawag pa po ako ni dad sa office eh." Then narinig ko naman na may mga nagbubulungan na mga girls, ano naman kaya yun? Hmm.
YOU ARE READING
My Bestfriends Lover
FanficHi, ako nga pala si Alliyah also known as liyah. Isa akong varsity player ng volleyball sa school namin, maganda, mabait, chinita, maputi, matalino. May bestfriend ako, her name is Eliandra siya ang campus hearthrob, isa siyang cheerleader at kilala...