1. Clumsy Guy

76 1 0
                                    

"Girl.. sigurado ka bang handa ka ng umuwi ng Pilipinas?" Tanong Trixie ang naging kaibigan ko dito sa Canada. Anak siya ng kaibigan nila Mama at Papa. Sa halos tatlong taon ko dito sa Canada siya ang naging best friend ko at nakwento ko din ang matinding heartache ko

"Yes. Its been 3 and half years. Miss ko na ang Pilipinas at si Bea" si Bea ang best friend ko sa Pilipinas

"Siguraduhin mo lang na papakilala mo saakin si Bea ah? Sa facetime ko lang kasi siya nakikita at hindi ko siya kilala personally"

"Oo naman" I said. Nag iimpake na ako ng mga gamit ko. Wala na akong ititirang mga gamit pa dahil wala na akong balak pang bumalik dito. Naka move on na din ako. Thanks to Papa

Pag uwi ko ng Pilipinas hindi pwdeng hindi kami magkita o magkasalubong ni Gene. Maliit lang ang mundo namin at inihanda ko na sarili ko sa muli naming pagkikita. Papakita ko sakanya na kaya ko din na wala siya tulad niya.

I stalked him almost everyday sa facebook. Sa nakikita ko mukhang may girlfriend na siya.

"Nath, Trixie, baba na kayo at kakain na ng dinner at ng makatulog na kayo. Maaga pa alis bukas" sabi ni Ate Mich na asawa ni kuya Lhoyd na nasa pintuan

"Sige po Ate" sagot ni Trixie

"Lets go?"

Kinabukasan

Finally! We're here.

Mukhang ewan si Trixie dahil bagong gising. Hindi na nakapag ayos dahil nagising nalang siya ng nakapaglanding nakami

"Nath.. We're going home. Sa bahay ba kayo didiresto? Sabay sabay na tayo" Papa said

"No Pa, I think sa condo nalang muna kami ni Trixie" may Condo si Trixie. Sariling pundar niya raw noon since nag papart time model siya. And sabi kung pwde doon nlang daw ako tumira sa Condo niya then uwi nlang once a week.

"Okay, Una kami. Dinner later" then dumiretso na sila sa Taxi na nasa harap nila

"Lets go" tska ko inakbayan si Trixie na puyat.

"Sana umuwi nalang muna tayo tska tayo nagpadeliver. Inaantok pa ako e" pinagtutusok niya ng tinidor yung manok. Tsk tsk. Kawawa yung manok double dead na

"Ts! Wag ka na magreklamo e nakalahati mo na yang pagkain mo e"

Sa sobrang sarap namin kumain ni Trixie, nakita ko nalang na may nakapada na lalaki sa gilid ko

"Shems!! Kuya? Okay ka lang?"

Tumingin siya saakin ng masama. As in masama. Ts problema nito? Buti nga concern pa ako e

"You!! Stupid!"

"Me?! Stupid?" Napatayo ako sinabi. Aba! Sabihan ba namn ako ng stupid. Kasalanan ko ba?

"Harang harang kasi yang mahaba mong binti! Tss"

"Ahhh yun ba Kuya? Tanga ka kung ganon! Pwde naman kasing iwasan diba?

"Tssss!" Tsaka inayos yung tshirt at pinagpag-pag yung pants niya.

"Nathan!!" Sigaw ng babae na papalapit saamin "Anong nangyari dito at bakit nakikipag away ka. At sa babae pa!!!! Wala ka talagang modo" galit na sabi ng babae. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita kung ano itsura o kung sino siya

"Tss. I can handle myself" inaayos kasi ni girl yung damit niya

Lumingon si Ate girl sa akin

"Bea?!" Sigaw ko

"Nathalie!!!" Tsaka niya ako niyakap "Kailan ka pa umuwi? Bat di mo sinabi saakin. Magkausap palang tayo kagabi sa facetime"

"Hehe sadya yon para surprise.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon