-ONESHOT-

41 1 0
                                    

"Ayoko na.", ang huling mga katagang binitawan niya bago lumakad, papalayo sa akin.
Lumapit ako, at niyakap siya. At sinabing, "Mahal, mahal kita pero tama na. Ayoko na din.."
•••
Ang pagkakakilala natin ay napakabilis, hindi ko alam, ganun rin pala kabilis ang paglisan mo. Ang dami nating pinangako sa isa't isa."Hindi kita iiwan, pangako yan." sabi mo.

Pero tangina, ano to? Bakit iniwan mo ako? Bakit pinagpalit sa kaibigan ko? Bakit kailangan niyo akong saktan ng ganito? Gayong, wala naman akong ginawang masama sainyo para parusahan niyo. Walang katapusang 'bakit' ang naglalakbay sa utak ko.

Minsan, nagtataka ako. Totoo ba ang naramdaman mo? Totoo bang minahal mo ako? Totoo ba ang mga pangako mo? Malamang, hindi. Kasi kung totoo yan di mo ako iiwan. Di mo ako ipagpapalit sa kaibigan ko. Di ka magpapatukso.

Pero naisip ko, may kasalanan rin naman ako. Dahil napupunan niya ang pagkukulang ko. Pasensya ka na ha, hindi kasi ako handang ibigay ang sarili ko sayo.

Hindi ako handa, at alam mo yan.

Akala ko, naiintindihan mo. Palagi mong sinasabing, "Hihintayin ko hanggang maging handa kana."

Pero hindi mo ginawa. 

Nahuli kita. Kasama siya. Kasama si Janah. Ang kaibigan ko.

Nahuli ko kayo, sa mismong kwarto mo. At nasa ibabaw mo siya.

Nasa kwarto kayong nababalot ng mga mumunting ungol niyo, na sumira sa buong pagkatao ko.

Hindi ako umalis sa kwartong iyon. Kahit pilitin ko mang igalaw ang aking mga paa, papalayo sainyo, hindi ko parin kaya.

Hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, kahit na ang sakit sakit sa paningin ng nakikita ko.

Sinisisi ko ang sarili ko, kung bakit hindi ako gumalaw nung mga oras na yun.

Dahil nakita mo ako.
Hinabol mo ako.
At syempre, dahil dakilang tanga ako.
Nagpauto nanaman sayo.

Sinabi mong pinagsisihan mo ang lahat ng nangyari sa inyo ni Janah. At dahil isa akong gaga, naniwala nanaman ako sayo. Pinatawad nanaman kita.

Akala ko di na mauulit yun.

Pero naulit..
ng naulit..
ng naulit..

At nasabi ko sa sarili ko, "Kaya ko pa ba? Kaya ko pa bang ipaglaban ang relasyon namin, gayong, ako nalang magisa ang lumalaban?". Naisip ko, siguro nga tama na. Siguro hanggang dito nalang talaga kami.

Isang araw, nag text ka sa akin. Ang sabi,"Pumunta ka bukas sa simbahan. 4:00 ng hapon. See you."

At syempre, na excite ako kasi akala ko babalikan mo ako.

Pero hindi pala.

Pumunta ako sa simbahan. 3:50 palang nandun na ako. At dahil gago ka, 4:15 ka dumating.

Lahat ng akala ko, biglang naglaho ng bitawan mo ang mga kamay kong nakakapit sayo.

Sinabi mo sa akin na may bago ka na. Na si Janah na. At putangina, ang sakit. Gumuho ang mundong binuo nating dalawa. Gumuho ang lahat.

"Ayoko na." sabi mo, habang inaalis ang mga kamay kong pilit na kumakapit sayo.

At sa puntong iyon, alam ko. Na ayoko na din. Na ayoko ng umasa na babalik pa tayo sa dati, kung saan masaya pa tayo, at nagmamahalan. Ayoko na makinig sa mga matatamis na salita mo na nagaalis ng galit at poot na nararamdaman ko. Ayoko na. Hindi sayo. Kundi sa nararamdaman ko para sayo.

Tunalikod ka at lumakad.. ng lumakad... ng lumakad... papalayo.. sa akin..

Hinabol kita. At niyakap.

At sinabi kong,"Huli na itong yakap na ito. Salamat sa lahat, mahal ko. Mahal kita, pero tama na. Ayoko na din... Sumusuko na ako.."
•••
Ako nga pala si Krissy.

At Mark, tangina mo.

"Ayoko na."Where stories live. Discover now