chapter1

38 1 0
                                    

"Shanniz, pakain kana nakapasok na sa finals yong team mo ah." sabi ng bestfriend ko. Yeah nanalo kame sa school division as champion.

"Oo ba. Food trip tayo. Tara "

Kame lang naman lagi magkasangga ng kaibigan ko nato. Oo madami akong kaibigan na matatawag pero iba siya. Siya kase yung kaibigan at kapatid kona din kung san ako dun siya ganun din sakanya, sabi nga ng iba parang di daw kame mapaghiwalay na dalawa. Mahinhin at tahimik lang to palibhasa beauty queen, sumasali siya sa mga pageant.

And ako naman. Well, ako nga pala ang Volleyball captain ng varsity volleyball namin. Ako si Shanniz Del Clara. Only child. Naghahanap ng attention ng magulang. May isang bestfriend/sister na si Lyka Mae Diamante. Ano paba ? Simple lang naman ako walang nakaka excite sa buhay ko.

"Okay kana ba?"

"Oo busog nako sa frappe pa ngalang eh , thanks sa libre at congratulations again " auhhhh napakasweet niya talaga.

"Tara uwi na tayu"

Siya nagdadrive at siya din nag luluto sa bahay. Yeah same house na kame nakatira.

Tutal naman daw ay masaya kaming magkasama why not daw mag rent kame ng house malapit sa university namin kaya ayun ang ginawa namin .

Ok nadin tong set up nato kasi sasaya nako , mapupunan pa ang pagmamahal na sana ay magulang ko ang gumagawa at nagpupuna .

May maid naman dito kaya lang babae kami kaya dapat marunong din kame sa gawaing bahay . Ang maid namin ay pinapagawa lang namin kapag sobrang busy namin . Na aawa lang din naman kase kami kay Nana Janeth kase may mga anak siyang pinagaaral sa probinsya .

In short , parang naging kasama lang din namin siya dito . Masaya kaming tatlo dito sa bahay .

Kanya kanyang gawa . Katulad ngayon .

Ako ang magwawalis ng bahay at si Lyka naman ang magluluto , si nana naman ay ang maghuhugas mamaya .

Chef kase ang kurso ni Lyka at ako naman ay Accountancy . Pero dahil nahiligan ko ang volleyball ay parang kawilihan kolang sana at ngayon ay naging team captain pa .

"Beb ... nana . Kain na tayo" narinig kong sigaw ni Lyka mula sa kusina .

"Uy seksi oh . " pano naka short ang loka at ako nga naka pantulog na jogging pants pa . Haha minsan nga niloloko ka yan na lalaki talaga ako . Sabi kopa nga sakanya pag ako lalaki liligawan ko siya at di ayawan . Tatawanan lang ako .

"Nana oh " haha nana's girl po yan . Kahit ako .

"Nako ayan kana naman Sha . Kumain na ngalang kayu . Kayu talaga . " ang ganda lang masilayan ang ngiti ni nana . Parang na aalala ko yung lola kong sa probinsya . Aishhhh dibale na pupuntahan namin ni Lyka pag bakasyon na .

Kumain na kaming tatlo . Hmmmmm sarap talaga mag luto netong si Chef Lyka. Nagpapatulong nga ako sakanya mag luto minsan eh . Kasi nga diba "a way to a man's heart is through his stomach " oh yahhh baby haha babae parin naman ako at naghahanap ng makakasama sa buhay. Pero SAKA NA !

"Nana. Sa taas na po kame "

"Sege mga anak . Magpahinga na kayo . Ansisipag niyo talaga, ang aga aga naglilinis na kayo agad . Para talaga kayong di mga anak ng billionaryo . Oh sya at magsi ligo na kayo . " sabay halik niya samin sa noo .

"Nana. Mamaya bibigay kopo yong pampadala niyo , samahan na din kita sa malapit na padalahan . "

"Nako salamat anak . Ang bait niyo talaga . "

"Nako si Nana talaga . Sige na po at pagkatapos niyo po diyan matulog na kayu agad "

Umakyat na kami ni Lyka . Same room din kame syempre . Malaki naman ang kwarto dito . 2storey naman kasi to kaya ang nasa taas ay kwarto namin na pinagisa lang . At ang kay nana ay sa baba . Matanda na si nana kaya di na pwedeng pa akyat baba .

Captain x CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon