Chapter1

5 0 0
                                    


" Ms. Dems, may sakit si Ms. Sunny ngayon, pwede ba ikaw na muna ang mag-asikaso ng itinerary para sa mga Canadian tourists next month. Sayo na rin inassign ni Mrs. Dela Mundo yung tour na yun. " nilapag na ni Jamie, isa sa mga kaibigan ko sa opisina, ang mga papeles na kailangan papirmahan sa head ng agency.

" Thank you J! '' sabi ko at saka tinapos muna ang pag-coconfirm sa mga reservations na pinagawa ko 2 weeks ago pa. May mga tourist kasi na galing Bicol ang pupunta para ikutin ang Cavite. At dahil napag-usapan namin ni Bart (ang aking assistant at photographer) pati na rin ni Mr. Jed (isang professional and licensed driver na kinuha pa namin sa isang trusted agency na naka sign-up sa aming agency) ang mga pupuntahan, problema ko na lang ang pag-aadjust ng time in case na magka traffic jam sa Aguinaldo highway.

Nung mag-gagabi na, dali dali akong pumunta sa akin desk para ayusin ang mga gamit ko. I was waiting for someone's call while retouching my make up. After 5 minutes ay tumawag na nga ang taong hinihintay ko.

" You done? " agad na sagot nya pagka-answer ko ng phone. Mukhang may gagawin kami ngayong gabi dahil sa tono ng pananalita nya.

" Yup! As usual, you're on time babe! I'll be there by 6 minutes! Bye! " I ended the call and locked my drawer. I hastily stormed out of the room para mahabol ang elevator.

Dalawang lalake na sa ibang department ata naka-assign dahil hindi ko naman sila madalas na nakikita. But still, I smiled and greeted as a sign of courtesy. At dahil  nasa iisang area lang kami, it is inevitable not to eavesdrop.

" Oo nga! Nakita ko yung si Mr. Tagado! " said the gentleman in blue.

" Gago! Vice President ng Poly Record yun diba! Ano daw hanap?" sabi naman ng kausap nya.

" Hinahanap yung tourist guide na nag-bigay ng cupcake nung trip nila. Nasarapan kasi yung misis, so gusto sana gawing main baker sa confectionery shop nila. "

" Ang swerte naman ng tourist guide na yun! Isa kaya sa most influential family ang mga Tagado! Kung ako sa kanya, aalis na ako dito at lilipat na dun! "

Napangiti naman ako sa pinag-usapan nila. Ako kasi ang tourist guide na iyon. Sinendan ako ng text ni Mrs.and Mr. Tagado tungkol sa offer nila pero... hindi ako nakareply dahil pagkakwento ko palang kay Troy ay agad na sya na beast mode sa akin. Pero hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin iyon.

Pagkabukas  ng elev ay agad ako tumakbo palabas ng building at sinalubong ng yakap si Troy. Ang aking beloved fiance. Kinurot nya ang pisngi ko at inakbayan na ako habang naghihintay sa valet.

Sabi na at may gagawin kami dahil sa porma nyang navy blue vest on white long sleeves at jeans, naka loafers pa ito.

"Saan naman ang punta natin?" tanong ko sa kanya habang nakayakap sa tagiliran nya.

"Somewhere... you want to live?" 

"Psh!Babe, come on, it's not a sin not to tell me where we'll go! Sabihin mo na please."

"Not gonna tell you. If you really wanna know, ask Lambou! " 

Padabog akong umupo sa front seat at siya naman ay tuwang tuwa sa pagkainis ko. Saan naman kami pupunta ng gantong oras? 

" Buti pa 'tong Lambou, alam kung saan tayo pupunta---"

" Gusto kitang i-surprise, that's why I'm not telling you. "

" Aba! At kailan pumasok sa vocabulary mo ang surprise? " 

" Probably, nung sinagot mo ako. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let GoWhere stories live. Discover now